Chapter 2

97 4 0
                                    

Dedicated sa aking maliit na unnie ❤️ Hihi.

---

"Oh shut the fuck up, Jianna! What makes you think we're in a shitty horror movie, bitch!?" asik ng kaklase kong si Pia.

"Dahil sa mukha mo! Pang-horror movie!" Sagot naman ni Dianne. Kung hindi lang talaga seryoso, baka humahagalpak na kami kakatawa dito!

"Fuck off, Dianne! I'm talking to this bitch!" Sabi nito at tinuro si Jian.

Aba, walang pwedeng gumanyan sa mga bestfriends ko!

"How dare you talk to Jianna and Dianne like that!" Napasabak tuloy ang english skills ko!

"Ano ba guys! Wala 'tong patutunguhan kung mag-aaway-away tayo!" Sita ni Leira sa amin, ang temporary president ng class namin.

Pinabalik na kami ng mga teachers sa mga kwarto namin pero may mga matitigas talaga ang ulo at naki-usyoso pa dun. Isa na dun si Ace.

"Come to think of it guys. Kung nagbigti talaga si Carla, bakit nasa lapag yung anklet niya?" Sabi ni Ace pagpasok niya ng kwarto namin.

"What are you trying to point out, Ace?" Tanong rito ni Dianne na naguguluhan rin gaya ko.

"Hindi naman basta basta mahuhulog yung anklet niya eh. Maliban nalang kung nagpupumiglas siya ng malakas," may point nga si Ace. For the first time, nagseryoso siya ah.

"Baka naman nahulog lang nung sinipa niya yung bangko?" saad ni River.

"No, yung upuang nakatumba na malamang ay ginamit niya upang makaakyat ay malapit lang sa kanya," pagdedepensa ulit ni Ace, "yung anklet, malayo ito sa kanya at para bang tumalsik pa sa pader kasi nasira," dagdag pa nito.

"Stop it, Serrano. Tinatakot mo kami," sabi ko sa kanya.

"What are you trying to say? Na hindi nagpakamatay si Carla? Na may ibang pumatay sa kanya at pinalabas lang na nagsuicide siya?" Tanong dito ni kambal. Si Kythe.

"I don't know. Sinasabi ko lang 'yung mga napansin ko."

"Guys, ipaubaya na natin 'to sa mga pulis. Hayaan na natin sila dun," sabi naman ni Claire.

"Tch, the last time na pinagkatiwalaan namin ang mga pulis, kami lang ang nasisi," bulong ni Rage pero sapat na yung lakas para marinig naming lahat.

Bumabalik nanaman ang nakaraan.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Claire. Wala siyang alam sa mga nangyari dati.

"Wala. Tara, tulog na tayo. Maaga pa tayo bukas," yaya ni River.

"Wait, kahit may nangyari na dito, tuloy pa rin ang klase bukas? They should have suspended it, may mga kaklase rin tayong natrauma, lalo na yung roommates ni Carla," sabi ni Claire.

"Suspended? Di yan. Walangya yung principal natin eh," sabi ni Kiel bago lumabas ng kwarto namin.

Naiwan na kaming apat sa kwarto namin. Nagsibalikan na kasi yung mga boys sa kani-kanilang mga kwarto.

"Okay ha medyo op ako. Di ko kayo maintindihan," reklamo naman ni Claire na naguguluhan.

"Balang araw, Claire. Balang araw," sabi ni Dianne sa kanya.

-CLAIRE'S POV-

Tama nga sila, parang wala lang nangyari. Baliwala lang yung nangyari kay Carla. Balik na sa normal ang klase namin.

Halos 3 weeks na rin ang nakalipas simula nung nangyari yung suicide ni Carla at mistula namang nakamove on na ang klase namin. Okay na rin siguro yun, at least maayos na ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3:39Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon