♥ Phone Booth ♥

1.7K 65 51
                                    

A/N: try to update kahit masama ang pakiramdam.. whoooooooooooo.. salamat pa rin po sa babasa.. ^__^ maikli lang po ito.. ^__^ 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Her POV

Panibagong umaga naman.. Dali-dali akong lumabas ng bahay at nagtungo sa pinakamalapit na phone booth sa amin.. Bakit? Syempre.. Para tawagan ang lalaking mahal ko.. Para marinig man lang ang kanyang boses.. Bago ako pumasok sa eskwela..

Araw-araw.. Ganito ang routine ko.. Pagkatapos gumayak.. Diretso sa pinakamalapit na phone booth.. Agad akong nag-dial ang number ng mahal ko.. 

"Hello?" sabi niya sa kabilang linya.. Waaaaaaahhhh.. Boses pa lang niya.. Sumasaya na ako.. "Hello?" ulit niyang tanong ng hindi ako sumagot..

"Ahhh.." sabi ko.. "Goodmorning. Love you." sabi ko sabay baba ng telepono.. Waaaaaaaaahhh.. Nasabi ko yun.. Okay lang.. Di naman niya ako kilala.. Tapos takbo na ako papunta sa sakayan ng jeep..

Whew! Masabihan ko langh siya ng 'goodmorning' sa umaga.. Masaya na ako.. Kaya kahit nakasakay na ako sa jeep.. Nakangiti pa rin ako.. Grabe.. Isang masayang umaga na naman..

His POV

Naglalakad ako ng papunta sa phone booth na malapit sa lugar namin.. Yes! My phone ako.. Pero kapag tatawagan ko ang babaeng mahal ko.. Ginagamit ko ang phone booth.. Nahihiya kasi akong malaman niya kung sino ang palaging natawag sa kanya sa umaga..

Malapit na ako sa phone booth ng mag-ring ang phone ko.. Unknown number na naman.. "Hello?" tanong ko ng sagutin ko ang tawag.. Walang nasagot kaya nagtanong ulit ako.. "Hello?" 

"Ahhh.." sabi ng nasa kabilang linya.. "Goodmorning." sabi niya at nag-hang na.. Tiningnan ko na lang ang phone at kibit-balikat na naglakad papunta sa phone booth.. Nakita ko pa ang isang babae na nagmamadaling tumakbo palabas ng booth..

Nakatalikod siya kaya hindi ko nakita ang mukha niya.. Nang makapasok ako sa phone booth.. Agad akong nag-dial.. "Hello?" sabi niya ng sagutin ang phone.. "Hi, Allyssa. Goodmorning. Ingat sa pagpasok. Love you." sabi ko at agad binaba ang phone..

Whew! Nasabi ko din.. Kaso, hindi naman niya ako kilala.. Pero okay lang.. Hello pa lang ang nasasabi niya.. Pero ngumingiti na ang puso ko.. Dali-dali na akong nagtungo sa sakayang ng jeep.. Nakita ko siya.. Nakasakay na sa jeep.. Sumakay na ako sa jeep at palihim siyang sinusulyapan.. Hanggang sa makarating kami sa school..

Palaging ganoon ang ginagawa ko sa araw-araw.. Papasok ng maaaga.. Pupunta sa phonebooth.. Tatawagan siya.. Swerte na kung makasabay ko siya sa jeep tulad ngayon.. 

Her POV

Umaga na naman.. Syempre.. Dating gawi.. Pagkatapos maligo at magbihis.. Diterso sa phonebooth.. Tamang-tama.. Walang gumagamit nung isa pang phone booth.. May lalaki na kasing nagamit sa kabila..

Agad akong nag-dial.. Pero yung phone ko.. Nagriring din.. At unknown number ulit.. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko o hahayan ko na lang siya mag-ring.. At saka ko na lang sasagutin kapag nakausap ko na si Luke.. 

Sakto naman na napatingin ako sa phone na hawak nung lalaking nasa kabilang booth.. Napansin ko din na nakatingin siya sa phone ko.. Nag-angat ako ng tingin upang magulat lang sa aking nakita.. Si Luke! Siya pala ang nasa kabilang booth.. Parehas kaming gulat na gulat.. At siya yung natawag sa akin.. 

Sa sobrang hiya ako.. Agad kong binaba ang phone at lumabas ng booth.. "Allyssa?" tawag niya sa akin.. Nakalabas na rin pala siya ng booth..

Hindi ako lumilingon sa kanya.. Grabe lang.. Nahuli niya ako.. Nakakahiya.. "A-alis na ako." nauutal na sabi ko.. Ang kaba ko.. Abot hanggang pluto.. 

"Wag." pigil niya sa akin.. At hinawakan pa ako sa braso ko.. Waaaaaaaahhh.. Nakukuryente ako.. Bolta-boltaheng kuryente ang nanulay sa mga ugat ko ng hawakan niya ako.. 

Wala kaming imik.. Nakatalikod pa rin ako sa kanya at nakahawak pa rin siya sa akin.. Tila nagkakahiyaan pa kami.. "Allyssa." tawag niya sa akin.. Dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya.. 

Waaaaaaaaaaaaahhh.. Nagulo ang sistema ko.. Nakangiti siya.. Tipid din akong ngumiti.. "I love you." sabi niya.. 

"I love you too." sabi ko.. Hawak kamay kaming naglakad patungo sa sakayan ng jeep.. 

*end*

A/N: ahaha.. sabi senio... maiksi lang ih.. waaaaaaaaahh.. super.. ahaha.. salamat po.. ^___^

♥ Phone Booth ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon