Kristi's POV
Kristina Janelle Galves. Ang haba. Kristi na lang. Meron akong tatlong kalog na mga kaibigan. Sina Elisha Klarise Defensor, Hella Marie Diaz at Colleen Rachel Franco. Naging magkaibigan kami mula pa nung bumalik ako dito sa Pilipinas at nag-settle dito.
Si Elisha ay isa din sa may mga taong may hidden identity tulad ko. Anak siya ng isang multi-millionaire na may hawak ng maraming malls at luxury botiques sa buong mundo. Kaya pala fashionista si lola niyo. Nagkailala kami ni Elisha sa isang mall nila kung saan nagka-event si Dad ng Summer Collection niya. Sa pagkakatanda ko, nagmodel din si Elisha sa fashion show ni Dad.
Si Hella, ganun rin, katulad rin namin ni Elisha, para din sa kaligtasan niya. Ang pamilya ni Hella ay ang pinakaprominenteng pamilya sa Spain. Bakit? Si Hella man lang ang "Lost Princess of Spain". Mahiya naman tayo. Prinsesa nga pero kapag nakilala mo na ay parang tambay sa kanto kung umasal at gumalaw. Parang hindi lumaki sa isang palasyo. Hay Nako. Siguro mas mabuti na lang 'yon kaysa mahalata. Di ba?
Si Colleen, ang kababata ko. Si Mom niya at Dad ay mag-business partners. Ang pamilya niya ang nag susupply ng mga fabrics mula pa sa States at iba't-ibang bahagi ng mundo. Supplier din sila ng mga branded na mga labels. Tulad ng Parada, Channel, Mary Janes at marami pang iba.
Naging makapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. Mga only child kasi kaming tatlo. Tatlo dahil si Hella ay may Kuya. Si Kuya Hector o Prince Hector Miguel Diaz ang crowned prince ng Spain. For now. Ipamamana na ni King Helio Minthos Diaz next week ang trono at korona sa kanya.
KRINGGGGG!
"Patay! Girls time na! Ge alis na ako." Nagpaalam na ako sa kanila. Honor student kaya ito.
Tumakbo ako parang walang bukas. Baka nandoon na ang Prof namin. Nakakahiya talaga. Malapit na sana ako sa room ko pero may nakabanga sa akin. Ang taong palaging sumisira ng araw ko, si Cristian Stephen. Ang lider ng "HEARTTHROB" group na "Kings". Simula pa nung elementary pa kami, nang-aasar palagi sa akin wala man akong ginagawa sa kanya. Hay buhay!
Kaya eto ako ngayon sa sahig nakaupo at ang gamit ko ay nagkalat din sa sahig.
"Oh Kristi, este PANGET! Anong ginagawa mo sa sahig? Naglalampaso?" At may pangasar pa talaga ng ngiti. Nag-walkout na lang ako para walang gulo. At mas gustohin ko pa na pumasok sa mga class ko kaysa mag-Balagtasan kayChristian.
"Aba,aba! marunong ka na pala lumaban? Bago to ha? Baka nakalimutan mo Scholar ka lang dito. Meaning, pulubi ka! WALANG pera! Hampaslupa!" Sigaw ni Christian.
Ngumisi habang lumalakad papalayo. "Teka bumalik ka dito!" Sigaw ni Christian. Bahala ka sa buhay mo! "Ayaw!" Sagot ko sa kanya.
Kung alam mo lang. Kung alam mo lang talaga.
Pumasok ako sa klase ko ng tahimk. Pagkapasok ko sa kwarto buti na lang wala Prof namin. Hay salamat. Umupo ako sa pinakagilid na upoan at dahil wala pa si Prof, magsa-sound trip muna ako. Nakaka-antok kaya. Nag-Skype call pa kasi si Dad ng disoras ng gabi para makausap lang ako.
Hindi nagtagal dumating ang Prof namin.
"Good Morning Class. Since bago ako dito sa University. Please introduce yourselves para makilala ko din kayo." Ok nga noh. Bago at bata pa si Prof. Good Luck sa iba.
"Ang pogi naman ni Prof." Blockmate girl 1
"Friend, parang may nalaglag." Block mate baklukersh 1
"Huh? Ano?" Blockmate girl 1 ulit.
"Yung panty ko." Huh? Panty? May panty si Ateng?
"Okay let's start from the back. Shall we?"
Blah. Blah. Blah.......
Ako na ang sunod. Tumayo ako sa upoan ko. pumunta sa harap at...
"Kristi Galves. 2nd Year Business Management major. 17 years old. Thank.you." Pagkatapos nun ay tumingin ako kay Prof. Parang familiar siya sa'kin. Parang nag-meet na kami.
"Kristi as in Kristina?" Umo-oo lang ako."Very well, then. Let's move on. Next please."
Natapos ang lahat ng pagpapakilala sa bagong prof namin. Yung iba may guts pa para humirit sa prof namin.
"So ngayon nga nalaman ko na Kung sing kayo, it is just fair that I will introduce myself. I am Niel Sonsio and I am a licensed Architectural Engineer and teacher. 25 years of age and happy to be in a relationship. You can call me Prof Neil or Sir Neil, yun lang ha? No other nickmanes." Sa pagtapos niya nagingay naman ang buong classroom sa kakaiiyak ng mga babaeng blockmates ko.
"Bakeet sir!? Kailan pa?" Blockmate 3
"Let say 5 years na and counting." Sagot niya. Aba nagwink pa. Mas lalo pang natunaw ang blockmate ko.
"Sir pwede break na lang kayo para tayo na lang instead?" Blockmate 4.
"Ok enough with the interview portion about me. Let's start the discussion. Who could tell me your last lesson with Engineer Provido?" Tawag sagot ni Prof. Neil.
Natapos rin ang lecture ni Prof Neil. Ang weird. He looks familiar to me pero hindi ko matandaan kung saan ko siya na kita. Natapos klase namin at niligit ko na ang gamit ko. Nalabas na halos lahat ng mga blockmates ko. "Miss Galves, may I have a word?" Tanog ni prof. "Sure po.Prof huwag po!
"P-prof m-may ginawa po ba along kasalanan?" Tumawa lang siya.
"Ano ka ba KJ. Nakalimutan mo na ba ako?" Huh? Ano daw? Napakunot ang noo ko sa kanya. KJ? Alam niya kung Sino talaga ako? "Po? Sorry po pero Sino ba talaga kayo?" Lumapit siya at ginulo ang buhok ko.
"Ano ka ba, Janelle. Alam ko kung sino ka talaga, Kristina Janelle Galves."
Biglang nalaglag ang panga ko sa kay Prof. "Sino ba po kayo?" Naiinis na ako sa kanya. Tumawa lang siya. Paunti-unti siya lumapit sa akin.
"Don't you remember me, Cousin?"
Cousin? As in pinsan? Ano daw?
"Huy! KJ, isusumbong kita kay Tito Kris. Patay ka!" Tumawa lang si Prof at naaliw pa sa mukha ko. Pinagmasdan ko ng mabuhi si Prof. Parang familiar si Prof sa'kin.
~kru..kru~
Si..si.. "KUYA JOHANN!!!" Sigaw ko sa saya!
Si Kuya Johann o Jonathan Hanson Nathaniel Sonsio. Siya ang isa sa Galves Hotties Trio. Kasama niya sa grupo sina Kuya Marky at si Kuya Shin. Mas nakakatanda sila as akin ng walong taon. Matagal-tagal na rin hindi nagkitakita. Minsan lang kasi akong pumupunta sa New York. Kaya kapag nafa-family reunion Wala ako. Mga five years din ako hindi nakapunta dahil paliging nakatapat sa finals ko dito sa school.
"Kamusta na si Ate Leah? Kamusta sina Auntie Melbi and Uncle Dy?" Sunod-sunod Kong tanong sa kanya.
"Hindi man ako namiss no?" Ngumiti lang ako Sa kanya. Sa katunayan namiss ko talaga sila. "Ikakasal Na ba kayo ni Ate Leah? Matagal-tagal na rin po kayo."
Yumuko lang si Kuya Johann at napangiti sa sahig. "Ikakasal na kami next month. Hindi mo ba na kuha yung invitation namin?" Tanong niya.
"Baka hindi pa naforward yung mga mail namin Sa bagong condo ko kuya. Lumipat kasi ako para mas malapit ako Sa school. Walking distance Lang kasi." Paliwanag ko Sa kanya. Sus. Mas malapit Sa school? Naparami na kasi Kung mga umaaligid sa luma kong building kaya yun. Lipat ulit.
"Ah ganun ba? Anyways, I will contact you about the wedding ha? And it was nice catching up. I missed you. We missed you." Niyakap ako ng mahigpit ni Kuya Johann. Bago pa kami makahiwalay may pumasok at tumili.
"I KNEW IT! YOU ARE A SLUT!"

BINABASA MO ANG
The Unexpected Lover of Mine
Novela JuvenilAko? Sino ba naman ako? Isang invisible, nerd at panget ay may nagkagusto sa akin? At hindi basta basta lang.. isa pa sa pinakasikat sa campus. Ano kaya ng kahahangtungan ng buhay kong ito? Speaking po of INVISIBLE kapag sa school lang. Anak ako ng...