Chapter 9

2.7K 65 0
                                    





Parang walang epekto ang payong sa sobrang init ng panahon ngayon. Pag baba namin ng tricycle nag lakad pa kami ni Becky papunta sa kainan dito kung saan nandoon si Pipoy.

"Grabe! Hindi ko pa nakikita ang jowa ko ang asim ko na feel ko." Nangangasim ang mukha ni Becky nang pasimple niyang amuyin ang kilikili niya. Natawa ako rito bago ko siya hampasin sa braso.

Tanaw na namin sa labas si Pipoy na nakaupo sa loob ng kainan. Buti na lang at naka aircon sa loob kung kaya hindi kami maiinitan habang kumakain. Bago lang ang kainan na ito kaya naisipan ni Becky at Pipoy na dito mag date. At syempre kasama pa rin ako dahil ako ang pambansang third wheel ng tandem na ito.

Nang makapasok ay agad akong binitawan ni Becky bago tumakbo sa tabi ng nobyo niya. Naiiling na lang ako habang tinitiklop ang payong at na upo na sa harap nilang dalawa. Tinignan ko ang kabuoan ng restaurant. Mukhang pang mayaman ang resto na ito!

Ilang saglit pa ay may dumating na staff sa table namin para bigyan kami ng menu. Agad naman namin itong tinanggap bago tumingin na ng kakainin.

"Ano kayang masarap kainin?" Bulong ko sa sarili. Iba't-ibang steak ang na sa menu ng kainan na 'to. Ang mamahal din. Mabuti na lang at binigyan ako ng extra pera ni nanay at tatay dahil nakarami sila ng benta kahapon kaya afford ko kahit papaano. Pero mahal pa rin.

"Mahal, anong gusto mong kainin?" Malanding tanong ni Becky kay Pipoy habang nakalingkis ang mga kamay nito sa kanang braso ng nobyo. Napa buntong hininga na lang ako sa asar. Ngumiti naman si Pipoy bago tinuro ang gusto niya.

"Ate isa nga nito. Atsaka ito pa." Turo rin ni Becky sa menu. Pumili na rin ako bago sabihin ang order ko sa lalaki. Ngumiti ito sa'kin bago umalis.

Muli kong pinag masdan ang kainan. Merong mga larawan na nakapaskil sa dingding kaya tinitigan ko 'yon... sa isang picture na nakadikit sa dingding, pansin ko ang isang babae na nakasuot ng chef's suit. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko nakita... parang.. kamukha ni Portia ang babae.

Sa isang larawan naman, merong dalawang batang lalaki at batang babae na may hawak na beef broccoli. Lalong kumunot ang noo ko. Kamukha ni Portia at Drew!

Lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong boses sa may likuran ko.

"Mom... I told you I'm busy with my thesis. Bakit hindi si Porsh ang sinama mo? Wala namang ginagawa 'yun kung hindi mag pa cute!" Mahabang rant ni Drew sa katabi niyang babae. Teka... siya yung babae sa picture ha! Sabi ko na kaya pamilyar. Siya pala si Cecile Salazar! Ang nanay ni Drew at Portia.

Marahang kinurot ng babae si Drew sa tagiliran bago pinanlakihan ng mata ang anak. Ngumuso lang si Drew bago umiling.

"Drew! Marinig ka ng mga guests! Don't talk like that about your sister." Sermon ng nanay niya bago sila nag diretso sa isang maliit na kwarto. Agad akong yumuko bago ko takpan ang mukha ko gamit ang kaliwang kamay para hindi makita ni Drew.

"Hoy, Ana! Kung makapag tago ka naman parang may pinag kakautangan ka." Malakas na sigaw ni Becky na kinalaki ng mata ko. Marahan akong napatingin sa gawi ni Drew na ngayon ay nakatingin na sa gawi ko dahil naagaw ng atensyon niya ang boses ni Becky.

Pinanlakihan ko ng mata si Becky pero parang hindi niya na pick up ang batid kong iparating. Tumawa pa ito bago nakipag landian kay Pipoy. Muli akong napatingin kay Drew na iniwan ang nanay niya bago nag diretso ng lakad sa gawi ko. Napasandal na lamang ako ng maayos bago bumuntong hininga.

"Ana! You're here." Bati sa'kin ni Drew. Ngumiti naman ako rito bago ako napatingin kay Becky at Pipoy na mukhang gulat sa kadarating lang na si Drew.

"Ah, oo. Sinamahan ko lang 'yung kaibigan kong si Becky..." sabi ko rito. Tumingin siya sa kasama ko bago ngumanga at tumango. "Becky, ito nga pala si Drew, kaibigan ko. Drew, ito si Becky at ang boyfriend niyang si Pipoy." Nahihiyang kumaway si Becky at Pipoy kay Drew na malaki ang ngiting ginawad sa dalawa kong kaibigan bago muling bumaling sa'kin.

A Place In This WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon