Buti pa dati,di ka nag-eexist sa mundo ko
Pero bigla kang dumating at ginulo ang tahimik na buhay ko
Buti pa dati,walang 'IKAW' sa buhay ko
Pero bigla kang sumulpot at ginising ang natutulog na puso kong itoAndami-dami namang iba,bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa ang napili ng pihikan kong puso?
Bakit ikaw pa ang nagpapalipad ng mga paru-paro sa sikmura ko?
Bakit ikaw pa ang nagpapakilig sa puso kong ito?Bakit mga ba nahihiya ako sayo?
Ni hindi mo nga alam kung ano ang pangalan at itsura ko
Ayoko namang magmukhang malandi sa mga mata mo
Kaya nga di ko magawang makipagkaibigan o magpakilala man lang sayoTuwing nakakasalubong kita
Grabeng yuko ng ulo ang ginagawa ko
Tuwing nakikita kita
Bumabalik ako sa pinanggalingan koKung dati ngang di mo pa alam na crush kita nahihiya ako sayo
Edi mas lalo na ngayong alam mo na,anong mukha ang maihaharap ko?
Di ko alam kung tama ba ang desisyon na ginawa ko
Kung tama bang sinabi ko sakanila na sayo ako may gusto************************
Yehet tapos na....
Woooh sana magustuhan niyo
Thanks
Saranghae😍😘

BINABASA MO ANG
Tula Para Kay Crush
PoesiaIsa itong tula para kay crush na dito ko lang maihahayag.. Dito sa tulang ito nakadetalye Ang takbo ng buhay ko Kaya crush sana mabasa mo to Kasi nakasaad dito ang pagkabaliw ko sayo.