"Alisa!!! "
Hay naku, lakas talaga ng bunganga nito ni Shine. Sya ang bff ko. Kalog din pero weak. Mabilis umiyak and madalas ma broken heart. Di ko alam kung dahil malas lang sya sa love, or mabilis lang sya ma-fall or may pagka tanga din kagaya ko.
Lumapit sya sa akin habang pinapakita ang isang post sa fb.
526k Likes. Name ng page: My Favorite Girl
May isang post dun: 1.3M share, 1M reactions. and 2M comments
Legit na Trending.
"Grabe naman yan shine, anong page to? Kelan pa to? Bakit di ko alam?! "
Parehas kami ni shine na updated sa mga trending sa social media. Kung si mudrabells ko eh no.1 kong basher, si Shine ang no. 1 ko namang supporter. All out support sya sa pag create ko ng mga page, pagstalk sa mga youtubers na sikat, mga blogs, at syempre sa paggawa ko mga Vlogs.
"As in grabe nga talaga sis, knowing na, 3days pa lang tong page na to tapos ganyan kaagad ang followers nya.. "
Binuksan ko cp ko. Conan mode ang ate nyo. Sinearch ko lahat ng post na related sa page na yun and sa mga trending nya na post and kung bakit naka gain agad sya ng million of followers sa maikling panahon. Tahimik na kami parehas ni Shine. Scroll. Click. Search.
And after an hour, therefore I conclude na kaya malakas ang hatak ng page na to eh dahil sa pagiging misteryoso ng creator. Ang mukha nya is half face lang ang kita na sobrang dilim pa plus may sombrero and face mask. Pero mukhang gwapo. Artistahin. Matangkad. Black and white ang pic kaya di malaman kung maputi sya or hindi.
Plus, ang page is about sa mga activities ng favorite girl nya na mystery din. Parang lumabas na stalker sya kay girl and super like nya eto. Si girl walang kaalam alam na may isang sikat na page na about na pala sa kanya. Mukhang simple and average lang si girl. Pero mukhang high profile si creator ng page. Abangers ang netizen kung hanggang saan hahantong ang love story nila.
"Oh Em Geee, ang swerte naman ni ate girl bes.. sana ako na lang sya.. " - with matching hawak pa sa dibdib ang bestfriend kung nagdaydream na naman
"Ang swerte ni ZM (eto ang code name na ginamit nu creator ng page) , boom kagad ang page nya, walang ka effort effort. Mukhang nag eenjoy lang sya. Magkano na kaya kinikita nito? "
Buti pa sya, samantalang ako, nilalangaw channel ko sa youtube. Tapos yung ginawa ko na page di pa lumagpas sa 100 ang likes and shares. Super reasearch na nga ako sa ipopost ko.
"Look bes.." si Shine ulet. "May mga nagsasabi na si Angelo Marcus daw ang creator ng page tapos ang mystery girl is si Kyra Elize."
Mga sikat na Teen Star ang binabanggit ni Shine. Super famous ang magkalove team na sila Kyra and Angelo dahil sa mga blockbuster na movie nila recently.
Pero bakit pa gagawa ng ganung page si Angelo? Bakit pa nya istalk si Kyra? Eh baka nga mag-on na talaga yung dalawa, di lang umaamin. Very sweet sila on-cam and kahit off-cam based sa mga kumakalat na stolen shots of them. Marketing strategy pa din? Or baka mga handler nila ang nagcreate nito. Magagamit nila for future projects ang revelation if ever.
Tsk! Boring naman if ganun.
Walang thrill.
What if hindi? Paano kung isang commoner lang talaga si mystery guy, same with her favorite girl? Naiintriga naman ako masyado dito kay "ZM". Pero parang gusto ko pagalitan ang heart ko. May part na nagsasabing: swerte nga ni "favorite girl" sana ako na lang sya..
Hay Alisa, cut that crap! Ang goal mo is yumaman, hindi ang lumandi! Sabay kaltok sa ulo.
Di nya alam, isang pares ng mata ang kanina pa nanonood sa kanya.
At isang pigil na ngiti na bahagyang nagpalabas sa cute na pares ng dimple.
YOU ARE READING
Alisa's Story
FanfictionEvery girl's dream: Makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng maayos na trabaho. Magkaroon ng kotse, magandang bahay at higit sa lahat makapag asawa ng guy na magmamatch sa "Mr Dream Guy" na meron ng mga traits and looks na binuo nya sa utak nya. Nabuo s...