Scene #3: Bagong Alipin sa Hacienda!

1.1K 46 9
                                    

Isang umagang kayganda para kay Senyora....

May dumating na hampaslupa at nasa labas ng Hacienda. Manghang mangha ang hampaslupa dahil sa lawak ng lupain ng ating Senyora Angelika. Lumapit ang hampaslupa sa nagdidilig ng halamang Chomper (lagay ko picture sa right side pero kung kilala nyo yang name ng halaman sa plants vs zombies ung violet na nangangain, un na iyon) na si Facundo.

Hampaslupa: Magandang umaga po, Facundo.

Masayang bati ng hampaslupa.

Facundo: Walang maganda sa umaga lalo na kung ako nautusan magdilig sa mga ito! H-hoy! W-wag kayong lumapit sa akin!

sagot ni Facundo at pilit lumalayo sa mga Chomper na gusto siyang kainin.

Hampaslupa: hehe. Morning na lang po.

Facundo: Ano bang kailangan mo? T-tumigil nga kayo! Hindi ako zombie ano ba!

Hampaslupa: Ahm, mag apply po sana akong katulong dito sa Hacienda.

Lumayo muna si Facundo sa kanyang dinidiligan para makausap niya ang hampaslupa.

Facundo: Tara, sumama ka sa akin.

Naunang naglakad si facundo habang nakasunod ang hampaslupa.

Pagkarating sa mansion, nandun si Senyora nakaupo habang may nakaluhod na alipin sa harapan niya.

Senyora: Iba ang galit sa inis. Pag ako nainis, saglit lang. Pag ako nagalit, saglit ka lang! Hala! Layas! Pagkatapos mong magnakaw ng SPAM sa kusina! 

Alipin: Senyora, wag po! Huhu. Sa corned beef po na pinamimigay ninyo lang po naasa na pangkain ang pamilya ko .

Senyora: Wala akong pakielam! Maghintay ka na lang magkabagyo ulit para magkaroon kayo ng Relief goods! Pwe! Facundo! Paalisin ang alipin na magnanakaw!

Lumapit naman si Facundo at tinulungang makatayo ang alipin at dalhin palabas ng Hacienda.

Naiwan namang nakatayo ang hampaslupa na mag a-apply.

Senyora: Ganda ganda ng araw ko pati mukha ko, bwisit! Alipin talaga!

Hampaslupa: Hello po Senyora.

Napatingin ang Senyora sa biglang nag salita at automatikong tumaas ang kanyang kilay.

Senyora: At sino ka naman?

Hampaslupa: Ako po si Boszichick. Mag apply po sana akong katulong.

Pinagmasdan ng senyora ang hampaslupa sa harapan niya.

Senyora: Wow! Kapal ng make up. Donut ang peg? Bavarian teh?

Agad na naglabas ang hampaslupa ng salamin mula Jansport bag na dala niya at nakita niyang napakapal niya ang pulbos sa mukha at napag iwanan ang kulay ng leeg niya. Pinunasan niya agad ang mukha na sobrang puting puti pala.

Hampaslupa: Okay na po senyora.

Senyora: Pero may itsura ka ah....

Hampaslupa: Hehe. thanks po.

Senyora: ...Masama nga lang. Pwe! Sama mo pa yang Jansport na bag na dala mo! Hampaslupang Alipin ka talaga!

Bakas sa mukha ng alipin ang pagkainsulto.

Hampaslupa: How dare you to call me a vagrant slave? I respect you so well then.. then..

Senyora: Bigla kang nag english pag galit? Kinasosyal mo yan? Pwe! Bagay sayo yang bangs mo. Pero sana ginawa mo ng hanggang leeg!

Hampaslupa: Sobra naman po kayo! Wala naman po akong ginagawang masama ah.

Tumayo ang Senyora sa pagkakaupo at tinignan sa mata ang hampaslupa.

Senyora: Di ko kelangan ng maraming dahilan para mainis ako sayo. Mukha mo palang sapat na!

Di na kinaya ng hampaslupa ang pang aalipusta sa kanya ng Senyora kaya nagbalakad na siyang umalis at tumalikod.

Senyora: Pero kahit nakakainis ang pagmumukha mo, tanggap ka na dito sa Hacienda. Baka lalo mo pang ikapanget pag naiiyak ka. Maawa ka sa mukha mo. Pwe! Diyan ka na. Corned beef with patatas lang lagi mong kakainin.

At umalis na ang Senyora.

*fades*

End scene #3

Senyora Santibanez at ang Kanyang Nagmamalditang AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon