chap-1√

16.4K 143 3
                                    

Ang kasal ay wala sa diksyunaryo ni Olivia, ito lamang ay isang papel na nagtatali sa buhay ng isang tao. Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang magpapakasal siya sa isang lalaki balang-araw. Nakikita niya ang paghihirap ng kanyang ina noon nang matuklasan nilang may anak sa labas ang kanyang ama. Isa pa ay may takot siya sa opposite sex dahil sa naging karanasan niya noong teenager lamang siya. Isang madilim na bahagi ng mundo niya na hindi mabubura sa pagkatao niya. Isa ito sa naging mitsa para napalayo ang loob niya sa mga magulang na unti-unti na ring nagiging malamig ang pagtrato sa kanya. Pinapakialaman lamang siya 'pag may maliit siyang pagkakamali at sermon pa ang naririnig niya. 'Pag nasa bahay siya ay nagkukulong na lamang siya sa kuwarto niya at iniiwasang makasalubong ang magulang maliban na lamang 'pag kakain na silang mag-anak.

Ang tanging nagpapasaya lamang sa kanya ay ang dalawang kaibigan na sina Shanna at Ashton, ang nag-iisang lalaking nakakahawak sa kanya na hindi siya kinikilabutan. Sila lamang ang dalawang tao sa buhay niya na nakakaintindi sa lahat ng mga pinagdaraanan niya. Aware pa sila sa katotohanan tungkol sa takot niyang mahawakan ng iba. Ang alam ng lahat, isa siyang liberated na babae dahil open siya sa makamundong bagay. Ngunit lahat ng mga nakikita nila ay taliwas sa totoong siya, because deep inside, she's very fragile and lonely. Upang malabanan ang takot ay pumasok siya bilang isang VIP stripper sa isang kilalang night club. Nag-e-enjoy siya sa mga atensyon na nakukuha niya sa mga costumers ngunit hindi pa rin sapat, hindi pa rin siya nasasanay. Nanginginig pa rin ang katawan niya 'pag may humahawak sa kahit anong parte ng katawan niya. Kinikilabutan pa rin siya at pakiramdam niya ay nangangati ang katawan niya. Magkaganun pa man, tinuloy pa rin niya ang pagiging stripper niya kahit sinasabi na ng kaibigan niya na huminto siya at baka mapahamak pa siya o kaya ay matuklasan ng magulang niya. Lalo na ang kanyang istriktong ama.

Tinignan niya ang sarili sa harap ng salamin at inayos ang suot niya na maskara. Tumaas ang sulok ng labi niya nang mabistahan ang hitsura sa salamin. Walang makakakila sa kanya dahil sa suot niyang maskara na nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha.

Nilinga niya si Shanna na nakasandal sa balikat ni Ashton na natulog agad pagkarating pa lamang nila roon. Ang huli naman ay nakapikit din ngunit gumagalaw ang talukap ng mata tanda na gising pa rin ito.

"Ewan ko talaga sa babaeng 'yan! 'Pag nasa call center siya nakakaya niyang magpuyat pero 'pag sinasamahan ako rito nakakatulog agad kahit pa gaano kaingay dito," lukot ang mukhang bigkas niya.

Nagmulat ng mata si Ashton at humikab. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o maiinis dahil mukhang katulad siya ng una na nababagot na nakaupo roon. "Bumabawi lang siya ng tulog dahil bukas ng gabi ay papasok ulit siya." Humikab muli ito at pumikit.

"Alam n'yo nakakatampo kayong dalawa!" nakangusong maktol niya.

Tinalikuran niya ang dalawa at lumabas ng dressing room. Saktong nasa likod na siya ng kurtina ay siya namang pagsasalita ng emcee.

"Good evening! Are you ready to get burn for tonight?" malakas na sigaw nito.

'Now! It's time to make the boys drool for Miss Seductress tonight!'  nakangiting bulong ng isipan niya.

She heard the crowd getting wild. Ngumisi siya at inayos muli ang maskara niya upang siguraduhin na hindi matatanggal.

"Alright!! Let's welcome our one and only, Miss seductress!!"

Iyon ang nagsilbing hudyat para pumwesto siya sa pool na tinatabunan ng malaking curtain. Nang magsimulang tumugtog ang maharot na kanta, she threw her head back, touch her legs and move her hips habang unti-unting nalilihis ang kurtina. Her lips curve into a flirtatious smile when the crowd shouted her name. Dahan-dahan siyang lumiyad at iginalaw ang middle fingger sa kanila bago sinabayan ng paggiling ang maharot na togtog. Tumalikod pa siya at tumuwad bago muli, dahan-dahang pinaraanan ng daliri ang hita niya na naka-expose and look at them above her shoulder. She lick her lips and smirk. Ikinawit niya ang paa sa pool at parang lalaki kung haplusin niya 'yun.

Friendship Series 2- Sweet Seduction R-18(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon