Chapter Four

18 1 0
                                    

NEW FRIENDS.


Ariega's POV

Aaminin kong nagagandahan ako sa kanya, tss. Maganda naman talaga sya.



Tumayo ako. "Ah yes..Nice to meet you" mahinang bati ko pero sapat na para marinig nya, pagkatapos umupo narin ako.



Nginitian nya lang ako tas may inannounce pa sya tungkol sa nalalapit na acquaintance party. Bat ngayon lang sila mag a acquaintance party ? E August na, ang weird "Okay, you may go for lunch break. class dismiss"



Bigla naman syang pumunta sa table ko.



"Come on Ariega, libre kita!" Nakangiting usal nya sabay higit sa kamay ko.



"W-wait! Y-yung gamit ko!" Utal utal kong sabi.



Mabilis ko namang kinuha yung gamit ko at sumunod sa kanya.



***



Pagdating namin sa canteen madami ng istudanyante, sabay kaming pumunta sa counter.



"Ano gusto mo?" Nakangiting tanong nya.



"Umm? Burger steak nalang" nakangiting usal ko. Mygaad! Heaven to! Puro nako libreee!



"Drinks?"



"I- iced tea" nahihiyang sagot ko.



"Okay." Nakangiting sabi nya sabay baling sa counter. "Mmm. Dalawang burger steak nga ate and iced tea dalawa den and mmm. Brownies with chocolate syrup, dalawa din non."



"Okay maam, i'll repeat. Two burger steak, two iced tea and two brownies with chocolate syrup" paguulit nung cashier. "Maam, what size of your drinks?"



"Large mo na te" sabi ni Ms. Kimberly.



"Okay maam, we'll serve in a minutes. Here's your Card."



"Okay thank you" nakangiting usal ni ms. Kimberly.



"Tara don tayo" sabi sabay turo sa bakanteng upuan at table sa di kalayuan.



Habang naglalakad kami papunta sa uupuan namin naisip ko lang na grabe pala tong school ni Lawrence ang sosyal! Yung canteen nila may pag ganon pang nalalaman parang fastfood e tas di mo na kailangan hintayin yung order mo kasi sila na mag seserve sa table nyo ang chuchaaaal!!



Nung pag kaupo namin. Napatitig ako sa mukha nya. Hindi dahil sa maganda sya, may kahawig sya. Familiar sya sakin.



"Oy, Ariega pano mo ba nakilala si Lawrence?" Nagulat ako sa biglang pagtanong nya.



"Ang hirap mag kwento pero magkasama kasi k-kami sa iisang bahay." Nahihiyang sabi ko.

Different GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon