Chap 4

727 17 2
                                    

                           Chap 4

My POV

Sila Jessey at Riri nalang ang hinihintay ng lahat para kumain kaya pinuntahan ito ni Mela sa kwarto.

Pagka bukas niya sa pinto tumambad sa kanyang harapan ang dalawa na magka yakap. Ahem! Ahem! Nilalanggam ako sa ka sweetan niyo ha?

Riri's POV

Pababa na kami ng hagdan at sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero hinatak niya agad ito pabalik sa kanya.

Bakit ba kasi ayaw niya pa ako sagutin. Pakipot epek pa eh halata namang gusto din ako haha! Joke.

Magkatabi kami ni Jessey ng upuan nakita kong umilaw yung phone niya at may message galing kay 'Bf Mika <3'.

Sino yung Bf Mika? BF?! As in boyfriend?!! Whatda! Tas may pa heart heart pa. Ouch sana naman po mali yung iniisip ko.

Nakita kong panay reply si Jessey dun sa nag txt sa kanya at ma pa ngiti ngiti pa siya na para bang kinikilig.

Tapos na kaming kumain. Parang gusto ko lumabas ngayon.

*lakad papuntang pinto*

"Oh Ri san ka?" mela

"Ah jan lang po sa labas ate Mela magpapahangin lang." walang buhay kong sabi

*labas*

Jessey's POV

"Anyare don?" mela sabay nguso kay Riri na palabas ng kwarto

"Anyare san?"

"Anong nangyare kay Riri! Baket biglang tumamblay yun?"

Oo nga no baket kaya? Pindot ulit sa phone ko.

"Sundan mo na yun! Baka ano pang gawin!"

"Ha? Baket ako?"

"Alangan ako?! Nagtatampo sayo yun!"

"Bakit naman? Ano bang ginawa ko?"

"Nakita kong panay ang tingin niya sayo habang nag t-txt ka tapos parang kilig na kilig ka! Sino ba katxt mo kanina?"

"Kilig na kilig? Hindi ah! Ah yun ba si Miks lang naman yun. Teka sundan ko lang yung baliw na yun ah?"

"Miks? Si Mika ba? Yung nakita natin sa mall nung isang araw?"

"Yup! Sige labas muna ako sundan ko lang yun."

Lumabas ako ng room para hanapin si Riri. At ayun! Nakahiga sa isang bench nakatingin sa langit at parang anlalim ng iniisip.

Lumapit ako sa kanya.

"Hoy. Anong drama mo?" nakapamewang at nakataas ang isang kilay ko

"Ate Jessey? Anong ginagawa mo dito?" tumingin lang ng saglit sakin tapos tumingin ulit siya sa langit

Hindi ba obvious? Sinundan po kita. "Sagutin ba naman ang tanong ko ng isa pang tanong?!"

"Ay sorry. Nagpapahangin lang po."

"Yun nga lang ba? Umupo ka nga at uupo din ako." sinunod niya naman ako

"Ano bang problema Riri?"

"Wala naman akong problema ah?"

"Sabihin mo na kasi biliiiis!!! Ano ba yun? Hindi ako sanay ng ganyan ka sa akin."

Secret Love (JeRia, KaRa, FaTunay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon