Chapter 1

106 4 0
                                    



--

"Mom, okay na po talaga ako."

"Sure ka ba? Baka naman may nakalimutan ka pa?"

"Na-check ko na po talaga lahat, Mom."

"Hindi ba pwedeng bukas ka nalang pumunta dito? Balik na tayo sa bahay, Claire? Bukas pa naman start ng class niyo eh."

Natawa na lang ako kay Mom. Ang childish talaga ni Mom kahit kelan!

"Mom, di pwede. Nandito na tayo oh. Saka okay na rin na maaga, at least malilibot ko yung school. Pwede niyo na po bang buksan yung door?"

Napabuntong-hininga nalang si Mom. Ang kulit rin naman kasi ni Mom! Ayaw pa i-unlock yung pinto ng kotse para di ako makalabas!

"Mag-iingat ka jan, okay? Call me kung sakaling may kailangan ka pa." Niyakap ko si mommy. Hayy, mam-miss ko si mom!

Sa wakas ay pinalabas na rin ako ni Mom! Umiiyak pa nga nung lumabas ako sa kotse eh! Pano ba naman, halos ayaw na akong pakawalan! Si mom talaga!

Maple Heights Academy.

New school, new life! After kasi maghiwalay ni mom at dad, lumipat kami ni mom dito. They're in speaking terms naman. No grudges to each other or whatsoever. Tanggap ko naman noon pa na nagsama lang sila dahil sa akin, unfortunately.

Nagtanong naman ako kung paano pumunta sa dormitory building dahil isang beses pa lang naman ako nakakapunta dito, nung nag-enroll kami. Jusko, sobrang laki pala ng school na 'to! Kaligaw-ligaw!

After 123456789 years, nakarating rin ako sa dormitory building. Parang condo na 7 floors lang!

"Hi! Ikaw yung bago naming roommate?" Bungad sakin ng isang babae.

"Ah eh, oo yata. Hehehe," nag-yata ako, malay mo mali ako ng room number. Pero hindi, tama naman yung room number. So roommate nga niya ako. Hehehe.

May kalakihan rin ang mga rooms ng dorm ng dorm dito. Hindi kasi 'to basta-bastang dorm. Sa buong taon, dito kami titira at dalawang beses lang kami makakauwi sa mga bahay namin. Semestral break at christmas break.

May sarili kaming banyo at may sari-sarili pa kaming cabinet. Meron na ring mini kitchen, pero kumpleto naman sa mga gamit. Meron ring tv, dvd player, at sofa. Meron ring 2 malaking double bed. All in one na talaga.

Jusme, elite na elite talaga! Mabuti nalang at mayaman si mom at dad! Hihihi.

"Dianne nga pala! Ayun," tinuro niya yung babaeng nakahiga sa top bunk ng bed sa tabi ng bintana na nagbabasa ng libro, "si Jianna yun. Ikaw?"

"Claire. Claire Delos Santos." Pagpapakilala ko.

Pagkatapos niya kong tulungan mag-ayos ng gamit ko, niyaya niya ako na mag-ikot ikot sa buong campus. 4:30 palang naman, so maliwanag pa kaya pumayag ako.

"Jian, sama ka?" Tanong ni Dianne kay Jianna na hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin ng libro sa kama niya.

Umiling lang si Jianna so umalis na kami.

"Ang sungit naman nun," sabi ko kay Dianne paglabas namin ng kwarto.

Tumawa naman siya, "Hindi yun masungit. Ganun lang talaga siya sa mga strangers. Hayaan mo, masasanay rin kayo sa isa't-isa," pagsisiguro niya sakin.

Maggagabi na nang makabalik kami sa room namin. Ang laki naman kasi ng school na 'to! Elite na elite eh! Sobrang kumpleto na ng facilities and such. May mini mall nga rin dito since hindi kami pwedeng lumabas ng campus eh. Hayy, pwede na ko tumira dito forever!

3:39Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon