Helga
It's Sunday!!!!! Maaga akong nagising para magsimba sa antipolo church gusto ko munang maging banal na katoliko matagal tagal din nung huli kong simba. Pagkarating ko sa simbahan ay may iilan-ilan na ring mga tao. Umupo ako sa isang helerang walang tao. Masyado pang maaga kaya magdadasal muna ako lumuhod nako para umpisahan ang pananampalataya ng may tumabi saking lalaki. Maganda ang pangangatawan, maputi, mukang bad boy at matangos ang ilong. Hindi kona sya masyadong tinitigan pa at baka isipin nya pa na type ko sya. Papikit na ako ng makarinig ako ng mahinang paghikbi, napatingin ako sa katabi ko. Umiiyak ba sya? Hmm ay bahala sya. Pumikit na ako ulit pero ngayon mas lumakas na ang pagiyak nya.
"Uhm can you cry silently? Hindi ako makapag dasal ng maayos kapag may maingay, please?"nagpunas lang sya ng mata nya gamit ang kamay nya habang tumatango sa akin. Nagdasal na lang sya ng taimtim pero may mahinang ungol parin syang nilalabas. Hindi kona ito ma take!! Hinawakan ko ang kamay nya saka hinila sya sa labas ng simbahan. Ayuko sa lahat sa mga lalaking iyakin, sino ba naman kasing matutuwang makita silang umiiyak nakakabaklang tignan.
"Bakit? Anong kailangan mo?"hinagis ko sa kanya ang panyo. Napaka pale na ng itsura nya. Humihikbi parin sya at namamaga na ang mga mata.
"Ayuko sanang mangealam pero ayuko sa lahat yung sinisira ang araw ko. Anyway you shouldn't cry in public lalo na kung lalaki ka. It makes me think na bakla ka and use my handkerchief not your hands."kinuha ko ang wallet ko at kinuha ang calling card ni mama at inabot sa kanya. "I'm helga, my mother is a psychology you can call her if you need some advice. Bye!" Inirapan kona sya at iniwan duon ramdam ko ang pagtingin nya sakin habang naglalakad ako paalis. I feel so happy nakatulong na naman ako sa ibang tao at lalo na kay mama. Hindi nako natuloy sa pagsimba tinipos kona lang ang pagdadasal ko at naisipan ng mga mumunting daliri ko sa paa na maglakad lakad siguro dahil alam nilang gutom nako. Fagkaaaaain!
*Peeeeep peeeeeeeep!
Napalingon ako sa pinanggalingan nun. Mula yun sa dilaw na sasakyan na nasa gilid ko. Sino naman itong isang ito? Wala naman akong kilala sa antipolo. Pagbaba ng salamin ay nakakita ako ng palaka joke It's him again. The crying baby, I just gave him a simple smile and I wave. Hindi naman ako ganun ka taray mabait parin naman ako kaya nga nakayanan ko pang pumasok sa simbahan e. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero bumusina sya ulit, he makes me pissed off! Hindi kona lang sya pinansin at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Calm down helga baka magka wrinkles ka kagad nyan. Relax...
*Peeeeeeeeeeeeeep!
Langya! Trip nya ba ako?! Sinamaan kona sya ng tingin. Feeling close naman itong lalaking ito! Ngumiti lang sya na parang natutuwa sya sa pinaggagawa nya sakin. Hindi kaya nababaliw na itong lalaking ito. Kanina lang iyak sya ng iyak tapos ngayon parang nakakita sya ng isang magandang laruan. Hays! Ang ganda ko talaga.
"What?!"sigaw ko pero patuloy parin ang aking paglalakad. Sinusundan nya parin ako na parang walang syang pakealam sa mga kasunod nya. Baliw nga siguro ang lalaki ito. Tama! Bibigyan mo ba sya ng calling card ng mama mo kung sa tingin mo matino pa ang pagiisip nyan?! Utak naman helga!
"San ka pupunta? Samahan na kita if you want. Delikado pa naman dito baka holdapin ka. Isang concern citizen lang naman ako, at ayuko lang dumami ang krimen sa pilipinas."hindi naman siguro totoo ang pinagsasabi ng lalaki ito diba? Sino ba naman kasing magsasabi ng totoo kung baliw sya? Pero.... Napatingin ako sa paligid ko. Konti lang yung tao kahit ganto kaaga pwede akong atakihin ng masasamang tao.
"Ayaw mo ba? Okay lang naman kung ayaw mo. Sige a---"hindi kona pinatapos ang sasabihin nya dahil agad kong binuksan ang pintuan ng kotse nya. Ayuko naman kasing maholdap ako wala naman akong perang maibibigay at baka ang hingiin na lang ang masarap na ako. Duhh! Virgin pa ako kahit ganun mga kaibigan ko. Hindi porket mukang worst ang nakakasama ko hindi ibig sabihin nun worst din ako pero siguro light lang.
Habang nasa biyahe ay pinipigilan ko ang antok na nararamdaman ko dahil sa lamig sa loob ng kotse nya. Helga! Hindi ka pwedeng makatulog at baka san ka pa dalhin ng lalaking yan!!! Masyado kang mabilis magtiwala kaya magtiis ka dyan. Magtii------s hindi kona talaga kaya. Unti unti ng pumipikit ang mga mata ko at wala na akong pake kung saan kami pupunta. I need rest para malabanan ko sya if may gagawin man syang kalokohan. Pero wag naman sana. . .
BINABASA MO ANG
Playful Bitches
RandomLaugh. Love. Lust. Friendship of five girls that will change into enemies. Let's ready to rumble!! Ang istoryang ito ay walang halong katotohanan dipende kong relate kayo. Nawa'y magbigay kayo ng komento kung itutuloy ko pa ba ang imahinasyon kong i...