JM's POV
"Kuya!" boses ng isang babae
"Kuya!"
"Yana?" tawag ko
"Kuya!"
"Yana!!" sigaw ko
"Okay kalang babe? Bat ka hinihingal?" tanong ni Nathalie
"Bro ayos kalang?" tanong saakin ni Jace
"A-ayos lang."
'Panaginip.' sabi ko sa isip ko
"Gusto mo ba ng tubig?" alok saakin ni Jaira
"Hindi. Ayos lang ako. Salamat." sabi ko
"Sigurado ka?" tanong naman ni Jayson
"Oo."
"So dude. Bat hindi ko alam na may kapatid ka?" tanong ni Jace
"Kasi bago maaksidente ang kapatid ko, saka lang tayo naging magkaibigan."
"At yung araw na din yun nangyari dun sa parking lot." singit ni JL
"JL?"
"Can I join you guys?" tanong niya
"Sure. Sit down." sabi ni Jace
"I'm sorry dude." sabi ni JL kay Jace
"For what?" tanong naman ni Jace
"For everything. And I'm sorry for stealing Dana from you."
"Wala na yun okay? Diba ayos na tayo? Kaya wag ka ng magsorry." sabi ni Jace
"Kahit na maayos na tayo. I'm sorry pa rin."
"I told you it's okay."
"May iba kana bang gusto?" biglang tanong ni JL
"Ah? Meron syempre. Pero hindi ko pa maipapakilala sainyo."
"Why?"
"Basta."
"What if bisitahin natin yung kapatid niyo?" tanong ni Jaira
"Great idea."
Sige. Bisitahin natin siya sa sabado." sabi ni JL
"Sure. Wala naman tayong gagawin eh." sabi ni Jayson
"Sige." sabi ni Nathalie
Buong araw kaming nasa school, nag-aaral, nagkwekwentuhan at nagbabasa ng libro sa library. Hanggang sa mag-uwian
"Bro una na kami. Dika ba sasabay?" tanong ni Jace
"Puntahan ko lang si Nathalie. Sige mauna na kayo." sabi ko at tumalikod sakanila at nagpuntang library.
"Nathalie?" tawag ko sakaniya
"Hmm??"
"Dika pa uuwi?" tanong ko
"Mamaya-maya pa." sabi niya. Nilapitan ko siya. Nakatayo siya at nakasandal sa book shelf. Umupo ako at sumandal din sa book shelf.
Library ang favorite place ni Nathalie dito sa school. At dito din kami unang nagkita.
"Nathalie. Remember nung nililigawan palang kita? Lagi kitang hinihintay na matapos magbasa ng libro for 1 or 2 hours. Tapos pagkatapos nun sabay tayong uuwi at kakain ng---"
"Isaw." sabi niya at tumigil sa pagbabasa at naupo. "Ya I remember that. Isaw ang lagi nating kinakain tapos bibili tayo ng palamig." nakangiting sabi niya