Play2

0 0 0
                                    

Irine

Nasa mall kami ngayon dahil weekend napagplanuhan naming pumunta sa mall para magshopping at kumain na rin. Masyado na kasi kaming stress sa school kaya need namin ng rest. Ako si Irine Helmes, ako na siguro ang pinaka matino saming lima. No boyfriend since birth but I have more suitors. Nasa isang shop kami ng mga bra, ito kasing devon na ito masyadong maarte pag dating sa mga bra.

Habang paikot ikot dito sa shop ay may nakabangga ako. Nahulog lahat ng pinamili nya, agad ko naman syang tinulungan pero nagulat ako sa nakita ko...si Rod

"Hey! What--" tinakpan nya kagad ang bibig ko. Bigla naman akong nakiliti sa pagdampi ng labi nya sa tenga ko.

"Shhh!! Wag kang maingay baka malaman nila helga na nandito ako. Alam mo namang mga alaskador yang mga kaibigan mo e."napatango na lang ako saka dahan dahan nyang binaba ang kamay nya. Kaibigan rin namin si Rod kaso hindi na namin sya gaanong nakakausap. Simula nung bastedin ko sya, nagkaroon na ng ilangan saming dalawa pero ngayon okay na kami. Akala ko pa nga nun kay devon sya may gusto kasi since nung mga bata kami si devon ang pinaka madaming nagkakagusto. Halos lahat si devon ang gusto ni kahit magulang ni rod. Sobrang bait at ganda ni devon kaya ang daming may gusto sa kanya hindi ko lang alam kung bat ganto ang nangyayare sa kanya.

"So, what are you doing here?"lumayo kami sa mga kaibigan ko. At nakita ko naman ang mga bra na nasa basket nya. Tinago nya kagad ito sa likod nya, halata sa muka nya ang pagkahiya.

"Ahh...ehh...si ate may kasi inutusan akong bumili ng bra nya."napatawa naman ako ng bahagya. Si ate may ang nakakatanda nyang Kapatid na bestfriend din naming mga bitchesa kaso masyadong matured si ate may kaya napalayo ang loob nya sa amin.

"Ganoon ba, paki kumusta na lang ako kay ate may ah? At ingat ka sa counter baka makasabay mo sila. Sige na, chuu! Ingat ka? At ang laki ng tinaba mo"pagbibiro ko sa kanya nakatitig lang sya sa mga mata ko na parang may gusto pa syang ipabatid sa akin.

"Thankyou. Umayos ka baka mainlove ako ulit. Ingat rin kayo"dugdug dugdug may fiesta na naman sa loob ko. Tinitigan ko lang sya habang paalis sa harap ko. Rod Micael Torres, papahirapan mo na naman ba ako? Bakit ikaw pa? Bakit ako pa?

After namin mag mall ay dumiretso kami sa boutique nila Francesca. It's an organic perfume shop na ikaw mismo gagawa ng pabango mo. Nasa isang private room kami at heto si Irine at Francesca na ginagawa ang perfume nila. Meron pa kasi ako kaya hindi ako gumawa, si devin naman mama nya ang bumibili ng perfume nya at si helga busy sa pagce-cellphone.

"Hmm medyo nakalimutan kona mga pinaglalagay ko dito ahh"inirapan lang ni francesca si irine. Lagi kasi nitong nakakalimutan ang pinaggagawa nya. Kaya minsan asar din kami sa kanya. Nakaramdam ako ng pag vibrate sa bag ko kaya agad kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag ni papa.

"Hello pa?..opo..nasa boutique nila francesca.. hindi naman po...ahh ganun po ba? Si Dino? Ahh sige po. I love you pa"nakatitig na silang lahat sakin at naghihintay na may sabihin ako. Kahit kailan talaga napaka chismosa ng mga ito ohh.

"Umuwi na dito pinsan ko. Para daw maghanap ng trabaho. Ni remind ni papa na my family gathering daw kami bukas."napatango tango na lang sila. Si Kuya Dino ay nakapagtapos bilang architecture, mas matanda sya sakin ng 4years pero parang magka age lang ang turingan namin. Anak sya ng Kapatid ni papa. Gwapo si Kuya Gino siguro kung hindi ko sya kamaganak magkaka crush talaga ako sa kanya. After namin sa boutique ay umuwi na kami.

Pagkarating sa bahay ay dire-diretso ako sa kwarto ko at humiga sa queen size kong kama. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga ngiti na binalandra sakin ni rod. Simula nung magcollege nawalan nako ng balita sa kanya. Nagpasya kasi kaming lima na magdorm na lang para hindi masyadong magastos sa gas. Hindi na rin namin alam kung sino na ang naging babae ni rod, alam kong nasaktan sya sa ginawa ko pero ayukong masira ang pagkakaibigan namin. May mga bagay rin akong gustong protektahan at sana alam nya yun. Gusto ko si rod, pero kaibigan ko sya. At hindi tamang magmahal ng kaibigan, hindi tama yun. Ayukong masira ang taon naming pinagsamahan.

Nagbrowse muna ako at may message na nagpahinto na naman ng Mundo ko.

Rod Micael Torres
I miss you. Can we talk?

Playful BitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon