chapter 1

22 1 0
                                    

Naglalakad ako ng mag-isa  dito sa park na malapit sa bahay ko."Hay...." napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman kung maiinggit o ano dahil nag-iisa ako. Pano ba naman kasi habang naglalakad ako dito ay may nakakasalubong akong mga couple. Kahit saan man akong tumingin ay may mga couple rin.

Pero may napansin akong parang kanina pa may nakatingin sa akin at di ko lang alam kung saan siya.haggang sa makita ko ang nakatingin sa akin. Lalaki na nasa ilalim siya ng puno.hindi ko makita kung ano ang itsura niya kaya pasimple akong lumapit ng konti para makita ko ang mukha niya. At napatulala nalang ako ng tuluyan ko na siyang nakita.

Napatitig ako sa kanya. Matangkad, medyo maputi, gwapo, maganda ang kaniyang  katawan, at maporma. napatitig naman ako sa kaniyang mukha. magandang mata na kaya kang akitin sa kung paano siya tumingin, mapulang labi, medyo matangos ang kanyang ilong ,perpektong kilay na bumagay sa kanya at ang magulo niyang buhok na nakapagpapadagdag pa ng pagka-angas niya.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang maglakad papalapit sa akin. Dahan-dahan hanggang sa isang kilometro nalang ang layo niya sa akin.

🎵Sikretong malupet... pwedeng pabulong,
Mapapamura ka ng pakshet malutong...🎵

😐

Saan naman nanggaling yung kantang yun.

😰
 
Alarm ko yun ah?!?!

Kinapa ko yung bulsa para kunin yung iphone ko.

Asan ung iphone ko?

"Mar.." nilingon ko ung tumawag sakin at nakita ko ang isang magandang babae na may edad na.naglalakad siya papalapit sakin.

At nagulat nalang ako ng  hahampasin niya ako sa braso kaya umilag ako.

Lumingon ako sa lalaking kasama ko kanina at nagulat nalang ako ng biglang ang sama na ng titig sa akin.

😲

Ano naman kaya ang ginawa ko dito sa lalaking to?

🎵 Grabe! Grabee!.... grabe!grabee!.... gusto parin kitaaa!🎵

Isa pa yung tunog na yon!!

"Ano ba ang nangyayare sa mundoo!!!!....."

Napabangon agad ako sa pagkakahiga sa kama ko

"Shit...panaginip lang pala....kala ko nagkakaron na ng gulo dito sa mundo..."tinignan ko ung iphone ko sa bedside table at tinignan kung ano oras na.

8:12...

Nagsimula na kong gawin ang routine ko at pagkatapos na pagkatapos ko sa pagliligo ay nagring ang phone ko.

Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at tignan kung sino ang tumatawag at sinagot ko.

"Oh,Danica napatawag ka?"si Danica na bestfriend ko simula pa nung elementary pa ko.

"Bes, nasan ka?"

"Nandito sa bahay, kakatapos maligo.bkt?"

"Ahh, wala lang, magpapasama sana ko mamaya para bumili ng gamit ko for school."

"Psh, yun lang pala eh, sige sasamahan kita. Ano oras ba tayo magkikita?"

"Mamayang 2:30pm. Kita nalang tayo sa tapat ng jollibee."

"Ah sige sige."

"Thank you talaga ha. Pero ikaw? Di ka pa ba bibili ng gamit mo? Tsaka di ka pa ba mag-eenroll? Malapit na pasokan ah.?"

"Ah wala pa pala akong napipili na school eh"

"Bakit kasi hindi ka nalang sa school natin dati? Tutal dun rin naman parin ako mag aaral eh."

"Ayoko na dun. Kasi nga dahil dun sa ex ko diba. Nakalimutan mo na ba?"

"Oo nga pala. Nawala sa isipan ko eh,sorry"

"Wag ka mag-alala, bibisitahin naman kita jan kapag may free time ako eh. Tatawagan o text nalang kita kapag pupunta nalang ako jan."

"Sige ikaw bahala. basta ah, bibisitahin mo ako ah promise mo yan"

"Oo promise. Sige na kakain na muna ako"

"Sige, oy mamaya ah samahan mo ko bumili ng gamit ko for school ok."

"Ok bye."

"Bye"

Pumunta na ako sa kusina para kumuha ng pagkain ko. At habang kumakain nagsesearch ako ng school para dun makapag-enrolle. Pero wala akong makitang magandang school eh kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Makalipas ang ilang oras ay umalis na ko ng bahay. Papunta na ko ng jollibee ng may sumusunod sakin na batang lalaki. Madungis, magulo ang buhok,magulo ang damit, pero cute na bata.
Tumigil ako sa paglalakad para harapin ko siya.

"Bakit mo ko sinusundan?"

"Manghihingi po sana ng pambili ng pagkain ng kapatid ko."

"Asan ba magulang nyo?"

"Wala na po sila."

Nakakaawa naman itong batang to. Binigyan ko ng 100 ang bata.

"Oh heto. Bumili ka ng pagkain nyo ah, wag nyong ipangaadik yan."

"Maraming Salamat po ate. Ang bait mo po, alis na po ko bye!"

Kinawayan ko nalang siya habang papalayo na siya. Tinignana ko ung oras sa phone ko.

1:55pm...

May oras pa para gumala gala muna ko. sabi ko sa isip ko.

Pagkatapos kong gumala ay pumunta na ko  sa tapat ng jollibee para hintayin ko si danica.

2:28...

Asan na kaya yun?..

"Bes!"

Nilingon ko kung saan si danica at nakita ko na papalapit na siya sakin. Ng makalapit na ay pumasok na kami sa bilihan ng gamit. Bumili siya ng mga kagamitan para sa school niya at ako wala man lang nabili. Ayoko kasing bumili,tinatamad ako ngayon kaya sinamHan ko nalang siya.

"Sigurado kabang di ka bibili?"

"Oo tinatamad kasi ao ngayon eh."

Pagkatapos naming bumili ay kumain muna kami sa jollibee. Pagkatapos nun ay umuwi na kami. Nauna na siya umuwi dahil malapit lang ang bahay niya tapos ung sakin ay malayo.

Habang naglalakad ay may sumusunod sakin na lalaki. umiba muna ako ng direksyon kung saan  may maraming tao.
Ng nawala na ang paningin niya saakin ay kinuha ko na ang tyempong makatakas agad para makauwi na.

Nang makapasok ako sa bahay  ay bubuksan ko na sana ung ilaw ngunit meron akong nakitang anino ng isang lalaki sa harap ko. Tatakbo na sana ako pero naabutan nya ako at meron siyang nilagay sa aking batok kaya bigla nalang nagdilim ang aking paningin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unkown UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon