Second Chances

446 26 0
                                    



"SAB? Bakit ka nandito?"

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Benj nang tuluyan na siyang makalapit. Paano ko sasabihin sa kanya na basta na lang akong dinala ng mga paa ko sa lugar na iyon kung saan kami unang nagkakilala at nabuo ang lahat sa pagitan namin noon?

Nakita ko ang anticipation sa mga mata ni Benj. He was looking at me like he was thinking that I missed him, as well.

"Did you... drop something here again?" tanong niya.

Tumayo ako. "Late na pala. Kailangan ko nang umuwi." Lumakad ako para lagpasan si Benj pero hinawakan niya ako sa braso.

As soon as I felt the familiar warmth from his hand on my skin, I felt the rapid beating of my heart.

"Pumunta ka ba rito dahil naalala mo rin 'yong past natin?" tanong ni Benj. "Pumunta ka ba dahil na-miss mo rin 'yong dati?"

Umiling ako at pasimpleng inalis ang kamay ni Benj sa braso ko. "Na-realize ko lang na iniwasan kong puntahan itong lugar na 'to for a year. Bumalik lang ako para tingnan kung may epekto pa rin sa akin itong lugar na 'to."

Nakita ko ang pag-asam sa mga mata ni Benj habang nakatitig sa akin na para bang hinihintay ang resulta ng ginawa kong pagbalik sa spot na iyon.

"Wala na," sabi ko. Although I knew I was lying. Hindi totally wala akong naramdaman. Mayroon, pero hindi ko alam kung ano iyon.

Nakita ko ang disappointment sa mga mata ni Benj. "Sab... I often go here at night. And when I do, always think of you."

Hindi ako nakasagot. Nakikiusap ang mga tingin niya. Why was he doing this?

"Will you..." He paused. "Will you give us another chance, Sab?"


ALAS-TRES na ng madaling araw pero mulat na mulat pa rin ako. Mabuti na lang, wala akong pasok kinabukasan. Kundi, mahahalata ni Benj na hindi ako nakatulog sa mga sinabi niya sa akin kagabi kapag nakita niya ulit ako.

Natural lang siguro na magkaganito ako. Natural lang na magulo ang isip at puso ko sa mga sinabi ni Benj dahil ex ko siya. Minahal ko siya noon. May pinagsamahan kami. At higit sa lahat, siya ang una at kaisa-isang lalaking minahal ko, so far.

Sabi nga ni Issa, natural lang na hindi ko siya makalimutan dahil siya ang lalaking nagparanas sa akin kung paano ang mahalin sa kauna-unahang pagkakataon. Deep down in my heart, he was still there and would always be there even when I found another person to love.

At saka may mga na-realize ako kagabi pagkatapos naming mag-usap ni Benj. Hindi ko siya naintindihan noon. Maybe I was really immature that time. Na-realize kong sarili ko lang ang inintindi ko.

"Gusto mo ba akong bumalik sa 'yo dahil sikat na ako ngayon sa school?" direktang tanong ko. "Nagkainteres ka ba uli sa akin dahil marami nang nagkakainteres sa akin ngayon? Do you want to show them that you had me then and you can still have me now if you want to?"

Halatang nasaktan si Benj sa sinabi ko pero tumango siya. "Oo. Gusto kong bumalik ka sa 'kin dahil sikat ka na."

I scowled at him. Muntik ko na siyang layasan kung hindi niya dinugtungan ang sinabi.

"Pero hindi sa dahilang iniisip mo. Campus figure ka na. Pareho na tayo. Ngayong sikat ka na rin, naisip ko na baka puwede nang mag-work out ang relationship natin. Kasi I'm sure, by now, alam mo na kung anong buhay ng isang isang campus figure. Alam mo nang may kailangan tayong ingatang image. Alam mo nang kailangan mong pakitunguhan ang admirers mo kahit hindi ka komportable sa atensiyon nila at i-manage ang suitors mo sa paraang hindi sila magagalit sa 'yo kahit i-turn down mo sila. Alam mo nang you have to be nice all the time, otherwise, magkakaroon ka ng maraming haters at magiging pangit ang image mo sa school kahit gaano ka pa nila hinangaan noon. Siguro by now, alam mo na kung anong sitwasyon ko noong tayo pa."

Si Ex, Si Crush O Si Best Friend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon