Chapter One

91 4 0
                                    

Alayna's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nagbabaka-sakaling sumalubong ang isang napakagwapong mukha ng aking... ama.

Pero wala na naman, napabuntong-hininga nalamang ako saka na umupo ng maayos sa aking upuan. Nakatulog lang pala ako, tiningnan ko ang oras at sampung minuto nalang ay matatapos na ang break time namin.

So I was just dreaming?

When will I be able to see my father's face?

I shook my head. Maybe... never.

"So how was your sleep?"

Napatingin ako sa kanang bahagi ko at nakita ko na nakatingin saakin ang katabi ko na si Yuan. I shrugged my shoulder.

"Hindi ko alam, I was asleep ain't I?" Sagot ko pabalik, tiningnan niya ako ng napakasama saka nalang napailing kaya napangiti nalang ako.

Naghikab ako at nag-unat.

"Anong oras kana naman ba natulog kagabi? You're always like this, sleepy during class and asleep during break time, buti nalang hindi ka naghahabol ng mga lesson, alam mo kung ako lang, naku, I wouldn't be able to attend classes anymore sa lagay na 'yan." Pagsasalita niya.

I just shrugged.

"Maybe I'm a superhuman?" Sagot ko saka tumawa ng mahina, he just rolled his eyes on me.

Hindi ako nakakatulog ng maayos kapag gabi, mula noong bata pa ako nakasanayan ko nang matulog ng mag uumaga na, I will wait until 3 am saka muna ako dadalawin ng antok, hindi ko alam kung bakit pero 'yon na ang daily routine ko mula bata ako, if I tried to sleep, I will be dreaming about monsters, stuffs like magicals and mysterious at the same time... horrific, kaya iniiwasan kong matulog ng gabi until 3 am, iniiwasan kong managinip ng mga nakakatakot na bagay.

"Oh ayan, kain ka muna. Kaya hindi ka tumataba eh."

Napangiti ako nang maglapag ng isang sandwhich at isang bottled juice si Yuan sa desk ko.

"Nice one gurl. I'll treat you later." Sambit ko saka na inumpisahang lantakan ang mga nakahapag.

"Nice two. Bruha, pagkatapos mong kumain magsuklay ka, parang hindi ka dalaga, nakanganga kapa kanina." Natatawang nagtataray na sambit ni Yuan. Natawa nalang din ako ng mahina.

Yuan... is a gay, since I met him. At first I thought he was a cool guy, but it turns out na may natatagong kati pala ito sa kaibuturan niya bilang babae.

Hanggang sa matapos akong kumain ay saka naman ako nag-ayos ng kaunti.

"Hindi nga pala ako sasabay umuwi mamaya, may lakad ako, lamna." Napatigil ako sa pagpopolbo nang biglang magsalita ng napakalandi si Yuan.

Hindi ko alam kung mandidiri ako pero napaikot nalang ang mga mata ko.

"Minsan talaga... kadalasan pala, pinapanalangin ko nalang na sana, lalaki kanalang, hindi mo bagay ang pagiging bakla, sayang lahi, sayang itsura. Juskong indangered sepecies." Sambit ko nalang nang bigla niya akong batukan ng mahina.

"Manahimik ka diyan, ka imbyerna ka." Masungit na sabi niya.

"Sadista." Bulong ko saka na tinuloy ang pagpopolbo.

"Nandyan na si Sirrrrrr!!"

"Ah?!"

"Joke lang."

"Gago."

"Joke lang ulit. Nandyan na talaga siya."

"Tang'na mo po." Napatawa ako ng mahina at napailing nang makita kong nagmiddle finger 'yung kaklase ko sa kaklase naming kenkoy.

Etrange Academy: School of Manipulators and The Royal VenusWhere stories live. Discover now