Pressured 7

37 4 0
                                    

-----

"Uy,Rhia!Meron daw tayong groupings,ikaw na lang leader."

Tumingin ako sa kaklase kong nagbalita sa akin.HIndi naman na niya kailangang sabihin,nando'n din naman ako no'ng in-announce.

"Ayoko.Leader na ako sa ibang group sa ibang subject."Pagtanggi ko.Mahirap na baka magkasabay-sabay pa sila.

"Eh,sino naman?Si Hopia?Alam mo namang walang maasahan do'n."

Uy,ano ka ba...meron pa,hingi ka liptint meron siya laging dala.

"Ayoko."

"Dali na--"

"Iyaaaaa!!"Napalingon ako sa kung sino ang tumatawag,inayos ko ang suot kong eyeglass para makita ko ng maayos.

"Uy,Carl!"Bati sa kaniya ng kaklase kong kinukulit ako.

"Tara,Kain na tayo."Yaya niya sa akin.

"Teka lang!"

Hindi na namin pinansin ang kaklase naming kinukulit ako.Ayoko naman kasi eh,lagi na lang ako pinipilit.

"Nga pala,malapit na opening ng panibagong program sa school ah?"

"Oo nga."Sagot ko sa kaniya,naglalakad na kami ngayon patungo sa canteen.

"Sasayaw kayo?"

"Malamang,wala namang program na hindi kami nag-perform eh."

Totoo naman,Once Dance is always connected to every program.Kaya kahit anong ganap sa University,asahan mong may intermission kami.

As usual,gano'n pa rin ang ginawa namin.Kumain.Actually,hindi pa naman namin vacant time ngayon,but since walang teacher..sulitin na lang.

"'Yung groupings pala na sinasabi ni Ben kanina,magka-grupo tayo don."Sabi ni Carl habang kumakain.

Tumango lang ako sa kaniya."Walang sawang groupings."

"Hayyyy,sinabi mo pa!Hindi na nga ako nakanood kagabi ng isang episode man lang ng pinapanood kong Drama eh!"

Nako 'tong lalaki'ng to.Mas adik pa sa akin pagdating sa Kdrama eh.

Magka-grupo naman pala kaming dalawa.Meron akong excuse kay mama para makalabas.KAsi for sure,hindi ako papayagan ni mama lumabas for groupings kapag wala siyang kakilala sa grupo ko.

"Nakakasawa na pagkain dito sa canteen,"sabi ko sa kaniya."Magbabaon na lang ako bukas."

Wala,sinabi ko lang sa kaniya.Pero ang totoo?Palusot lang 'yon,simula kasi ng dumating si Mama at Kuya kina Lola,bumaba na 'yung binibigay ni Mama na baon sa akin.

Meron namang ready to eat foods sa bahay iyon na lang babaunin ko kaysa gumastos sa gigintuing school na ito.

"Ako na lang magpapaalam kay tita para sa'yo."

Ilang segundo ako natigilan sa sinabi niya.Hay nako.Nako talaga Carl!

Ikaw ba naman sabihan ng crush mo ng gano'n,hindi ka kiligin?

------

Pagkauwi ko,kasama ko si Carl at tinotoo niya ngang siya ang magpapaalam para sa akin.

Syempre,fake mode:on si Mama at Kuya.They welcome Carl warmfully.Parang napaka-normal na gawain lang ng isang normal na pamilya ang pagtanggap ng bisita.

They wear their fake smiles while talking to him.

Napabuntong hininga na lang ako at  napahiga sa kama ko.Nakauwi na si Carl,kahahatid ko lang sa labasan.

PressuredWhere stories live. Discover now