Chapter 1

16 2 1
                                    

She Hates Love
written by: nnariex

Amour's POV

Napapangiti ako habang naglalakad papunta sa bahay ng boyfriend ko. Alas nwebe na ng gabi pero gora lang, malapit lang naman ang tinitirahan nilang subdivision mula sa amin. Tatlong kanto, dalawang beses kumanan, isang beses kumaliwa, kaunting kembot lang kaya kering-keri. Ngayon ang 3rd year anniversary namin! Excited na ako sobra! Isu-surprise ko siya! Binili ko ang sapatos na gustong-gusto niya. Ito ang latest na labas ng nike.

"Ang mahal mong sapatos ka jusko! Bakit kasi naimbento pa ang ganitong klaseng sapatos!" pagkausap ko sa sapatos na nasa loob ng malaking paperbag. Binilihan ko din siya ng mga polo shirt at t-shirts from penshoppe at bench.

"Isa pa 'tong mga damit na 'to eh! Presyong ginto!" pagkausap ko naman sa pito pang paperbags. May dala pa akong ballons kaya nagmumukha akong clown. Dibale, sexy at magandang clown naman. Charoot! At siyempre, hinding hindi mawawala ang favorite niyang chocolate cake. Ang dami kong nagastos, pero hindi naman ako masyadong nagrereklamo. Medyo lang naman. Ang mahal kaya ng mga taste nung lalaking yun. Pero siyempre mas mahal ko siya. Kaya nga kahit matipid akong tao napapagastos ako pag dating sa kaniya.

Tumigil ako sa tapat ng bahay nila. Bukas naman ang gate kaya pumasok na ako. Dumeretso ako sa front door, bubuksan ko na sana to nang marinig kong may mga boses na naguusap. Nanggagaling yung mga boses sa may garden sa gilid ng bahay kaya pumunta nalang ako doon, at tama nga ako. May mga tao doon, nandoon din ang lalaking pinakamamahal ko. Nakaupo sila ng mga barkada niya sa isang small round table at nagiinuman.

"I love you babe. Ang ganda mo talaga, pero mas lalo kang gumanda ngayong gabi." sabi niya. Napangiti ako sa narinig ko, ang perpekto na nga ng mukha nito, ang sweet pa. Sasagot na sana ako nang may naunang magsalita kaysa saakin.

"Naku nambola ka pa. Pero alam ko naman yun. Kaya nga mahal mo ako diba? I love you too babe." sagot ng babaeng nakasuot ng maikling shorts at red spaghetti strap na pang-itaas. Si Andrea, ang nagiisang babaeng pinagkakatiwalaan ko, ang human diary ko, ang best friend ko.

"Wooaahhh! Sobrang sweet! Nilalanggam na kami dito!" wika ng sumingit sa usapan na si Marco, ang closest best friend ng boyfriend ko. Tumayo pa siya para magpag-pag ng mga sinasabi niyang langgam na animo'y kinakagat siya.

"Teka, diba may girlfriend ka?" tanong naman ni Vincent sa kalagitnaan ng tawanan, ito ang nagpatahimik sa grupo.

Sinagot siya ng babaeng katabi niya, si Ynna. "Wala ka kasi these past few days. Inamin na niya saamin kung ano talagang mayroon sa kanila ni Andrea. Ah basta!"

Isang malakas na tawa naman ang sagot ng pinakamamahal kong lalaki. "Pre, naniwala ka din pala na mahal na mahal ko yung pinakilala ko sa inyong.. ano nga ba ulit yun? Girlfriend? HAHAHA!" dagdag pa niya.

"Hindi mo girlfriend yun? Ang ganda kaya! Matalino at may kaya pa sa buhay." sagot ng nagulat na si Vincent.

"Oo pwede na nga sana eh. Maganda, matalino, mayaman, maalaga. Pero pagdating kasi sa kama, umaayaw. Kaya ayun! Pineperahan ko nalang, taga-gawa ng projects at supplyer ng pagkain. Magandang walking atm! Ayun na nga lang ang naibibigay nung babaeng yun. Pasalamat siya, boyfriend niya ang gwapong katulad ko." iyan ang mga salitang binitawan ng pinakamamahal kong lalaki na nagpabitaw sa akin sa mga hawak ko, at pinangha-hawakan. Kasabay ng paglipad ng mga lobo mula sa kamay ko at pagbagsak sa lupa ng mga regalo, ay siya namang pagbuhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan galing sa aking mga mata.

*****

Nagising ako ng may luha sa mga mata. Pina-iyak nanaman ako ng isang masamang panaginip. Isang masamang panaginip na galing sa isang masamang ala-ala na nais ko ng makalimutan.

*****

"Te! Naku may good news ako sayo!" sabi ni Anjo pagkarating ko sa school. Sinalubong ako ng baklang to malapit sa gate. Huminto muna kami at umupo dito sa may flower garden. Kung titignan natin, mukha talagang lalaki 'tong si Anjo. Matangos na ilong, magandang mga mata, mahabang eyelashes, makapal na kilay, manipis na labi, maputi ang balat, at maganda ang katawan, may abs pa nga yan. Pero kung sa paglalakad ang usapan, kumekembot na nga may pitik pa. Mas lalo pa kung magsasalita na, daig pa ang nanay kong nanggagalaiti sa galit sa sobrang ingay. Sayang talaga 'tong bestfriend ko. Sayang na sayang talaga.

"Oh ano nanaman yan? Siguraduhin mong good news yan ha?! Kung hindi, uupakan talaga kita!" sagot ko naman.

"Huwag naman! Sayang 'tong pretty face ko kapag nangyari yun!" aniya.

"Ano nga yun?! Pinapatagal pa eh!" iritadong sagot ko. Nakakainis naman kasi! Ah basta! Naiinis ako!

"Te may pupuntahan ka? Wala pa naman tayong teacher. Ang sungit mo ngayon! Ah este, ang sungit mo araw-araw pero mas masungit ka ngayon." sagot niya na hindi sinagot ang tanong ko.

"Ano ba?! Sasabihin mo o hindi?!" sabi ko na may kasamang pagkuyom ng kamao.

"May bagong boylet! Grabe! Sobrang gwapo te!" kinikilig na sagot niya.

"Yun na yun?! Tsk! Akala ko pa naman kung ano na!" susuntukin ko na sana siya ng bigla siyang kumaripas ng takbo. Mga tao nga naman ngayon, porket gwapo iniidolo na.

*****

Pagdating ko sa classroom ay dumating na din ang lecturer namin sa english. Magsisimula na sana ang discussion nang may kumatok sa pintuan.

"Yes, come in." sabi ng lecturer namin. Bumukas ang pintuan at pumasok ang aming principal. Tatayo na sana kami para magbigay-galang nang sumenyas ito na umupo lamang kami. Pagka-upo namin ay pumasok naman ang isang matangkad na lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Hates Love (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon