.
.
Hanggang sa Makarating si Marina sa Isang kakaibang kwarto. Ngunit,napansin nito na Naka Sara at naka Kandado ang kwarto. Kung kaya't labis itong nag taka."Bakit naka kandado ito? Pwede ko naman sigurong ipa buksan ito dahil kami na ang may ari nitong mansion." Sambit ni Marina. Pinag masdan pa nito ng ilang segundo ang naturang silid at saka Umalis at bumalik na sa kwarto nilang mag asawa para matulog na.
.
KINABUKASAN...Abala sa pag didilig ng mga halaman si Marina. Ang kanilang mga anak naman ay abala sa Pag lalaro sa balkonahe. Nasa tapat lang kasi ng balkonahe ang harden kung kaya't natatanaw at nababantayan ni marina ang mga anak nito.
"Tao po!" Wika ng isang matandang babae . Nakita naman siya ni marina kung kaya't nilapitan niya ang matanda na nasa Gate ng mga oras na iyon.
"Ano hong maipag lilingkod ko?" Malumanay na tugon naman ni marina at saka ngumiti.
"Magandang araw. Gusto lang sana kitang makausap kung ayos lang at kung hindi kita maaabala?" Nakangiting wika ng matanda.
"Sige ho. Tuloy po kayo." Malugod na wika naman ni marina at saka pinatuloy ang matanda.
.
"Kayo pala ang pamilyang naka bili ng mansion na ito? Ako nga pala si Manang Celia Ang dating Care Taker ng Mansion na ito"." Ah opo, kami nga po ang naka bili nitong mansion. Siya nga po pala, Siya po si rex ang asawa ko. At ako po Si Marina. At iyon naman po ang mga anak namin sina Rio At Nicole"
Itinuro ni Marina ang kinaruruunan ng mga anak nito. Kumaway naman sina Rio at Nicole sa ina at sa panauhin nila.
"Magandang araw ho" Malugod na bati ni rex sa matanda . Ngumiti naman ang matanda sa kaniya.
"Matagal na panahon narin ang lumipas at sa wakas may tao na ulit sa Mansion na ito." Sambit ni manang Celia. "Ibig po ninyong sabihin, matagal na panahon narin pong hindi tinitirhan ang mansion na ito manang celia? Ngunit, Bakit ho? Wala naman po sigurong dapat na ipangamba ang mga taong gustong tumira dito hindi ho ba?" Pagtatakang tanong ni Marina. Natahimik sandali ang matanda at nag iba ang Mood nito. Naging malungkot ang reaksiyon ng kaniyang itsura.
" Sa Totoo lang May mga haka-haka na hindi naging mabuting tirahan sa ibang pamilya ang mansion na ito. Dahil umano sa mga nangyare." Wika ng matanda. Kumunot ang noo ng mag asawa.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" Tanong ni rex kay manang celia.
Napa buntong hininga naman si manang celia at saka lumingon sa Larawan ni Seniora Victoria .
"May napansin ba kayong kwarto na kakaiba sa lahat ng kwartong meroon sa mansion na ito?" Tanong naman ni Manang celia. Nagkatinginan ang mag asawa.
"Oho, meroon po akong napansin. Yung kwarto malapit sa bodega. Bakit ho pala naka kandado iyon?" Pagtatakang wika ni marina. Hinawakan naman ni rex ang mga kamay ng asawa.
"Iyon ba? Sa pagkakaalam ko isinara iyon ng huling pamilyang tumira o nanirahan dito." Tugon naman ni manang.
"Ngunit bakit ho?" Tanong muli ni marina sa matanda.
"Isinara iyon dahil umano sa nakaka takot na pangyayare na naganap sa mansion na ito limang taon na ang nagdaan.. Sa kwartong iyon di umano Nag papakita ang isang Aparisyon ng Ataol o Kulay Pilak na kabaong. Sa Oras na Nag pakita ang aparisyon nito, senyales na May mamamatay sa miyembro ng pamilya na nakatira dito o may ibang taong mamamatay na malapit sa isang pamilya. Naglakas loob Si Aurora - Asawa ni Dexter,yung huling pamilyang nanirahan dito. Tinignan niya ang kwarto at sa pagkakataong iyon nag pakita sa kaniya ang Aparisyon ng Ataol. Natatakot man, nag lakas loob parin si Aurora na lapitan ang naturang kabaong upang tignan kung sino ang nasa kabaong. Nang makita niya iyon, labis siyang natakot dahil ang nakita niya sa kabaong ay ang Asawa niyang si Dexter. Ilang sandali bago siya lumabas ng silid na iyon, natagpuan si dexter na naka bigti na sa kwarto nilang mag asawa. Sa kwarto kung saan kayo ngayon natutulog na mag asawa." Isinalaysay ni manang Celia ang nag daang pangyayare sa mansion . Nakaramdam naman ng takot ang mag asawa.
"Kung ganun, Sa silid na iyon madalas mag pakita ang aparisyon?" Natatakot na tanong ni Marina.
"Hindi naman madalas mag pakita ang aparisyon na iyon. Ngunit,nagpapakita lamang ito kung may taong mamamatay. " Tugon naman ni manang celia.
Kinilabutan ang mag asawa.
"Manang Celia, pwede niyo po bang isalaysay saamin kung ano po ba talaga ang kwento sa likod ng Pagpapakita ng aparisyon na iyon? Kung alam ho ninyo ang istorya?" Tanong naman ni Rex sa matanda.
"Itinayo ang mansion na ito panahon pa ng mga kastila. Pag aari ng mag asawang Olivarez na sina Heneral George Olivarez At Seniora Victoria Olivarez. Meroon silang mga anak sina, Alfred, Jacob, Elias at Darwin. Ang apat na kwartong naririto ay Kwarto ng mga binatilyong anak nina Seniora Victoria at Heneral George. Meroon silang masayang pamilya. Ngunit, isang araw Natagpuan si Elias na isa nang malamig na bangkay sa silid kung saan ito natutulog. Iyon ang silid kung saan nag papakita ang aparisyon ng ataol. At ang kulay pilak na kabaong na iyon ay pag aari ni Elias. Doon siya ibinurol ng kaniyang mga magulang. Napag alaman ng mga magulang na ito na kung kaya't nagpatiwakal si Elias ay dahil sawi ito sa pag ibig. Matapos ilibing si Elias,naging magulo at miserable ang Pamumuhay ng mag asawa. Lagi na lang nagtatalo ang mag asawa at ang masaklap pa ay nag rebelde ang tatlo pa nilang anak. Dahil doon, nag pasiya si Seniora Victoria na tuldukan ang paghihirap ng kaniyang pamilya. Labag man sa Damdamin nito ay Isa-isa niyang pinatay ang mga anak at asawa. At saka nito kinitil ang sarili. May nakitang Liham sa ibabaw ng kama ng mag asawa. Sulat-kamay ni Seniora Victoria. Naka saad doon na ang Sinumang pamilya ang katulad ng kaniyang pamilya ay parehong sasapitin ang kanilang pinag daanan. " Nag lakas loob si manang Celia na isalaysay ang kwento sa likod ng aparisyon na iyon.
Nanlumo nang husto sina Rex At Marina sa mga narinig.
"Dios ko" Takot na nasambit ni Marina.
"O siya, aalis na ako. Total naisalaysay ko na sa inyong mag asawa ang tungkol sa mansion na ito."
Tumayo ang matanda at nag lakad paalis. Hindi pa ito nakakalayo nang mag tanong muli si Marina.
"Manang celia. Ano po ang dapat na gawin upang matuldukan ang nakaka takot na nangyayare?"
Nilingon siya ni manang celia.
"Subukan ninyong lumapit sa Lider ng simbahan. Maaari silang makatulong sa problema ninyo na kakaharapin." Tugon nito at saka nagpatuloy sa pag lalakad at umalis.
BINABASA MO ANG
Haunted Mansion
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang Haunted Mansion na itinayo pa noong panahon ng kastila. Sinasabi na sa mansion na ito nag papakita umano ang Aparisyon ng isang ATAOL,SINYALES na MAY MAMAMATAY.