Eto na po 😊 Chori ngayon lang hehe enjoy reading po. 🤓🤓
-1 week na rin ang nakalipas simula ng umuwi kami dito sa Pilipinas at maya maya lang gaganapin yung pa welcome party daw nila Mommy para saming tatlo.
Ang alam ko ipapakilala din ako ni Daddy bilang isang CEO ng isa sa kompanya namin at isa sa mga taga pagmana nya.
Andito ako ngayon sa kwarto ko para maghanda sa party mamaya. Ako lang magisa ang magaayos sa sarili ko. Nakaupo ako sa tapat ng desk ko na may salamin sa tabi ng kama. Naka bathrobe pa lang ako ngayon maya maya ko pa kasi susuotin yung damit ko.
Isang one piece suit ang susuotin ko para sa party mamaya gusto ko nga casual lang kaso ayaw naman ni Mommy ang gusto pa nga nya magsuot ako ng fitted na long dress buti na lang napapayag ko sya na one piece suit na lang ang isuot ko formal din namang tingnan tsaka dun ako komportable.
Nagaayos ako ng sarili ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko nakita ko naman sa salamin na si Mommy pala ang pumasok."Hi anak. How are you? Are you okay? Are you ready?" Nakangiting tanong nya sakin sabay patong ng dalawa nyang kamay sa balikat ko ng tuluyan na syang makalapit sa pwesto ko.
"Don't worry mom I'm fine." Nakangiti kong sabi sakanya sabay hawak sa isa nyang kamay na nakapatong sa balikat ko.
"Wag kang kabahan anak kaya mo yan! Ipakita mo sakanila ang dugo ng mga Dela Fuente! Ipakita mo sakanila na matapang ka at di ka nila pwedeng maliit maliitin lang! Mana ka kaya sakin." Proud nya pang sabi kaya natawa na lang ako.
"At pano mo naman po nasabing sayo ako nagmana my?" Natatawang tanong na may halong birong sabi ko sakanya.
Nginitian nya ko habang nakatingin sakin mula sa salamin sabay yakap sakin mula sa likod.
"Eh kasi anak kita! Atsaka maganda ka kaya mana ka talaga sakin walang duda." Natawa naman kaming parehas sa sinabi nya.
Nasa ganon kaming posisyon ng biglang pumasok si Cloud kasama sila Storm, Daddy, Grandpa at si Grandma.
"Mom ano to?" Pati ba naman ikaw si ate ang paborito?!" Kunwaring nagtatampong sabi nya pero nakita ko naman yung palihim nyang ngiti kanina ng buksan nila yung pinto ng kwarto ko at makita kami ni Mommy na magkayakap.
"Asuuuuuus! Halika nga dito bunso." Tawag ko sakanya ng bumitaw si Mommy sa yakap. Nang makalapit sya agad ko din naman syang niyakap naupo pa sya sa may lap ko. "Wag kang magalala bunso ikaw naman ang pinaka paboritong kapatid ni ate." Bulong ko sakanya na kinatawa namin parehas.
BINABASA MO ANG
The Girl That I Love (gxg)
Novela JuvenilWendel Garcia is just an ordinary 20 years old student na ang gusto lang sa buhay ay mataguyod nya sa kahirapan ang pamilya. She's a loving daughter, sister, aunt and a friend. Masayahin syang tao, madaldal, palakaibigan NOON yes noon but Gabriella...