Classroom 2

0 0 0
                                    


Natapos ang song at saktong dumating naman ang aming guro para sa isa pa naming major subject which is Tourism Management.

By the way isa po akong HRM student at siya rin ay isang HRM at classmate ko siya ngayon sa lahat ng majors ko at minors lang ang hindi.

Bago mag discuss ang prof inayos nag seating arrangement namin which is di sinang ayunan ng karamihan kaya maraming nagrereklamo kaya nag iingay ang klase.

Ako tahimik lang na nakaupo sa aking upuuan katabi si Paul ng bigla siyang nagsalita.

"Hindi na tayo magkatabi niyan. Guzman ako tapos ikaw sa dulo kasi Vasquez" sabi niya sakin.

Hinarap ko siya "Ok lang yan ano ka ba nasa iisang room parin naman tayo tapos sa likod lang naman ako at magkakaroon ka na ng bagong friends ayaw mo yun?" sabi ko kahit mejo nalulungkot na din ako.

Nasanay na kasi akong siya ang katabi ko at siya lang din ang ka-close ko sa klase kasi di naman ako pala kaibigang tao. Kaya nakaramdam ako ng sobrang lungkot.

"Okay class ilalagay ko na kayo sa respective chairs niyo kaya keep quiet"

Tumayo kami at pumunta sa likod upang ma-arrange na kami.

Nung nasa likuran na kami bigla niya nalang akong inakbayan sabay bulong ng "magkaroon man ako ng bagong friends ikaw parin yung nag iisa dito oh" sabay turo niya sa puso niya ng nakangiti.

Biglang kumabog ang puso ko ng sobrang lakas dahil sa ginawa niyang pag akbay at higit sa lahat sa sinabi niyang yon.

I didn't expect na sasabihin niya yun kaya natulala ako at hindi ko namalayang nakaupo na pala siya at ako nalang ang hindi nakaupo.

Masyadong na-okyopa ang isip ko sa mga sinabi niya at ginawa niya kayat hindi ko na namalayan ang mga nangyari.

Kung hindi na ako kinalabit ng klasmate kong magiging katabi ko hindi na ako magigising sa ulirat.

Gosshhh! Paul ano tong ginagawa mo sa sistema ko? Bakit ko nararamdaman ko gayong di pa naman kita ganun kakilala.

First time to sa tanang buhay ko na mangyari kaya hindi ko alam ang gagawin. Papatayin ba o hahayaan nalang?

Kung ano man to sana hindi ako masaktan at luhaan sa bandang huli.

Love At First SightWhere stories live. Discover now