"Andito naba 'yung bago mong estudyante Mr. Hades?"
"Wala pa. Maaga pa naman kaya hindi imposibleng wala pang masyadong estudyante."
"Ah sige! Gusto ko siyang makilala pag dating niya dito"
ON the other side of the world.
*sigh*
Hindi ko inasahan na ganito pala ka aga pasok namin. Napaka wrong choice na hindi ko binasa 'yung binigay saking sched ng guidance councilor nung nag pa-enroll ako. Hindi ako sanay sa ganto ka-aga lalo na't lagi akong puyat dahil sa mga online games.
*loonnngggg siiiiiiggggghhhh*Siya nga pala ako nga pala si---
'Kilala kana nila!'
Luh? Weh?
'Oo nga putek!'
Ba't 'di mo ko ininform?!
'Kelangan pa ba 'yun?'
Oo putek! 'Wag na nga! Nevermind na!
BALIK tayo sa kwento. Nag lalakad ako ng mapayapa sa daan papunta sa school namin. Medyo madilim pa naman kaya 'di ako masyadong nag mamadali at saka! Inaantok pako! Masyado akong napuyat kagabi kaka-Mobile Legends! Pero Legend naman nako eh!
Sa kalagitnaan ng paglalakad. Nakakita ako ng grupo ng mga tao hindi kalayuan sa akin. Dahil medyo madilim hindi ko ito masyadong makita kaya lumapit pako ng konti. Nakita ko na grupo sila ng mga lalaki tila nag kakasiyahan lang sila kaya hindi nako masyadong nag abalang obserbahan pa sila ng matagal. Inihakbang ko nalang ang mga paa ko at nag simula nang mag lakad ulit.
Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila nang bigla akong mapatigil sa pag lalakad dahil parang nakarinig ako ng sigaw. Hindi masyadong malinaw ang pag kakarinig ko sa sigaw na'yun kaya inantay ko muli ito baka sakaling malinaw na.
"TULOOOOONNGGG!!!" Nagulat ako nang muli ko itong marinig. Sa pag kakataong ito malakas at malinaw ko nang narinig ang sigaw. Sigaw. SIGAW NG ISANG BABAE!
Mabilis akong napalingon sa direksyon kung nasaan ang mga lalaki kanina. Nanlaki ang mata ko nang makitang may nag kakaisang babaeng napapagitnaan ng mga lalaki. Hawak hawak nila ang kamay ng babaemg pilit nag pupumiglas. Tutulong bako? Baka pati ako madamay? Pero. Pero kelangan kong tumulong! Hindi pwedeng manuod lang ako habang may isang taong napapahamak, lalo na't babae.
Mabilis akong tumakbo pabalik papunta sa grupo ng mga lalaki. Agad kong hinubad ang bag ko at buong pwersang ibinato 'yun sa lalaking may hawak sa babae. AND BOOM! SAPUL! Natumba ang lalaki dahil sa pag tama ng bag ko sa mukha niya. Andun pa naman lahat ng 10 libro ko kaya siguradong bagsak siya.
"Sino may gawa 'nun?!" Galit na tanong ng isa pang lalaki na tila lider nila. Palingon lingon sila para hanapin kung sino ang bumato hanggang sa napatingin sila sa akin. "IKAW! IKAW ANG MAY GAWA NON!" Sinubukan kong tumanggi pero 'di sila naniwala gawa narin na ako lang ang nakikita nilang ibang tao sa paligid.
No choice na ako. Ang aga aga naman trouble agad. "Sigeee! Sumugod kayo. Kahit sabay sabay pa!" Lakas loob ko silang hinamon. Ba't ako matatakot? Lakas lakas ko makipag laban eh. Unang sumugod sakin ang lider nila at nag pakawala ng suntok. Whooosshh~ sablay. "Ang bagal mo naman sumuntok" pag mamayabang ko dahil walang kahirap hirap kong naiwasan suntok niya. Naiinis na siya! Haha lol!
Sa pag kakataong ito lahat na sila ay sabay sabay na sumugod at nag pakawala ng suntok. Ngunit ako? Eto pasipol sipol lang habang iniiwasan ang mga suntok nila. 'Yan naba lahat ng kaya nila? Sabi nga ni Saber "too slow".
Mukhang napagod na sila kaya napatigil na sila sa pag atake sakin. "Tapos na ba kayo? Kung ganon ako naman!" Ngumisi ako bago sumugod ng mabilis sa kanila. Para akong isang ninja na mabilis silang napatumba lahat sa isang iglap. Napa-pagpag ako ng kamay "Tapos na! Bagsak na sila. Ang dali naman 'non." Ngumisi ako.
YOU ARE READING
In My Hands
FantasyOur Main Character is just a simple school boy. May Normal na pamumuhay hanggang sa biglang mag bago ang kapalaran niya nang dahil sa isang pangyayari. Maraming bagay sa mundo ang kelangan niyang baguhin. Kelangan niyang itama. Can he change the wor...