PAALALA:
Ang kwentong ito ay hindi inihalintulad sa tunay na buhay. Ang lahat ng nilalaman at nakapaloob dito ay Imahinasiyon lamang ng sumulat. Huwag babaguhin o kokopyahin ng sinuman ang nilalaman ng naturang kwento na walang pahintulot ng sumulat(Author).
Plagiarism is a CRIME!
PROLOGUE
Sabado ng hapon nang maka lipat kami ng aking pamilya sa Mansion na tinatawag nilang The White Mansion of Victoria. Maganda at malaki ang naturang mansion. Dito ay may Limang malalaking kwarto na pwedeng tuluyan. Ang isa Ay Master's Bedroom at ang natitirang Apat naman ay para sa mga bisita,kaibigan o anak. Sa bawat kwarto may mga Banyo o comfort room. Malaki din ang Sala at kusina . May malawak na balkonahe din dito. May Harden kung saan pwede kang mamasiyal at may poso na sa pagkakaalam ko ay matagal nang naitayo.
Nang masilayan ko ang Laki at Lawak ng mansion na ito, masasabi kong nakakamangha dahil bukod sa na-preserved ng husto ang mansion eh napakaganda nito. Hindi ko maipagkakailang MAYAMAN KAMI O ANG PAMILYA KO. Dahil tanging mayayaman lang ang makakabili ng ganitong uri ng mansion sa buong mundo. Dumagdag pa ang Antigong yari na Mansion na ito kaya MAS lalong napa mahal ang Benta saamin ng Huling Kamag anak ng Orihinal na May ari ng Mansion na ito.
.
.
.
"O siya, manong fred, paki baba nalang po yung ibang gamit at ang asawa ko nalang ang bahalang mag pasok niyan sa mansion. " Nakangiting wika ni Marina sa driver nila. "Sige po Madam. Ako na po ang bahala sa ibang gamit na naiwan dito sa Van" Nakangiting tugon naman ni manong fred. Kinuha ni Marina ang ilang bagahe at ipinasok sa Mansion. Habang naglalakad ay pinag mamasdan ni marina ang kabuuan ng mansion. Marahil ay namamangha ito sa laki at lawak na taglay ng mansion kung kaya't hindi nito maiwasang hindi pagmasdan ang mansion."Mommy! Si kuya Rio Oh?! Tinatakot ako! May Multo daw dito sa Nilipatan nating Bahay!" Wika ni Nicole Bunsong anak nina Marina at Rex.
" Rio, Stop it! Huwag kang ganyan sa kapatid mo. Baka lagnatin at managinip ng masama mamaya! Stop it ok?!" Saway naman ni Marina sa anak nito. Na Nakikipag harutan.
"Nicole, Don't mind kung anong sinabi sa'yo ni Kuya Rio,ok? He just kidding and may be wala siyang magawa kaya nasabi niya yun saiyo." Malumanay na kinausap ni Marina ang anak nito. Tumango naman si nicole at saka yumakap kay marina. Naramdaman naman ni marina ang init at higpit ng pagkakayakap ng anak nito. "By the way, Where's daddy?" Tanong ni marina kay nicole nang kumalas ito sa pagkakayakap sa anak. "Nandun po sa gate , tinutulungan si Manong fred" Magalang na tugon naman ni nicole. Napangiti naman si Marina. At saka Tumayo. "Come on Nicole, tulungan mo si mama sa bitbit niya. Heto ang Maliit na bag, ikaw nalang ang mag dala nito." Inutusan ni Marina ang anak na tumulong bilang paraan ng pag didisiplina nito. Sumunod naman si nicole at tinulungan ang ina. Gayun din si Rio na panganay na anak nina marina at rex.
Nang makapasok sila sa Mansion Tumambad sa kanila ang mga Antigong Litrato at mga kagamitan sa Sala . Nandun din ang litrato ng orihinal na may-ari ng Mansion.
Inilapag sandali ni Marina ang mga bitbit na gamit at muling pinag masdan ang mga nakikita ng mata.
Isang Family Picture ang naka akit ng atensiyon nito. Marahil, ito ay Family Picture ng Orihinal na may ari ng mansion. Bakas sa larawan ang katandaan nito. Dahil medyo nag fafade narin ang kulay ng litrato. Hindi narin masiyadong makilala ang mga mukha ng nasa portrait. Ngunit naging dahilan iyon ng pag ukit ng matamis na ngiti sa labi ni marina.
"Masayang pamilya. Isang napaka sayang pamilya." Bulong ni Marina sa sarili.
"Mommy oh! Si kuya rio nananakot nanaman!" Pag rereklamo ulit ni nicole sa ina. Natigil sa ginagawa si marina at hinarap ang mga anak na naghaharutan .
"Rio, I told you. Hindi maganda yang ginagawa mo,hindi ba? Huwag mo na ulit tatakutin ang kapatid mo. Hindi magandang biro yun." Pinakiusapan naman ni marina ang anak nito. Tumango naman si rio . At saka siya niyakap ni marina . "O siya, pumirme muna kayo diyan sa isang tabi at aayusin ko ang mga gamit natin. Rio And nicole, Huwag kayong Mag sasakitan o magtatakutan ok?" Paalala ni marina sa mga anak bago nito inayos ang mga gamit nila.
