Chapter 25

397 9 0
                                    

Christan's POV

Flashback

Asan na ba yung babaeng yun. "Sir.. Sino po hinahanap niyo?" Tanong ng isang maid na kakarating lang.

"Ah.. yung bisita ko. Baka sakaling nakita niyo ho?"

"Opo andun po siya sa kwarto ni angel" nagpasalamat ako at pumunta sa kwarto ni angel.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, pag bukas ko nito nakita ko silang dalawa na magkatabing natutulog sa kama.

Lumapit ako sakanila.... Napangiti nalang ako. Tinignan ko yung mukha ni trisha, napaka anghel ng kanyang mukha kapag natutulog, kapag gising kasi may dalawang sungay sa noo niya eh! ^O^

"Kuya.... Crush niyo po ba siya?" Nagulat ako sa nagsalita. Napatingin ako kay angel.

"Shhh... Wag ka maingay ha" tumango lang ito "promise?" ..... "Opo promise"

Ngumiti nalang ako.

End of flashback

Suzy's POV

Alam niyo naiis-stress nako. Walang araw na hindi ko nakasama ang unggoy na 'to. Lagi siyang nakadikit sakin! Arggh!

"Pwede ba lubayan mo na ako!" Sigaw ko. Simula kasi ng makita niya akong iniiyakan yung ex ko ayun naging buntot ko na siya.

Like eeew >o< kaderder idinidikit niya ang kanyang kapangitan sa kagandahan ko.

"Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi sakin yung tungkol sa ex mo" nakangiti niyang sabi.

Wow ah ano ko ba siya? Ang kapal naman hindi ko naman siya boyfriend maski kaibigan hindi e.

Tinarayan ko nalang siya at umalis. Sumunod pa din siya.

Napangisi nalang ako sa naisip ko.

"Alam mo kasi kung sasab-"

"AHHHHHHHH!"

"MANYAK!"

AHAHAHAHAHAHAHA look at his face bwuahahahaha.

"Ano sunod ka pa? Sige sumunod ka sakin dito sa comfort room mg GIRLS"

Hahahaha hindi na siya nakapagsalita at umalis nalang. I WON! THE VICTORY IS MINE! ^O^

Pagtapos kong mag-cr lumabas nako para makabalik na sa room.

Biglamg nandilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin.

"SINO KA!? HOY IBABA MO NGA AKO! TULONGGGG!"

Bigla niya ako inihagis at naramdaman ko nalang yung binagsakan ko, swimming pool tinanggal ko yung naka-blind fold at nakita ko kung sino yung nanghagis sakin.

"CHARLES! WHAT THE HECK!" Paano na ako makakapasok neto!?

" Ahahahahaha tamang bawi lang, sige see ya later"  sabay alis.

Ahh eto pala gusto niya sige malilintikan ka sakin. Hmm...

Umahon na ako sa pool at pumunta sa locker ng basa, kinuha ko phone ko and texted trisha. Hihiramin ko lang yung P.e uniform niya.

1 Hour later

Nagtanong-tanong ako kung nasan si charles at nalaman kong nasa covered court ito. Pagkapasok ko nakita ko siyang naglalakad sa shower room.

Napangisi nalang ako. Lumingo lingon pa ako sa paligid kung sakali mang may makita ako .... At nakita ko na ngang hinahanap ko AHAHAHA...

Now it's time to take my revenge.

A Hot Playboy changed Ms.Lesbian Into a Real girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon