Future Princess

500 6 2
                                    


Kathleen's PoV

"Alam nyo ba , na mga gwapo talaga ang taga bhutin.."sabi ni papa.. Okay na sana pero...

"Lalo na ako"dugtong pa ni papa.. Hayss kalokohan. Kung bhutinian sya .. Hindi kami nanghihirap ngayon..

"Alam nyo ba na kalahating bhutinian ako ang Lolo nyo ang matalik na kaibigan ng Hari ng bhutin dati?"dugtong pa ni papa..

"At talaga namang napaka gwapo ko" dugtong pa ni papa. Hayyss ansaket sa tenga!!

Patuloy lang sa agkekwento si papa at tahimik naman kaminf nakiking sa di kapanipaniwalang kwento niya.

"alam niyo ba ang lolo niyo?" itinuro ni papa ang picture frame ni lolo na naka formal suit na ewan? Para siya yung namumuno ng isang hukbo ganon!..

"Nagtrabaho siya don bilang isang bodyguard ng hari ng bhutin.... At talaga namang masasabi kong napaka halaga ng tao ng lolo niyo sa bhutin" sa kwento ni papa, gusto niya talaga kaming maniwala sa kanya. Sobrang convincing ng words niya, kaso..

Kung may katotohanan nga iyon, bakit wala kaming nagkikintabang ginto, nagmamahalang gamit at naglalakihang bahay.. Hayysss.

"Kung iyan ang sabi mo pa" walang ganang sagot ko kay papa,

"Ehh Pa, kung Talaga namang napaka halagang tao siya...."  hinarap ko si papa at nginusuan ng mapangasar sabay sabing "Hanggang ngayon Bakit mahirap parin tayo?"pang-asar na tono sa sinabi ko.. May bhutinian ba na mahirap??

"wala din akong nakiking kamag-anak natin na taga bhutin pa" pagsang ayon pa ng kapatid kong si alan.

"Bakit.. Nagmamasahe lang tayo dito??" dagdag ko pa.

"TOTOO ANG SINASABI KO"  pagmatigas pa ni papa, hayyss.. Napahilamos sa mukha si mama at umayos ng upo, gaya siguro namin ay hindi siya naniniwala.

"Ah basta! Bahala kayo" umayos si papa ng pahkakaupo at inayos ang kanyang mga gamit sa pagmamasahe. "Aayusing ko na lamang ang pangmasahe ko." kasama na dun yung inimbento niyang oil.

"Aishhh, kailangang magtrabaho" dagdag pa nito, napagod ata samin kaka explain dahil hindi kami naniniwala sa kanya.

"haaaay, Ikaw naman oh" umeksana ang mama ko, sa malambing na pag tawag kay papa.
"Sa tuwing pinaguusapan natin ang bhutin, palagi nalang umiinit iyang ulo mo" dugtong pa ni mama at lumapit bahagya kay papa. Gamit ang dalawang kamay na pinagdikit niya. Ngumiti ito ng mapang asar at inilapit ang mukha kay papa.

"hindi sumasama ang loob ko. Dahil yun naman ang totoo" pagpipilit pa ni papa.

"Wushoooooo!! Tagala ba??" pangaasar pa ni mama. Hahahaha, ganyang nga mama, asarin natin si papa.

"OO!"

"wushooooOoo!!"


*******

HARING THEO'S POV

"yung pamilya ng dating bodyguard ng mahal na hari ay... Narito parin sa bhutin, pero ang sabi nung una sabi ay wala silang apo na kasing edad ng mahal na prinsipe" mahabang pahayag na nakapalungkot sa nararamdaman ko.. Batid kong nais ko lamang tuparin ang pangako na iniwan, ngunit paano kung ganto??

"mmm...kung ganon ay... Hindi matutuloy ang kasal, meron pabang paraan para mabayaran namin ang utang na loob namin sa kanila??"
Tanong ko.

"Meron po kaming natuklasan" panimulang salita niya.

"May anak na lalaki ang dating body guard, pero umalis sa kanya nung nag teenager na siya... Nagbukas siya ng negosyo na tradisyonal na pagmamasahe at..." patuloy pa nito.

"at meron po aiyang anak na kasin'edad ng mahal na prinsipe" matapos ang pagpapaliwanag, binuklat nito ang isang bagay na naglalaman ng larawan binigay niya sakin iyon at tinanggap ko. Ang aking kuryusidad ay lumitaw at gustong malaman kung sino iyon.

Isang babaeng may angking ganda...

Disente at mukhang mapagkakatiwalaan..

Hmmm....

Nakangiti akong ibinalik sa kausap ang aking atensyon.

"kung ganon.. Ang dalagang ito ang mapapangasawa ni Prince Ian" tatango-tango pang mungkahi ko.

"Ayos lang po kung hindi ninyo po siya kilalanin, dahil hindi naman ginagamit ng anak ng dating body guard ang tunay na apelyido niya... Kung kalilimutan na lamang natin ito ay.. Walang makakapansin" Suhestyon niya.

Napaisip naman ako ng malalim at sandaling sandali lamang at ibinalik ang atensyon sa kausap ko.

"anong gagawin mo kung... Ako ay Ikaw?"

"Pasensya napo Mahal na hari" yumuko ito t bakas sa pananalita ang pagpapaumanhin nito, bagamat naguguluhan ay sinagot parin ako

"pero kung ako po... Tutuparin ko po ang ipinangako" sa wakas ay nalaman kong tama rin ang desisyon ko. Iniisip ko lang rin ang mararanas ng aking dinastiya kung wala na ako. Kailangang masanay si Ian sa pagdedesisyon at pagsasakripisyo lalo na ang pagkilos bilang kagalang-galang na hari.

"masaya ako na.. Ikaw ang kasama ko magpatakbo ng bansa" nakangiti at mula sa puso kong pagpapasalamat.

*BOW*

Yumuko ito bilang respeto. At ibinaling ko naman sa aking sekretarya ang paningin..

"Sekretarya.. Ikaw na ang bahalang magsabi sa pamilyng ito" may bahid ng paguutos na sabi ko at isenenyas ang picture ng nasabing mapapangasawa ni Ian.

"Opo mahal na Hari" yumuko ito bilang tanda ulit ng respeto.. Masaya ako sa desisyon ko. At yun lang ang nasa isip ko.


********

PRINCE IAN'S POV

Mula sa kung saan ay nagtungo ako papasok sa lugar sa mansyon kung saan naghihintay ang aking pinakamamahak na lola, kasama ang isang tagapagsilbi na nakaluhod mula sa harapan niya.

Yumuko ako at tinawag ang aking lola.

"Kamahalan..."malumanay kong pagsasalita.

"a-anong kamahalan haha." nakangiti at may kaunting pagtawa na mungkahi ni lola.

Ngumiti rin naman ako at yumuko muli

"Lola" paguutos sakin ni lola.

"lola" pagsunod ko.

"Maupo ka" utos ulit ni lola.

"opo"

Nang makaupo na ako ay nagutos si lola sa kanyang tagapagsilbi.

"Dalhin mo dito ang Pagkaing inihanda ko para sa apo ko" malumanay na tinignan ni lola ang kanyang tagapagsilbi.

Nung yumuko ito at umalis, naramdaman ko na ang gustong sabihin sakin ng aking lola.


--------------->>>>>>>ToBeContinued
















"

Princess Hours💟👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon