Chapter 1

2 0 0
                                    

YLSHA

Ilang taon ang nakalipas. Mahigit limang taon rin. Nagpatuloy ako sa misyon kong itago ang tunay na pagkatao ni Auseil. Ang tunay na tagapagmana at ang tagapagtanggol ng nakararami. Sinilip ko ang natutulog na Auseil sa kanyang kwarto. Mahimbing siyang naka higa sa kama. Habang tinititigan ko si Auseil ay sumagi sa isip ko ang Oracle. Ang mga pangitaing sinabi ng Oracle ay sariwa pa sa aking isip. Ang mga positibong mangyayari, maging ang mga negatibong pangitain ay nabanggit niya.

Nakatayo ang lahat sa pagdating ng Oracle. Tila isang malaking selebrasyon ang naganap ngayong araw. Pinuno ng mga tagahanda ang mga plato ng sari-saring uri ng pagkain at ang mga nakahanda na rin ang mga inumin. Ang Oracle ay nakangiti sa aming lahat. Maging ang Hari at Reyna ay nagagalak sa pagdating niya.

Sinalubong ng hari ang bagong dating na Oracle. "Nagagalak akong nakarating ka Augusto." Nakipag-kamay ang Oracle sa hari at sa reyna. "Di ko papalampasin ang malaking selebrasyong gaganapin sa kaharian ninyo mahal na hari."

Ang lahat ay naglatuloy sa kanilang ginagawa matapos makapag-usap ang hari at ang Oracle. Sa gitna ng selebrasyon ay kapansin-pansin ang mga bulaklak na desenyo sa bawat sulok ng silid. Ang mga magagandang rebulto ng mga bayaning nagsilbi sa kaharian ay tampok sa malaking selebrasyong ito.

"Maging mapagmatyag ka hija." Nagulat ako sa taong nagsalita sa akong likuran. Paglingon ko ay ang Oracle lang pala iyon. Di naman ako nababagabag ngayong araw dahil walang mangyayaring masama. "Wag kayong mag-alala Oracle. Kami na ng mga kasama ko ang bahala sa lahat." Sabi ko.

Mukhang di kampante ang Oracle sa mga sinabi ko. "Hija, mas mabuting maging bukas sa anumang oras ang inyong tainga, mata at maging ang pakiramdam ninyo. " Nag-iwan na lamang ako ng ngiti sa kanya at umalis.

Nagpatuloy pa rin ang selbrasyong hanggang sa nakarinig kami ng pagbasag ng baso. "Ang Oracle!"

Mabilis akong kumilos at iniwan ang ginagawa ko. "Anong nang-" bigla akong natigil.

"Bubunga ang pagmamahalan,
Ng pag-ibig na walang hanggan."

"Isang sanggol ang ipapanganak,
Sa gitna ng gulo, mapapahamak."

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ng oracle. Nanatili siyang nakaluhod at nanginginig. Tinulungan naming patayuin ang Oracle at dinala sa isang silid para makapagpahinga. Bakas sa mga mata ng reyna at hari ang tuwa at pangangamba sa pagbabadyang pagdating ng mga kalaban.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." sabi ni Auseil. Di ko napansing nakagising na pala sya. "Magandang umaga." tumango nalang ako. Tumayo sya mula sa hinihigaan nya at lumapit sa akin. Isang pitik sa noo ang natanggap ko mula sa kanya. "Ano na? Kakain na tayo."

Nilagpasan ako ng binata. Ang bilis nga naman ng panahon. Sumunod ako sa kanya at sabay kaming nag almusal.

"Sya nga pala, Ylsha magiging 16 na ako. Regalo ko ha."

Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko. Nanatili pa rin syang naka ngiti sa akin. Masaya siyang kumakain samantalang ako ay nangangamba na. Ilang taon ring nanahimik ang buhay namin. Walang napahamak sa aming dalawa.

"Ylsha naman, nagd-day dream ka ba?"

"Ha? Ano ka ba, kumain ka nalang." sabi ko. Malaki na si Auseil. Kaya nya naman siguro ang sarili nya diba? Siguro nama'y walang magtatangkang patayin siya dito sa bayan.

Sabay kaming natapos at bumalik ako sa loob ng silid ko. Mabikis kong hinaanp ang mga natutirang sulat ng mahal na reyna at hari para kay Auseil. Baka di pa nga ito ang tamang panagon para ibigay ito. Payapa naman ang bayan sa nakalipas na labing limang taon. Hindi naman sya nagsumbong sa aking may nag aaligid na masamang tao. Nag-aalala ako sa kaligtasan ni Auseil. Hawak-hawak ko ang mga kasukatan. Pinatitigan ko ito ng ilang sandali ang mga ito. At sa huli ay nagdesisyon akong itago muna ang mga ito.

Hindi pa sapat ang mga itinuro ko sa kanya. Hindi niya pa kayang ipagtanggol ang sarili niya mula sa iba. At higit sa lahat ay hindi pa umuusbong ang natatago niyang kapangyarihan.

"Auseil.."



AUSEIL

Mag-isa akong nag ensayo sa paghahagis ng kutsilyo. Sa gubat nagaganap ang lahat ng pagsasanay namin Ylsha. Simula sa paggamit ng espada hanggang sa close combats.

"113." Pinulot ko ang kutsilyong nakapatong sa lupa sabay hagis sa puno. "114." 

Sabi sa akin ni Ylsha, dapat kontrolado ko ang bawat kilos ko. Makiramdam sa nangyayari sa paligid at buksan ang mata at pandinig sa bawat minuto. Muli kong inihagis ang kutsilyo.

Hinihingal na inayos ko ang mga kagamitan at bumalik sa loob. Pagtungtong ko sa kusina ay nakalimutan kong itanong kay Ylsha kung saan nakakagay ang mga lubid na gagamitin ko bukas sa ensayo. Bata pa lang marunong na akong makipaglaban. Pero itong si Ylsha, di naniniwalang kaya ko.

"Ylshaaa?" Pagod kong sigaw sa kusina. Wala sya rito kaya malamang nasa silid sya ng kwarto niya.

Pagbukas ko ng pinto naabutan kong may tinago si Ylsha na mga sulat. Tumayo siya bigla at wala aakong magawa kundi isara ang pinto. Di ko napansing napalakas ang pagsara. Alam niya na siguro na nandun ako.


~

Oblivion's CurseWhere stories live. Discover now