Prologue

5 0 0
                                    

Authors note:

Hey! This is your cute author. I'll say it in advance okay? I hope you admire this story of mine. I wrote this story based on my amazing imagination. Char lang gud. Hahaha. So, kung nababasa mo pa ito hanggang dulo, salamat. Mwah

°°°

"Take him in a safe place. Stay hidden! Don't let him go out without your permission. Stay away from danger. Please. Please, be safe."

She held the baby boy right in her arms. Fear is visible in her eyes, yet she stood invincible. "He is the saviour of our kind. The king of all. P-protect him."

The Oracle gave his last blessing to the baby boy. Someday, he will be a strong and courageous man that will protect and save his kind. A brave and selfless king.

The woman who took the baby will be his protector. As the Oracle's slowly dying, a warm glow was felt all over the place of destruction, and in a glimpse of an eye, the woman and the baby disappeared.



YLSHA

"Auseil! Bumalik ka dito! " mabilis na tumakbo si Auseil papalayo sa akin. Dala-dala niya ang mga paninda na nilalako namin araw-araw. Mahigit sampung taon ko na inaalagaan ang batang ito. Lumaki siyang di dumedepende sa iba- kahit sa akin na umaalaga at umaaruga sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paghabol sa bata hanggang sa nakarating kami sa kabilang dulo ng bayan. "Ylsha! Bilisan mo ang pagtakbo! Bleehhh!" Gaya ng sabi niya, binilisan ko rin ang aking pagtakbo. Tumigil si Auseil ng ilang sandali bago tumalon-talon. Nakarating na pala kami sa aming tinitirhang bahay.

"Ang bagal mo naman Ylsha! Ayan tuloy naunahan na naman kita." Lumapit ako sa kanya at ginulo gulo ang kanyang buhok. Sabay kaming humarap sa pinto. "Unang humawak sa pinto, may sampung pitik sa noo." sabay naming sinabi.

Binitiwan niya ang kanyang dala at ganun rin ako. Humarap kami sa isa't isa at itinaas ang kamay. Mabilis na lumalaki si Auseil araw-araw. Marami siyang natutunan sa mura niyang edad. Base sa mga napapansin ko ay lalaki itong matipuno at matalino.

Ilang minuto rin kaming nanatili sa pwesto namin at naiirita na si Auseil. Kapansin-pansin ang nakasimangot niyang mukha na tila ba gusto nang makuha ang premyo. Napangiti na lamang ako at binuksan ang pinto. "Yes!" sigaw niya. "Bibigay ka rin pala eh."

Kung hindi lang sana bata ang kasama ko rito ay mabilis ko na siyang napitik sa tainga. Oo nga't malambot ang puso ko pero nakakapagod alagaan ang batang ito. Maya-maya ay lumapit sya sa akin na may dalang tubig. Inilahad niya sa akin ang baso. "O, para saan naman ito?"

Mukhang aso kung siya ay ngumiti. Bakas sa mukha niya ang kalokohang gagawin. "Peace offering lang." Tinanggap ko ang baso at ininom ang laman niyon. Halos kalahati nalang ang laman at mauubos ko na iyon pero bigla niyang pinitik ang noo ko. Nabuhos ko ang ininom ko at napatingin na lamang sa kanya ng masama.

Wala na talagang pagbabago ang magaganap sa kanya sa susunod. Tumakbo siya at nagtago sa kung saan.
Ipinatong ko na lamang ang baso sa mesa at napaisip. Darating pa kaya ang araw na tatanggapin niya ang tunay niyang pagkatao? Mananatili pa ba ang kapayapaan sa bayang pinili naming tirhan? Magbabago nga ba ang kapalarang matagal nang inilahad para sa kanya?

Puno ng pangangamba ang naiisip ko ngayon. Gayung pagsapit ng ika labing anim na taon nya ay lalabas na ang tunay niyang pagkatao.


~

Oblivion's CurseWhere stories live. Discover now