Once Upon A Summer

84 14 5
                                    

Inilapag ko ang dala kong chocolate at bulaklak sa mesa. Hinampas ko ang kamay niya dahil agad niyang binuksan ang chocolate na para sana sa akin.

I'm the one who brought the chocolate kaya malamang ako lang ang kakain nun.

"Were have you been?" He asked, parang bata. Umupo ako sa kanyang gilid. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

"Umuwi ako ng bahay hinanap kasi ako ni Mama," Sabi ko sabay kuha sa kanyang kamay. Hinaplos-haplos ko ito at nakita ko ang kanyang marahang pagpikit. Patago naman akong napangiti. Ang gwapo niya talaga, kaya mahal na mahal ko itong ugok, e.

"Sana hindi ka nalang muna bumalik dito. You need to sleep, Summer." Inismiran ko siya sa sinabi niya.

Hindi ko kayang hindi siya makita sa isang araw man lang. Naging routine ko narin ang pag punta dito araw-araw at dito na matutulog.

"Huwag ka ngang killjoy diyan, mag pasalamat ka nalang dahil parati akong nandito."

Hindi siya umimik. Wala ata siyang balak kausapin ako. Ito ang ayaw ko sa lahat e, yung kinakausap ko siya pero parang kumakausap lang ako sa hangin.

Hindi ko alam kong ano ang problema niya. Pa iba-iba kasi ang kanyang mood. Minsan magagalit nalang ng walang dahilan at minsan rin bigla-bigla nalang tatawa.

"Summer, please let me go." Basag niya sa katahimikan.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, nakita ko ang pag patak ng kanyang luha sa malambot niyang pisngi. Alam kong gusto niyang pigilan ang kanyang mga taksil na mga luha dahil dumungaw siya ng kaunti pero hindi e, traydor talaga ang mga luha niya.

"No. Why would I? I won't do that. I promise." Pangatwiran ko. Alam kong nasasaktan siya ngayon pero ayoko. Mas masakit kapag papakawalan ko siya. Hindi pa huli ang lahat. Alam kong may pag-asa pa.

"Para rin naman ito sayo, Summer! I'm doing this for you. I don't want you to suffer when I'm gone, so please, do what I said."

Hito na naman kami, pag aawayan na naman namin ito. Sa totoo lang ay sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na ako pero hito, pilit pa rin akong lumalaban. Kaya, bakit ang simple lang sa kanya na sabihin na bitawan ko na siya?


"No. I've been fighting, Jarren. Pagod na ako! Napagod na ako! Nagsawa narin ako! Hindi ko na kaya Jarren pero nakita mo bang sumuko ako ha?! Diba wala! Mahal kita at kaya kitang tiisin! Alam ko rin naman kasi na nandito ka para samahan ako kaya sana man lang, huwag mong sabihin sa akin na pakawalan kita! Lumaban ka, Jarren, dahil pilit ko paring hinahawakan ang relasyon natin na naging malabo na."



Sabay-sabay na tumulo ang luha na kanina pang gustong kumawala sa mata ko. Nangako ako sa sarili ko dati na hindi na muli ako iiyak pero hindi ko pala kaya, iiyak parin pala ako. Ang hina. Ang sakit. Sobrang sakit. Dati ko na siyang pinaglalaban, hindi ko na kayang bumitaw. Maraming dahilan para pwede ko siyang bitiwan at sukuan pero sapat na yung rason na kaming dalawa ay parehong lumalaban.


I will fight him. I'm fighting our relationship dahil alam kong meron pa itong halaga. Alam kong kaya niya kaya kakayanin ko rin!


"No, you don't understand, Summer! Hindi ko to gusto! But...but you need to, we need to. Your fighting pero ayoko na. Hindi ko na kaya Summer. Nahihirapan na ako!"


Hindi ako nakapagsalita. Dahan-dahang bumababa taas ang kanyang balikat. Nag iwas ako ng tingin, hindi ko kayang makita siyang luhaan.

"I will still fight." Sabi ko at agad lumabas.

Once Upon A SummerWhere stories live. Discover now