MELS 1

19 0 0
                                    

Just because the title says "My Epic Love Story" doesn't mean this story is entirely about my love story. But I have taken some pieces of my experiences and added them in this story. Remember, this is FICTION. Almost everything in this story is made by my weird, crazy mind. Haha. Okay, hope you understand, guys. Thanks! :)

~

"My Epic Love Story"

Copyright © 2014 dyosangathena_

All Rights Reserved

Highschool. Highschool na ako, finally! I've waited so long for this and now, heto na. I'm already on my very first year in highschool.

Pero bakit nga ba super excited ako for this? Well, sa tingin ko naman ay hindi lang ako e. Pero kasi, I really wanted to be in highschool dahil sa sinabi sa amin ng aming teacher nung Grade six, "Kapag highschool na kayom you'll have your Acquaintance Party. Doon, pwede niyong makasayaw ang mga crush niyo."

Noong nasa grade school pa lamang ako ay marami na akong naririnig about that Acquaintance Party. May pinsan kasi akong highschool na kaya nakakasagap ako ng balita.

And yes! Grade school palang, lumalandi na ako! Hahaha! Pero, sa isang lalaki lang naman e...

"Hoy! Iniisip mo na naman si Jacob 'no! Jusme naman, ateng. Move one na! Wala kang pag-asa don," bulyaw sa akin ni Gian, ang bestfriend ko.

"Ano? Hindi a! Nag-momove on na nga ako dun, diba? Naamin ko na naman sa kanya 'yung feelings ko nung grade six tayo e. Kahit na tinawanan lang niya ako noon, okay na rin 'yon, move on na talaga."

"Andami mong nasabi ha. Pati pag-coconfess mo noon, nabanggit mo. Seryoso, nag-mumove on ka, teh?"

Oo na, alam ko. Hindi pa talaga ako nakaka-move on. Ang hirap kayang mag-move on lalo na't loyal ako sa pagkaka-crush kay Jacob ever since grade one! Duh! How can I move on in just a few months?!

"Alam mo, Trish, wala kang pag-asa don kaya gumora ka na. Lumayas ka na sa Jacob zone mo. Hindi na siya rito nag-aaral oh, mas madali nang mag-move on."

And yes ulit. Hindi na rito nag-aaral si Jacob. Kung bakit ba naman kasi sa kabilang syudad pa napiling mag-aral ng ate niya, e? Ayan tuloy, naisipan niyang sumunod don! Nakakainis!

Pero alam ko rin naman kasi talagang wala akong pag-asa dun noh. Langit siya, hampaslupa ako... joke! Lupa lang! Chos naman, ang ganda ko naman para maging hampaslupa. Huh.

"Oo na, alam ko namang wala akong pag-asa don. Kaya nga mag-mumove on na, diba?" then I rolled my eyes at her. Hay nako. Kung bakit ba kasi kay Javob pa nahulog itong puso ko e? Andami-daming pwedeng ka-in love-an, sa kanya pa ako nadisgrasyang mahulog. Hay buhay!

Grabe! Sobrang nangarap pa naman ako noon na makasayaw si Jacob sa Acquaintance Party. Ang lakas ko kasi magpantasya. Yung tipong nakikita ko kaming sumasayaw sa gitna ng dance floor. Sweet, slow... nakakapanlambot. Tapos nakatitig siya sa aking mga mata. Kumikinang ang mga ito sa bawat sulyap sa akin. Kitang-kita ko ang kanya perfectly perfect na set ng mga ngipin na kumikinang din sa bawat pagngiti niya sa akin. Tapos magkahawak ang aming mga kamay. Ang isa niya pang kamay ay nasa bewang ko at ang isa ko namang kamay ay nasa makisig niyang balikat. Grabe lang talaga! Tapos kami lang yung nasa gitna. Kami lang yung tao. We look so in love.

Sayang nga lang kasi talaga at hindi siya dito pumasok e! Nakakainis talaga kasi lumipat siya ng school. Nung nalaman ko ngang lilipat siya, napag-isipan kong lumipat din sa school na lilipatan niya e. I told it to my papa kaso sabi niya saken, "Anak, masyadong mahal sa school na iyon at malayo rito sa atin. Dalawa kayo ng kapatid mong pinag-aaralan namin. Hindi ka lilipat ng school. At isa pa, sayang ang scholarship mo kung lilipat ka."

