Chapter 1

1.5K 97 20
                                    

Antok na antok ako habang tinitingnan ang mga naka hilerang papel sa mesa. Yung iba ay para sa mga events ng school kung saan kailangan nila ng approval ko. Ang iba naman ay tungkol sa mga minor subjects kong nagpapaka trying hard na maging major subjects.

Lahat ng ito ay kailangan nang matapos next week kaya kahit linggo ay wala akong choice kundi pumirme sa school.

This is what I hate about my position. Akala ko puro fame at power lang pero hindi pala. I need to be responsible dahil sa kung ano man ang mangyari sa school ay liable ako sa lahat.

Humikab ako bago pinirmahan ang isang request letter kung saan hihiramin ng engineering department ang gymnasium ng school. Siyempre, kahit ayaw ko dahil department ‘yon ng kapatid ni Satanas ay wala akong magagawa.

I need to maintain peace, fairness and just.

Natawa ako nang palihim. Like what the fuck? Asan ang peace, fairness and just sa ginawa ng kambal ko sa lalake niyang lagpas balls ang adams apple?

Pasimple kong sinilip ang relos ko at napagdesisyonang lumabas. Kahit may sungay ako ay hindi ko nakakalimotang magsimba kada linggo. Isa ‘yon sa mga bagay na tinuro sa’kin ni daddy.

I sighed. This day is supposed to be our day. Pero dahil sa pareho kaming busy ay wala kaming choice kung hindi bumawi nalang next Sunday.

Pababa na ako ng second floor nang may narinig akong sumisigaw at umiiyak. Mabilis pa sa alas kwatro kong hinanap ang lugar kung saan naroroon ang iyak.

I smirked. Napailing ako nang makita ang apat na babaeng pinapahirapan ang isang nerd na estudyante. I cleared my throat. At dahil dun sabay sabay silang napatingin sa gawi ko.

“Diba mahigpit kong pinagbabawal na bawal ang bullying?” Mariin kong sinabi.

Nangangapa bago sumagot ang isang babaeng binanggaan ng isang trak na flour.

“Eh bakit ikaw? Hindi ba nambu bully ka rin?” Pabalang na tanong niya.

Kusa akong napailing. “I’m the President here. I’m always an exception to every goddamn rule.”

 

Humalukipkip ako habang masamang tinitingnan ang apat na babae. Siguro naramdaman nila na inis na inis na ako kaya kusa nilang binaba ang mga kamay nila na may mga hawak na libro.

“Ikaw.” Turo ko sa nerd. “Ano’ng gusto mong parusa para sa kanila?”

 

Napanganga ang babaeng nerd at unti unting umiling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bribing Ms. PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon