CHAPTER 25: ANOTHER KIND OF MONSTER

2.2K 100 8
                                    

ELOJAH

"AAAHHH!"

Hind ko napigilan ang tiling kumawala sa bibig ko nang bigla na lang akong sunggaban nito. Mabuti na lang at mabilis si Harvey kaya nahila niya ako pagilid.

Sabay kaming natumba sa sahig sa lakas ng pwersang ginamit niya. Kalahati ng katawan ko ay dumagan sa kanya.

"Damn! Aray," reklamo niya.

"Sorry!"

Agad akong umalis sa ibabaw niya.

Lumingon ako sa zombie at napatili na naman ako dahil aatakehin na naman sana ako nito. Pero bago pa mangyari 'yon ay sumirit na ang malakas nitong dugo at tumalsik sa mukha ko nang pugutan ito ni Harvey ng ulo gamit ang katana. Gumulong ang pugot nitong ulo sa sahig.

Naibagsak ko na lang ang nanginginig kong kamay sa sahig dahil sa takot at panghihina.

That was close.

"Elojah, are you okay?"

Mabilis na nakalapit sa akin si Harvey.

Tulalang napatingin ako sa kanya.

Nangunot ang noo niya nang hindi ako magsalita. "Elojah! Nakagat ka ba?"

Niyugyog niya ang balikat ko kaya nahimasmasan ako.

"O-Okay lang ako. Hindi ako nakagat."

"Thank God! I thought I'm gonna lose another member again on my watch."

Nabigla ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Itutulak ko na sana siya pero siya na rin ang unang kumalas.

Tumayo siya at iniabot ang kamay sa akin. "Let's go. Puntahan na natin sila Marga."

Inabot ko naman ang kamay niya at tumayo.

"What happened?!"

Halos sabay kaming napalingon kila Zephyr at Marga nang humahangos silang dumating. Dumako ang tingin ni Marga sa gilid namin.

"Oh my gosh," nanlalaki ang mga matang sabi niya nang makita ang pugot na ulo ng zombie.

Mabilis siyang lumapit sa akin. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako. "I'm fine."

"Nakuha niyo na ba lahat ng kailangan?" tanong ni Harvey kila Zephyr.

Tumango si Zephyr.

"Good. Tara na," sabi ni Harvey.

"Wait," awat ko.

Mabilis kong tinapos ang pagkuha sa ibang mga pagkain.

"Let's go," sabi ko nang makuha ko na lahat ng kailangan ko.

Mas naging cautious na ako sa paligid. Sobra-sobra pa rin ang kaba ko hanggang ngayon. Hindi pa rin mawala ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Umakyat na ulit kami sa first floor.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. It was clear.

"I'll check the surroundings outside," sabi ni Harvey. Palingon-lingon siya sa paligid hanggang sa makarating na siya sa may entrance ng mall.

Sumilip siya sa labas. Pagkatapos ay sumenyas siya sa amin na lumapit nang makita niyang okay na.

"We have to find a firearm store. Do you know one near this area?" tanong niya sa amin.

"May alam ako," sagot ni Zephyr.

Tumango si Harvey. "Good. Gaano kalayo rito sa tingin mo?"

Hindi agad sumagot si Zephyr para siguro isipin kung gaano kalayo.

The Plague: Rotten Flesh (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon