Chapter 3- Curiosity
A E I S H A (MoMo)
"Ano ba?!" Sigaw ko kay Rocky ang makulit na kapatid ni Sapphire (SaNa). Nakakairita na talaga itong kapatid niya. Hayyyy nakuuu.
"Rocky (Kun), tigil-tigilan mo nga ako. At baka pagdi kita natiis eh may kalalagyan ka talaga sakin." Pagbabanta ko sakanya. Pero ang loko aba ngumiti pa yung tipong parang may naiisip siyang madumi. Mga lalaki talaga.
"Hmmm. Okay lang naman sakin eh, kaso baka magalit si Sapphire sakin pagnalaman niya kung ano yung gusto mong ipagawa sakin." Sabi niya habang ngingisi-ngisi na para bang nauulol na aso.
"Ikaw bata ka! Ako nga'y tigilan mo dyan sa mga kalaswaan mo. Naiintindihan mo?!" Nanggigigil na sigaw ko sakanya.
"Whoa! Chill ka lang dyan, huwag kang masyadong hot baka di ako makapagtimpi mahirap pa naman yun." Iiling-iling na sabi niya. Pautang sa ina mo! Hindi pa talaga niya ako titigilan? Susmaryosep! Sumasakit ulo ko dito sa batang toh.
"Hindi ka talaga titigil?" Tanong ko sakanya.
"Dipende." Sagot niya. Kalma lang Aeisha, bata lang yan, kapatid yan ni Sapphire (SaNa).
"Paano kung sabihin ko sayong puputulin ko kaligayahan mo pag di ka pa tumigil." Nagbabantang sabi ko.
"Alam kong di mo kayang gawin yun." Nakangiting saad nito. Aba't talagang sinusubukan niya ako.
"At paano mo naman nasabi?" Nakataas kilay na tanong ko.
"Kasi pagpinutol mo toh, mababaog ako. Di na tayo magkakaanak. Tatanda tayo ng walang anak. Kakayanin mo ba yun?" Nakangiting sabi nito. Ako pa talaga? Tsaka magkakaanak kami? Siya tatay? Jusque naman.
"Rocky (Kun), kung ayaw mong mabato ng rock eh titigilan mo na ako. Okay?" Nagpipigil na sabi ko. Nakaka-asar naman kasi ang batang ito eh.
"Hayyy. Pinapasaya lang naman kita eh. Dahil hanggang ngayon, alam ko na si Matthew (Taehyung) parin ang nasa puso mo. Alam ko rin na hanggang ngayon nasasaktan ka parin at alam ko ding nagpapanggap ka lang. Huwag kang magsuot ng mascara lalo na kung ako ang kaharap mo. Di mo kaylangan magpanggap sakin." Sabi niya atsaka umalis.
Tama siya. Hanggang ngayon si Matt parin. Hanggang ngayon mahal ko parin siya. Hanggang ngayong di ko parin siya makalimutan. Hanggang kailan kaya? Hanggang kailan ko siya mamahalin? Gusto ko na siyang ilet go pero diko magawa. Galit ako sakanya pero bakit mahal ko parin siya? Abnormal talaga ang puso ko.
R O C K Y
"Hayyy. Pinapasaya lang naman kita eh. Dahil hanggang ngayon, alam ko na si Matthew (Taehyung) parin ang nasa puso mo. Alam ko rin na hanggang ngayon nasasaktan ka parin at alam ko ding nagpapanggap ka lang. Huwag kang magsuot ng mascara lalo na kung ako ang kaharap mo. Di mo kaylangan magpanggap sakin." Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yan ay agad na akong umalis sa kwarto niya.
Asan na kaya si Kuya? Tsk. Iwan ba naman ang gwapong nilalang na nagngangalang Rocky Luxary Park. Masama yun.
[Calling Kevin (Lee Min Ho) na panget]
Kevin: Oh? Anung kailangan mo?
Rocky: Aba! Hyung! May kasalanan kang nagawa.
Kevin: Huh? Anong kasalanan ba yan? Paano mong nalaman?
Rocky: Iniwan mo ang pinakagwapo mong kapatid na nagngangalang Rocky Luxary Park.
Kevin: Tsk.
---------------------
Aba nga naman. Siya na ang nangiwan siya pa ang nagbaba ng tawag? Tsk. Tsk. Tsk. Ang lakilaki na ng kasalanan niya sakin.
"Rocky (Kun)!" Pagtawag sakin ng kung sino. Ang gwapo ko talaga pati mga di ko kakilala kilala ako. Teka nga sino kaya yun?
"Oh Miss?--- Aeisha? Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.
"Bakit masama ba?" Pagtataray niya sakin.
"Hindi naman." Sagot ko habang naka poker face. Di pa kaya ako nakakamove on sa pangiiwan sakin ni Kuya.
"Rocky?" Pagtawag niya sa pangalan ko.
"Bakit?" Nakasimangot na tanong ko.
"May alak sa dorm baka pwede mo kong samahan uminom?" Pagaaya niya sakin.
"Sige." Pagkasabi ko nuon ay agad na siyang naglakad kaya sumunod na lang ako.
S C A R L E T
"Ano, ahmmmm." Paano ko ba toh masasabi? Huh! Kaya mo yan!
"Paano nga pala kayo nakapasok dito? Ang alam ko kasi walang nakakapasok at nakakalabas dito pwera nalang dun kay Sapphire." Tanong ko sakanya. Nakita ko agad ang pagkunot ng noo niya.
K E V I N
[ROCKy😈]
Kevin: Oh? Anung kailangan mo?
Rocky: Aba! Hyung! May kasalanan Kang nagawa.
Kevin: Huh? Anong kasalanan ba yan? Paano mong nalaman?
Rocky: Iniwan mo ang pinakagwapo mong kapatid na nagngangalang Rocky Luxary Park.
Kevin: Tsk.
------------
Psh. Siraulong bata yun. Kung ano-ano pinagsasasabi.
"Scar, ahmm, may emergency kasi eh. Kailangan ko ng umalis. Bye, paki-ingatan ang kapatid ko tsaka wag kang magpapagutom." Pagbibilin ko sa kanya at agad ng umalis.
S C A R L E T
Nacucurious na ako sakanya. Parang iniiwasan niya yung tanong ko. Walang pwedeng maglabas masok sa school na toh. Dati oo pero ngayon hindi na. Saka saan naman siya pupunta? Ghad! Nakucurious na talaga ako.
Patago kong sinundan is Kevin. Tago sa likod ng basurahan. Tago sa likod ng poste. Taga everywhere para lang di niya ako makita.
"Ahhhhhh---!" Napa-sigaw nalang ako dahil sa gulat. Paano ba naman may biglang humila sakin atsaka niya tinakpan ang bibig ko.
"Shhhh." Pagpapatahimik niya saakin. Pagtingin ko sa likod ko nakita ko si Sapphire na may mapanganib na mata. Nakakakilabot.
"May tao ba dyan?" Mapanganib na tanong ni Kevin. Bakit ganon? Parang may iba sa kanya. Kakaiba ang aura niya ngayon di tulad kanina na medyo mapaglaro.
"Meow. Meow. Meow." Pagmiyow ni Sapphire. Para namang napaniwala nito si Kevin kaya mabilis itong tumalikod at naglakad palayo.
S A P P H I R E
"Why are you here?" Tanong ko sakanya.
"Beh, ano kasi uhmmmm parang ano eh." Putol na sabi nito. Nakaka-inis ah putol-putol. Ngud-ngud ko siya sa tae ng kalabaw eh.
"Ano?" Inis na sabi ko.
"Parang may mali sa ikinikilos niya. Kanina kasi tinanong ko siya tapos hindi niya ko sinagot." Naka-pout na sabi niya.
"Nanligaw ka ba?" Pamimilosopo ko sakanya. Tumalikod na ako at handa ng umalis ng may maalala ako.
"Nga pala, huwag kang pupunta sa gawi na toh mapanganib dito. Huwag mo na ding tangkain pang sundan si Kuya mapapahamak ka lang. Don't try." Sabi ko at tuluyan ng umalis.
Gish! Bakit ba kasi ayaw pang sabihin ng ugok na iyon yung secreto niya kay Scarlet yan tuloy muntik ng mapahamak si Scarlet.
✖✖✖✖✖
Sarry, okay? Sawrey. Hindi agad ako nakapag-update. Sa susunod ulit mga bhabe! Lovelots.
![](https://img.wattpad.com/cover/148964908-288-k299305.jpg)
YOU ARE READING
Complicated
FanfictionA complicated story with complicated love. A story that always have mystery. A girls that are full of mystery. Boys full of lies.