Episode 2

6 0 0
                                    

Mia's POV:

Maagang nagising si Mia dahil pasukan na naman tapos na bakasyon. Kasalukuyang naliligo siya at pagkatapos ay nag ready na siya pumasok. Ginising na ni Mia si Yika dahil sabay na itong papasok sa kanya. Sa kanila nakatira ang pamilya ni Yika dahil pinapaaral ito ng kanyang magulang.

Ako nga pala si Mia Raine Campos Valdez, 14 y/o from Manila, incoming 2nd year highschool. Kasali ako sa dance troupe ng Marian Academy. Matalino naman at maganda daw. Pero hindi ako maporma gaya ng iba simpleng pananamit lang palagi mga pantalon, t-shirt, tokong, long sleeves, at sleeveless minsan. Ewan ko marami rin nakakakilala sakin dahil member ako ng dance troupe ng school namin at laging na-eelect as Vice President or President ng section namin. Kahit ganun marami pa rin nagsasabi na isnabera or mataray ako. Anong magagawa ko eh salagay na ganito ako. Yan ang lagi nilang first impression sakin. Hindi ko nga alam kung bakit? hmmm.

Tinawag ko na si Yika dahil malalate na kami ang tagal talaga niya kumilos.

After 30 minutes....

Kasalukuyang kaming nag aabang ni Yika ng jeep nag kwentuhan kami ng kung anu-ano. Sawakas nakasakay na kami. Grabe punuan ngayon dahil First day ng klase. Pagbaba namin ay tumakbo na kami dahil 10mins na lang ay flag ceremony na.

Wooh! *sabay punas ng pawis* buti na lang umabot kami sa classroom.

Habang tumatakbo kami ng pinsan ko napansin kong may nakatingin sa amin or sa akin. Nung nilingon ko sa right side ng corridor ay wala naman tao. Kaya hinayaan ko na lng at nagpatuloy papunta ng classroom.

Makalipas ang isang linggo. Na-elect ako as President ng klase namin.
Nakasalubong ni Mia ang kanyang kaibigan na si Kate. Si Kate ang Ms. Popular ng batch namin, maraming nagkakagusto iba't ibang level. Nakakaloka naman kasi tong babaeng to maganda na at mabait rin kaya ganyan na lang madami ang humahanga sa kanya.

Biglang tinawag ni Kate si Mia at niyakap dahil na-miss niya ang kaibigan.

Mia: Kumusta na Bez Kate? Kumusta ang bakasyon niyo sa Singapore? Naku ka! Pasalubong ko?

Kate: Naku! Okay nman Bez! Ang saya nag family bonding kami at syempre meron noh? nasa bahay punta ka na lang sa amin pagtapos ng meeting natin sa dance troupe.

Mia: Sige Bez! tara na punta na tayo sa gym doon daw tayo mag meeting kasama ang ibang dance members.

Kate: Sige tara na!

Habang papunta na ang magkaibigang sina Mia at Kate sa gymnasium!

Naglalaro ng basketball ang grupo nila Kael. Pagkatira ng three point ni Kael ay hindi sinasadyang tamaan ng bola si Mia sa ulo. Natumba ito at nawalan ng malay.

Samantalang si Kael naman ay hindi makapaniwalang nakatama siya ng bola ang masaklap babae pa ang natamaan kaya dali dali siyang tumungo kung saan ang babae ngunit nahuli na siya dahil dinala na ito ng mga kaibigan sa clinic.

Kael: Sino kaya yung babaeng yun? - sabi nia sa sarili

Bryan: Uy Tol! Natamaan mo yung babae oh? kawawa naman walang kamalay malay naglalakad lang grabe ka!

Kael: Naku Bry! Hindi ko sinasadya kung hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya noh?

Bryan: Okay okay! Chill Tol! - sabay taas ng dalawang kamay

Makalipas ang 2 hours.....

Nagkamalay na lang si Mia nasa clinic na siya, tinanung ang kaibigan.

Mia: Kate ano nangyari? bakit ako nandito? - habang hinihilot ang ulo

Kate: Naku Bez! Natamaan ka ng bola. Don't worry okay ka na daw sabi ng nurse. - Habang inaalalayan tumayo

Mia: Salamat Bez ha? - sabay hug niya sa kanyang bestfriend

Kate: Naku! Wala yun bez. Tara na! Late na tayo sa meeting, iaanounce daw ngaun ang mga performance na gagawin sa Cultural show sa december.

Mia: Sige Tara na bez! Let's go!

Pumunta na ang magkaibigan sa gymnasium! Wala na ang mga basketball player dahil uwian na.

Sir Aguila: Kumusta ka Mia? Okay ka na ba?

Mia: Okay na po sir! Salamat po.

Sir Aguila: Okay guys! Company call.

Nagsi-upuan naman sa bench ang mga members ng dance troupe at inaanounce na ni Sir Aguila ang list ng performance. At in-anounce rin na magpeperform sila sa opening ng intramurals nagaganapin sa 1st week ng August.

Pagkatapos ng meeting lumapit ang mga barkada or kaibigan ni Mia sa kanya at kinumusta siya kung okay lang siya.

Mia: Okay naman ako friends wag kayong mag alala sa akin.

Alden: Sigurado ka ba Mia okay ka lang? - bakas sa mukha nito ang pag alala.

Kung tatanungin niyo si Mia kahit ayaw niyang kausapin si Alden ay napipilitan na lamang ito dahil sa mga kaibigan. First boyfriend ni Mia si Alden na niloko siya at ipinagpalit siya sa iba.

Gwapo at mabait si Alden ngunit kahit may ganung katangian ito hindi niya akalain na lolokohin pala nito. Kaya ng nalaman niya iyon ay nag kahiwalay silang dalawa. Dahil lang sa mga kaibigan kaya sila naging malapit muli.

Mia: Oo ayos lang ako Alden. *sagot ni Mia kay Alden* Tara na guys uwi na tayo. *sabi niya sa mga kaibigan*

Kate: Tara Mia sabay na tayo pupunta ka pa sa bahay db?

Barkada: Bakit kayo lang? Sama naman kami!

Kate: Naku wag na kayo si Mia na lang noh? Tska malapit lang ang bahay niya sa amin. Kayo malayo hahaha!

Mia: Oo nga! Tara na Kate. - sabay kapit sa braso ni Kate.

Alden: Tara Mia Kate! Hatid ko na kayo.

Mia: Naku wag na kaya na namin.

Alden: Sige na para alam kong safe ka...yo.

Kate: Sige ikaw ang bahala. Tara Mia!

Napa-buntong hininga na lang si Mia at nauna ng naglakad habang kasunod niya si Kate at ang mga kaibigan. Katabi naman ni Mia si Alden kahit napipilitan ay hinayaan niya na lamang.

Tadhana para sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon