Chapter 2

6 0 0
                                    

Nabitawan ni Roxanne ang cellphone sa pagkagulat pero nang makabawi, muli niyang pinulot ang cellphone at mabilis na lumangon. Wala siyang nakitang tao, Bakas ng tao.
Sino kaya ang nagsalita? Sa dilim ng lugar, imposibleng may tao, Baka guni guni ko lang o baka naman... multo?
Nahintakutan si Roxanne sa naisip, ganoon na lang ang kabang naramdaman. "Kung sino ka mang multo ka, hindi ako natatakot sa'yo!"
Naghanda siya para kumaripas ng takbo. Pero pahakbang pa lang siya nang biglang may humawak ng braso niya at pinigilan siyang makakilos.
She was horrified. Hindi niya napigilan ang sarili. Malakas siyang napatili dahilsasobrang takot. "Multo." Pilit siyang nagpumiglas sa pumipigil sa kanya.
"Hey! Will you calm down? Hindi ako multo" nag-i-English na multo? Teka, nahahawakan niya ako at nararamdaman ko rin siya. Hindi siya multo.
kinalma ni roxanne ang sarili at dahan-dahang binalingan ang taong may hawak sa braso niya. Dahil madilim, itinapat niya ang cellphone dito parang makita ito nang makita ito ng tuluyan. "Maligno!" Tili niya, mas malakas kaysa sa sigaw niya kanina.
"Damn it!" Lalong humigpit ang pagkahawak nito sa braso niya. Maya-maya, isa-isang sumindi ang mga ilaw sa bawat sulok ng bahay hanggang lumiwanag.
Napanganga si Roxanne sa paghanga. Hindi naman pala abandonado ang bahay, at lalong hindi mukhang haunted house. Sa katunayan, napakaganda niyon.
Isang taong ang humahangos na lumabas mula malaking pinto ng bahay. "Anong nangyari dito, Master?"
Tanong ng maliit na lalaki, siguro kasinlaki ni bentong.
Master? Ako ba ang tinatanong niya? Hindi pa naman ako pokemon master para tawagin niyang 'master' sabi ni roxanne sa isip.
Nagsalita ang nasa tabi niya. "There's an intruder in my house."
Lalaking-lalaki ang boses. Parang galing sa isang guwapo, matangkad, at maripunong lalaki.
Sinulyapan ni roxanne ang lalaki at dismaya nang makita hindi ganoon ang itsura ng nakikita niya ngayon. Mahaba ang buhok nito, mahaba ang balbas at bigote. Nanlalalim ang mga mata nito na parang hirao makatulog. Nakabalot din ito ng itim na blanket na parang ba ginaw na ginaw. Pero ang mas nakaagaw ng pansin niya ay nakaupo ang lalaki sa wheelchair.
Tumingin kay roxanne si bentong, etse, ang kasinlaki ni bentong at nagsalita, "Magnanakaw ka, miss?"
Ganoon na lang pag-ismid ni roxanne. " ako, magnanakaw? Excuse me, sa ganda kong ito?"
"Oo nga, master. Maganda siya at hindi mukhang magnanakaw,"sang ayon ni "bentong" sa sinabi niya.
The "master" hissed. "Domeng, don't be decieved by her beauty. Tandaan mong ginagamit na ng masasamang loob ang itsura para makapanloko ng tao. Call the pulis, now."
Nagimbal si roxanne sa narinig. Hindi siya papayag na makulongdahil lang sa pang huhuli ng pokemon.
"Sandali......Sandali lang!" Pigil niya kay domeng nang akmang papasok ito para sundin ang utos ng amo.
Tumigil naman si domeng. Bumaling siya kay master.
"Sandali, Mister, hindi ako masamang tao. Hindi ako magnanakaw,"depensa niya sa sarili.
"Kung hindi ka magnanakaw, bakit nandito kasa bakuran ng bahay ni master?"tanong ni domeng.
Mabilis na ipnakita ni roxanne ang cellphone,na kasalukuyan pa ring naghihintay si jiggly puff na mahuli niya. "I was playing a Pokemon Go. Nagkataong nandito ang pokemon na huhulihin ko. Akala ko, abandonadong bahay ito dahil walang ilaw kaya pumasok ako,"paliwanag niya.
"Nag-automatic shutdown kasi ang power fuse ng bahay kaya inayos ko," sabi ni domeng, napakamot pa sa ulo.
"Nakakapagtaka ngang namatay ang mga ilaw samantalang palagi kong tsine-check."tumingin ito kay roxanne. "Pero paano ka, nakapasok?san ka dumaan?"
Itinirik ni roxanne ang mga mata. "Bukas ang gate. Malay ko bang may nakatira dito."
Tumginin si domeng sa masungit na lalaki. "Mater, kayo ang nagpapatay sa ilaw? Balak n'yo na naman bang tumakas at magpunta sa lugar na iyon?"
Hindi sumagot ang masungit na lalaki, halatang guilty. So, lalabas nga talaga ito at tatakas kaya bukas ang gate.
"O, kita mo na? Napigilan ko pa ang pagtatakas ng amo mo? Kung hindi ako pumasok, baka wala nasiya rito," nakataas noong pagyayabang ni roxanne,
Masamang tinginang ipinukol sa kanya ng masungit na lalaki. Bahagyang siyanh napaatras dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa pagkakatingin nito. Kinilabutan siya, hindi dahil sa takot kundi sa kaba.
"Master, akala ko ba, nagkausap na tayo na hindi na kayo tatakas?"sabi ni domeng.
The man frowned."may gusto lang akong makita,"matigas na boses na sabi ng lalaki, madilim ang anyo.
Pero maririnig sa tinig nito ang matinding emosyon.
He seemed hurting or something. Sa tingin niya ay may kinikimkim na sama ng loob.
"Pero wala na sila,Master,"sabi ni domeng.
"Hindi mo ako naiintindihan,domeng . Pabayaan mo ako. Gusto kong umalis," pilit nang lalaki at pinaandar na ang automatic na wheelchair palabas ng gate.
Mabilis na pinigilan ni domeng. "Master, hindi ka naming hahayaang magpakamatay."
Pinanood lang ni roxanne ang mga ito, hindi alam ang gagawin. Pero sa loob niya, nag-panic din siya nang marinig ang sinabi ni domeng na magpapakamatay ang master nito.
"Let me go, Domeng. Ican't see any way out. Kung hindi iyon makikita, hindi ako mapapanatag,"the man said.
Hindi alam ni roxanne pero naapektuhan siya habang nakikita ang paghihirap sa mukhang lalaki.
Para kasing nakikita niya ang sarili nito noon, noong iwan siya ni angelo.
Pero hindi niya kayang magpakamatay dahil takot siya. Kasalanan sa diyos ang magpakamatay. Isa pa, ayaw niyang nasasaktan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Pero nakikita niya sa lalaki, kaya nitong gawin iyon.
Ano kaya'ng problema niya? Mukhang matindi ang pinagdadaanan niya.
Ang pagkakaalam ni Roxanne, most suicidal people were not pyschotic or insane. They were mostly upset, grief-stricken, depress or despairing. Mukhang may pinagdadaanang matinding pagsubok ang lalaki Kaya Wala na itong ibang alam na solusyon sa problema kundi Ang magpakamatay.
Nagpupumiglas pa rin ang lalaking naka-wheelcahair samantalang parang nawan ng lakas si domeng para pigilan Ang amo.
"Inday!Pepay!dali, akin na Ang gamot ni master!"
Lumabas ng front door Ang dalawang babae na parang kanina pa naroon at naghihinatay lang na tawagin.
May kabataan Ang isa at payat na payat naman Ang isa. Mga maid siguro.
"Heto na Ang gamot ni master,"Sabi ng matabang babae, sabay abot kay domeng.
"Akin na. Tuturukan ko na siya ng pampakalma," Ani ni domeng "hawakan ninyong mabuti si Master."
Napaatras Ang dalawang babae nang tignan nang masama ng amo.
"Don't you dare! Sesentehin ko kayong lahat," banta ng lalaking naka-wheelcahair.
Nagsikilos na Ang dalawang babae at mabilis na pinigilan sa magkabilang braso Ang amo. Pigil-pigil din ng mga ito ang wheelchair.
"Huwag ninyong bitawan para hindi siya maglikot,"Sabi pa ni domeng na hawak na ang syringe na may gamot.
"Teka, sigurado ka ba?Natatandaan mo ba iyong sinabi ni Evan sa'yo Kung saan tuturukan si master?"nag-aalinlangan ng payat na babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gotta Catch your HeartWhere stories live. Discover now