.
.
.Pasado Alas Siete na ng gabi nang matapos ako sa pag aayos ng mga gamit namin. Nag luto narin ako ng hapunan para makakain narin kami ng aking pamilya.
.
."Mukha namang magiging masaya at payapa ang pamilya mo rex dahil alam kong magiging mabuti ka sa kanila." Wika ni manong fred. Sila ay kasalukuyang nasa Balkonahe habang nag uusap.
"Magiging mabuti po talaga akong Padre De Pamilya sa kanila manong . Dahil Mahal ko Sila. Mahal ko ang pamilya ko." Nakangiting winika naman ni rex at saka uminom ng Red Wine.
"Teka, matanong ko lang Ayos ba sa iyo na dito kayo tumira o manirahan ng pamilya mo?" ..
Natigil si Rex sa pag inom ng Wine at tinignan si manong fred. Kumunot ang noo nito at nag tanong din.
"Bakit ho manong?""Eh kasi Masiyadong malawak at malaki ang Mansion para sa inyong Apat na Mag-anak. Ibig kong sabihin, subukan din ninyong mag imbeta ng mga kaibigan na tumira dito kasama ninyo. Para naman maging masaya ang buong Mansion. Sa Itsura kasi nito, Nararamdaman kong malungkot. Lubhang napaka Lungkot." Wika ni manong fred. Napaisip naman si Rex sa tinuran sa kaniya ni Manong fred. Ilang sandali lang ay tinawag na sila ni Marina para mag hapunan.
"Siya nga pala, Gusto ko sana pormal na mag paalam sa inyong dalawa ni rex. Gusto ko sana na umuwi muna sa probensiya namin kung ayos lang sainyong mag-asawa. Gusto ko lang kasing madalaw ang pamilya ko doon na limang taon ko nang hindi nakikita." Panimula ni manong fred habang sila ay kumakain.
"Bakit po manong, hindi na po ba kayo babalik?"singit sa usapan ni Rio.
Natawa naman ng bahagya si manong fred. " Bakit rio,mamimiss mo ba si manong fred?" Nakangiting wika ni manong fred. Tumango lang si rio ngunit bakas sa mukha nito ang lungkot. Pinag masdan naman ng mag asawa ang kanilang anak."Anak, Rio, Mag babakasiyon lang sandali si Manong niyo fred. Peru babalik din siya pagkatapos." Malumanay na paliwanag ni Marina sa Anak nito. "Talaga po mommy?!!! Yehey!" Masayang sambit ni rio at saka nito niyakap ang katabing ina.
"Peru pangako niyo po na babalik kayo. At sa muli ninyong pagbabalik dapat po may pasalubong kayong dala para amin ni kuya Rio." Wika naman ni Nicole na nasa tabi ni Rex habang kumakain.
"Siyempre naman. Babalik ako at Dadalhan ko kayo ng masarap na Banana Chips At Masasarap na Tsokolate na gawang probensiya." Nakangiting wika ni manong fred. Ngumiti naman sina Rio at nicole at itinuloy ang pagkain."Sige ho manong. Basta mag iingat po kayo sa biyahe." Sambit naman ni Rex at hinawakan nito sa balikat si manong fred.
"Kung hindi niyo po mamasamain. Kailan po ang plano ninyong mag bakasiyon?" Tanong muli ni marina.
"Bukas din sana iyon eh kung ayos lang sainyong mag asawa." Tugon ni Manong fred.
"Sure ,manong. Walang problema. Heto po pala ang Sahod ninyo." Nakangiting tugon ni rex at saka nito ibinigay kay manong ang puting sobre.
"Naku, Salamat dito. Peru, hindi ba't sa susunod na linggo pa ang Sahod ko?" Pagtatakang tanong ni manong fred. "Pinaaga ko na po manong. Kasi alam kong kailangan ninyo iyan at ng iyong pamilya sa pag uwi ninyo." Masayang wika ni Rex .
Tinapos na nila ang hapunan at umakyat na sa kwarto .
"Oh? Saan ka pupunta? Hindi kapa ba matutulog?" Tanong ni rex sa asawa nito nang bumangon ito at tumayo.
"Gusto ko lang tignan yung ibang kwarto dito. Sa laki at lawak ng mga kwarto dito sa mansion eh na iintriga ako . " Tugon naman ni marina at saka lumabas sa kwarto nilang mag asawa.
.........
Isa-isang tinignan ni Marina ang bawat kwarto na naroon."Ayos lang po ba kayo dito manong fred?" Tanong ni marina nang pasukin nito ang silid kung saan nag papahinga si manong fred. "Oo naman. Ayos lang ako. Sa Tutuusin Malaki itong kwarto. Kaya komportable naman." tugon ni manong. Lumabas na ng kwarto si marina upang hindi nito maabala pa ang pag papahinga ni manong fred.
BINABASA MO ANG
Haunted Mansion
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang Haunted Mansion na itinayo pa noong panahon ng kastila. Sinasabi na sa mansion na ito nag papakita umano ang Aparisyon ng isang ATAOL,SINYALES na MAY MAMAMATAY.