" Rex, Tama ang mga anak mo. Nandito sila. At Nagagalit sila" Wika ng matanda habang nakatingin kay Seniora Victoria na Nagpaparamdam na.
"Nakatingin lang sila saatin. Hindi sila kumikibo." Dagdag pa ni Manang Celia.
Nakiramdam ang dalawa at masusing nilawakan ang pandinig.
"Wala na. Umalis na sila." Wika ni manang celia.
......
"Manang, Nakikita niyo po sila?" Pagtatakang tanong ni rex sa matanda.Inilapag naman ni Manang celia ang Hawak na baso sa mini table at saka napabuntong hininga.
"Oo rex. Nakikita at nakakausap ko din sila. Matagal na panahon narin akong naging care taker ng bahay na ito. At sa loob ng maraming taon, Nakakasalamuha ko sila at nakakausap. May pagkakataon pa nga na nakaka tabi ko silang matulog sa mansion na ito noon. "
tugon ni manang celia.Kasalukuyan silang nasa Balkonahe na nag uusap.
"Ngunit ang nakapagtataka lang, sa loob ng mahabang panahon ngayon lang ulit sila lumilitaw? Dati rati ay hindi naman. Tanging ang Aparisyon lamang ang nag papakita kung minsan ngunit bakit sila lumilitaw ngayon at mukhang mapapadalas pa na dati ay minsan lang sa isang taon? Ano kaya ang ginagawa nila sa mansion na ito?"-Manang Celia.
.......
....
..
Pasado Alas 9 na ng umaga nang makarating si Marina sa Probensiya kung saan naninirahan si manong fred na matagal na nag silbi sa pamilya nila." Magandang araw ho?" Malugod na bati ni marina nang makita nito ang asawa ni manong fred nasi Aleng Susan. Natatanaw ni marina buhat sa labas ng pinto ang mga taong nakikiramay at ang ataol ni manong fred na punong-puno ng mga bulaklak.
ITUTULOY..
BINABASA MO ANG
Haunted Mansion
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang Haunted Mansion na itinayo pa noong panahon ng kastila. Sinasabi na sa mansion na ito nag papakita umano ang Aparisyon ng isang ATAOL,SINYALES na MAY MAMAMATAY.