Hindi naman kasi ako rich kid e. Average family lang kami. Minsan nagkaka-problema sa kung ano ang iuulam mamayang gabi o kung saan kukuha ng pambayad sa tuition. Laking pasasalamat nalang ng mga magulang ko na grumaduate ako ng grade school na valedictorian kaya wala akong tuitiong babayaran sa buong hughschool years ko, pero I'll be staying at the same school. Hindi kasi ako makakakuha ng scholarship sa school na nilipatan ni Jacob dahil masyadong maarte ang paaralang iyon. Tsk.

Lumipas ang mga buwan. Maganda ang performance ko sa school. Syempre, matalino ako e. May mga exrta curricular activities din ako dahil talented naman ako kaya imposibleng mangulelat ako sa ranking.

Sumapit ang Teacher's Day. Noong araw na iyon ay walang pasok sa paaralan nina Jacob kaya napili nilang dumalaw sa aming school. Kasama niya ang iba pa naming mga dating kaklase na kasama niyanh lumipat sa school sa syudad.

"Uyy, pupunta raw dito sina Jacob mamaya," kwento ni Nikki, isa sa aking mga kaklase simula pre-school. Kagaya niya, si Jacob ay kaklase ko rin simula pre-school kung kaya't masasabi kong magkababata kami.

Nagkaroon ng iba't ibang reaksyon mula sa iba pa naming mga kaklase samantalang ako ay talaga namang natigilan. Haggard kasi ako ngayon! Nag-activity kasi yung group namin kanina kaya medyo pinagpawisan ako. Hala! Baka ambaho ko o kaya oily? Hindi pwede!

"Debi, pahingi namang polbo," sabi ko kay Debi, yung medyo kikay kong kaklase. Nakita ko kasing nagpopolbo rin siya. Siguro dahil din sa dadating sina Jacob. Kapag kasi nandyan si Jacob, siguradong kasama niya si Cris, yung gwapo niyang bestfriend na kaklase rin namin since pre-school. Super gwapo at puti non! Tapos may dimples pa siya! Jeez!

"Hoy, mga ateng! Nandyan na sina Jacob!"

Agad akong tumakbo para sumilip sa bintana ng aming room. Dahil ako ay dakilang umiibig, na-spot-an agad ng aking mga mata si Jacob na naglalakad sa hallway kasama ang iba pa naming mga kaklase dati. Omg! Walang kupas talaga yung kagwapuhan niya. Sa bawat pagngiti niya, lumalabas yung parang dimples niya sa may cheekbones. Yung parang sa tiger, ganon! Basta yon! Hahahaha. Tapos yung medyo chinito niyang mga mata, parang pumipikit sa bawat pag-angat ng kanyang mga labi.

Jusko! Bakit isang diyos ang minahal ko? Explain niyo nga saken! Hahaha.

Pero dahil nga sa ako'y - kumbaga sa lalaki - torpe, hindi ko nakausap si Jacob! Dun kasi siya nakipag-hang out sa mga kaklase naming lalaki e. Nakakainis! Alangan naman kasing sumawsaw ako sa usapan nila, diba? Ma-turn off pa siya. Tsk

Kaya naman noong araw na iyon ay hanggang sulyap sulyap lamang ako sa kanya. Bwiset! Grrr!

Matapos ang ilang araw mula nang bumisita sila...

"Ikaw ha, nabalitaan kong crush mo pala si Jacob," nanunuyang sabi sa akin ni Steffan, seatmate ko. Transferee siya at hindi kami ganong close kahit na medyo makulit siya. Ang malimit naman kasi niyang kadaldalan ay si Martin, yung katabi niya sa kabilang side. Palibhasa pareho silang lalaki kaya nagkakasundo. Bakit ba andaling maging close ng mga lalaki kahit first time palang magkakilala? Anong meron sa kanila?

"Anong pinagsasasabi mo dyan? Saan mo naman nakuha yan?" Hindi ko sasabihin sa kanya ang toto. Madaldal din kasi si Steffan e! Alam kong hindi ko siya mapagkakatiwalaan kaya hindi ko sasabihin sa kanya.

"Sinabi sakin ni Martin. Ikaw ha, yieee." The nerve! Leche 'tong lalaking 'to ah!

Simula noon ay palagi na niya akong inaasar tungkol kay Jacob. Ano bang problema niya? Hindi naman niya ako ginagambala dati ah? Tsk! At isa pa, hindi kami close kaya wala syang karapatang asarin ako. Peste! Grrr!

Pesteng Steffan!

---

Abangan ang next part. Hahaha :)

Ps. Sorry kung may typo and grammatical errors, if ever na meron man. Di kasi uso saken proof read. Maybe next time nalang pag sinipag ako hahahaha :( mwaaa

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 13, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

My Epic Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora