Jace's POV
Andito akong school kasama ang mga kaibigan ko at totoo nga ang sinabi ni Zera na si JM at Nathalie na. Andito kaming rooftop. Out of place ako kasi magjowa yung mga kasama ko. Pero ayos lang yun kasi andito si Zera. Naka-upo siya sa rillings at ngumingiti siya saakin sabay kaway. Hindi ko magawang kawayan kasi baka isipin nilang baliw ako. Ang ginagawa lang namin ni Zera ay ngitian at tinginan. Lumapit ako kay Zera, para hindi mahalata nagkunwari akong nagpapahangin lang
"Boring ka no?" tanong ni Zera
"Mmm. Sino ba namang hindi maboboring, Tss." sabi ko. Napatingin ako kay Zera at ngayon ko lang napansin na parang nangangayayat at parang may sakit siya.
"Gwaenchanh-a?" tanong ko sakaniya. Huminga pa siya ng malalim at saka tumango
*Translation: Are you okay?*
"Ne, gwaenchanhseubnida, ako pa." sabi niya at sabay ngiti pero hindi ako naconvince parang may iba eh. Parang meron siyang hindi sinasabi saakin.
*Translation: Yes, I'm okay*
"Okay lang talaga ako." sabi niya ng mapansin niyang nakatingin lang ako sakaniya
"Siguraduhin mo lang.." sabi ko at natawa kaming dalawa hanggang sa mag ring yung bell ibig sabihin tapos na ang lunch break. Dahil nga may iba ibang mundo yung apat sinamahan ako ni Zera
Napahinto ako ng makita ko si Dana sa harap ko
"Hi Jace!" masiglang bati niya saakin. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya. Mas gusto ko pa yung masiglang bati saakin ni Zera. I must say, wala nang papantay pa sakaniya. Nagkatinginan kami, nginitian niya ako at nginitian ko din siya sabay tingin ulit sa daan
Napahinto muli kami sa paglalakad ng kumapit sa braso ko si Dana. Lumusot siya kay Zera kaya si Dana ang katabi ko ngayon habang si Zera naman ay napaatras.
"Jace! Let's go to room together." masigla paring sabi niya
"No thanks." sabi ko at tinaas ko ang kamay ko. Sign namin yun ni Zera. Parang sa bato-batupik lang. Pag bato wag kang gagalaw pag papel naman ay pwede kanang gumalaw. I thought her that. Para magkaintindihan kami..
And with that sumabay siya saakin sa paglalakad. Iniwan kong nagtataka si Dana. Siguro tinatanong niya sarili niya kung ano ang ibig sabihin ko.
|•In the classroom•|
Nakaupo ako sa upuan ko. Katabi ko si Jaira kaya yung mga kasama ko ay lumipat ng upuan sa tabi namin para makapag-usap-usap. Wala pa kasi ang last Teacher namin. Last subject na kasi eh.
Nag-uusap sila habang ako naman ay nakatingin lang kay Zera na nasa harap, nakaupo sa lamesa ng Teacher
"Brad ayos kalang? Kanina kapa ngiti ng ngiti diyan ah." sabi ni JM
"Ah wala to." sabi ko
"Sus. Palusot dot com." sabi ni Jaira
"Wala nga." sabi ko
"If I know. Dahil yan sa babae noh?" tanong ni Nathalie
"Oy wag niyong masyadong tanungin na prepresure oh." pang-aasar saakin ni Jayson
"Tsk. Tigilan niyo nga ako." sabi ko
"Woooo! Kinikilig." pang-aasar nila saakin kaya sinamaan ko sila ng tingin
"Eww brad dimo bagay kiligin." biglang sabi ni JM
"Siraulo ka." sabi ko
"Guys andiyan na si Ma'am." sabi ni Jaira kaya nagsiupuan na ang lahat.