Chapter II

121 3 0
                                    


Chapter II
"Insides of Within"

"You are not a human, and I am not your father. Save your life Kara, save her."

Para bang bumagal ang oras kasabay ng sandaling pagtigil sa pagtibok ng puso ko sa narinig, pero natuluyang tumigil sa pagtibok ang puso ko sa ginawa ni Papa matapos nya kong bigyan ng maliit na ngiti.

"Patawad..."

It was as swift as a train. He blew my chest with his palm; pain evident in his eyes.

It felt like something came out from me for a second though it returned immediately. Pero tila nawala na agad yun sa isip ko, basta ang alam ko lang, tumalsik ako at naramdamang parang dumaan ang buong katawan ko sa tubig at nilamon ako.

Napakabagal ng oras. Habang nasa ere ako mula sa pagkakatalsik sa ginawa ni Papa, nakikita ko lahat; ang kulay puting napakaliwanag na lugar; ang mabagal na pagbuhos ng mga puting talulot ng rosas sa paligid ko; ang marahang pagsayaw ng aking buhok sa saliw ng hangin; ang pagdampi at pagdulas ng isang talulot sa pisngi ko; ang isang malaking oblong na butas na ang nasa kabila non ay si Papa; ang pagkaway nya; at ang pagpatak ng malusog na luha galing sa kanyang mga mata.

"Uvaffa claudar douei Zhramifan."

Bumuka ang bibig ni Papa at tila may mga sinabi. Pero hindi ko marinig. Wala kong marinig. Gusto kong mag-panic. Pero masyado akong mahina; masyado akong nanghihina sa aking pakiramdam.

"Claudar..."

Para bang isang sirang plaka ang narinig ko at paulit-ulit ko itong narinig habang nakatingin sa lalaking kinalakihan kong ama.

Narinig ko sya...

I was looking at him with lame eyes; my lips were halfway apart.

'Too weak...too weak.'

Hanggang sa ang butas na yon ay unti-unting lumiliit...nawawala. Gusto kong gumalaw. Gusto kong mahinto agad ang pagkakatalsik ko sa ere para tumakbo palapit sa kanya. Pero ultimo paghinga ko ay hindi ko maramdaman.

'Bakit...bakit pati si Papa ay unti-unting naglalaho kasama ng butas na 'yon? Bakit...ano ba ang butas na 'yon? Bakit sobrang liwanag? Nasaan ako?'

Sa tuluyang paglaho ng butas na 'yon kasama si Papa ay ang pagbagsak ko sa isang malambot na may katigasang patag. Sa sobrang bagal ng oras ay pakiramdam ko, narinig ko ang bawat tunog na nalikha sa aking pagbagsak at ang marahang pagtalbog ng katawan ko dahil sa impact nito.

It hurts, but my body didn't flinch.

A clear sky greeted me with a kaleidoscope of colors mounted with some formation of clouds. Rose...I smell roses.

I suddenly felt a strange pain on my chest and a lump in my throat formed as the image of my father smiling flashed in my memory.

A tear dropped from my eye, "Papa..."

And then everything went black.

Pabalikwas akong napabangon na sisinghap-singhap sa hangin.

Pakiramdam ko, nagising ako sa isang panaginip na para bang walang kahangin-hangin.

'Gahd. Akala ko totoo na. Panaginip lang pala.'

Pinunasan ko ang gilid ng mata ko nung maramdaman kong mamasa-masa ito. Err, okay? Bakit ako umiiyak?

Pero teka nga, bakit sobrang dilim?

KARA: The RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon