#4

837 11 1
                                    


Nahihiya akong pumunta sa classroom niyo
Baka kasi alam na ng mga kaklase mo ang pinakatatago kong sekreto
Hayyy...hanggang pangarap na lang ba kita?
Hanggang pangarap na lang ba na maging 'tayong' dalawa

Di ko alam kung sino ang nagsabi sayo na ikaw ang crush ko
Pwede bang sakin ay sabihin mo at nang masakal ko
Langya! Sekreto nga diba?! Sekreto!
Kaya bakit pinagkakalat nila na ikaw ang crush ko?

Sabi nila okay lang daw na magpakilala ako
Sabi ko 'hindi,ayoko,nahihiya ako sayo'
Sabi ulit nila 'wala namang big deal dahil magpapakilala lang ako'
Sa isip ko 'big deal yun.Lalo na't personal kong buhay ang pinaguusapan dito

Sabi nila 'di mo naman ako kakainin'
Di mo nga ako kakainin,pero sa hiya mo naman ako papatayin
Ilang na ilang ako tuwing ako ay tutuksuhin
Hiyang-hiya naman kung ikaw ay nasa paligid lang at nakatingin

************************

Tula Para Kay CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon