SCENE #4: ONLINE ADVISER-PART 1

731 18 1
                                    

Umagang umaga habang busy si Senyora na nang aapi ng alipin biglang tumawag ang kanyang Amiga na si Donya Barbara.

Donya Barbara: ¡Hola, amiga! Busy ka ba?

Senyora: Barbara, magtigil ka! Ang katulad kong maganda laging busy. Ano bang kailangan mo at tumawag ka? Huwag mong sabihing gusto mo ng corn beef? Naghihirap ka na ba kaya hindi mo na afford ang Highlands?

Donya Barbara: Amiga, mayaman pa rin ako pero lamang ka lang ng isang lata ng SPAM. Bueno, gusto ko lang naman itanong kung gusto mong maging online adviser. Naka-sick leave kasi ang empleyado ko na dapat gumagawa noon. Baka lang naman gusto mo.

Napataas ang kilay ni Senyora sa narinig.

Senyora: Anong online adviser ang pinagsasabi mo, Barbara? 

Donya Barbara: Mga sumasagot ng katanungan thru online. May magme-message sa facebook page at sasagutin mo ang mga katanungan nila. Ano sa tingin mo?

Napaisip ang Senyora at biglang ngumiti ng nakakakilabot.

Senyora: Sige, alam mo naman na ang talent fee ko. 1 million pesos.

Donya Barbara: Grabe ka talaga Angelica. Mas mataas pa ang ibabayad ko sayo kesa sa empleyado ko. Bueno, pumapayag na ako. Ime-message ko na lang sayo ang link. Pakiusap, subukan mong itago muna ang kamalditahan mo.

Senyora: Hindi ko susubukan. Depende sa tangang tanong nila. 

Binaba na ni Senyora ang tawag at inutusan ang mga alipin niya na dalhin ang computer set sa 5th floor ng mansion niya na hindi sasakay sa elevator.

Pagkarating niya sa 5th floor, wala pa doon ang computer set niya. Biglang dumating na din ang mga alipin niya.

Senyora: Bakit ang babagal ninyo? Pinapakain kayo ng corn beef pero mga wala kayong silbi. Shoo! Lumayas kayo sa harapan ko bago magdilim ang paningin ko sa madilim ninyong kili kili!

Nagsialisan na din ang mga alipin niya nang maiayos ang computer set niya. Dali dali niyang in-open at binuksan ang link na binigay sa kanya ni Donya Barbara. Sunod sunod na dumating ang mga messages ng mga humihingi ng advice. Napataas ang kilay niya dahil kita niyang may mga jejemon ang pagkakatype.

valleygal: Gusto ko po sanang matutong mag VALLEY. Nakakapayat po ba iyon?

Senyora's answer(SA): Baka gusto mo maging anyong lupa at gawin kitang LAMBAK? Puro kalandian kasi ang inuuna. Pwe!

acKhouBoSs: Bagay po kaya sa akin ang magpakulay ng buhok. Bagay kaya sa kagwapuhan ko?

SA: Tanga! Magmumukha kang Sari Manok! Pwe!

inlovegirl: I am poor and he is REACH, pwede ba kaya kaming meant to be.

SA: Sabi ng operator, cannot be REACH!

Senyora Santibanez at ang Kanyang Nagmamalditang AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon