"Azea faster baka ma late tayo" nagmamadaling utos ni dad. Kinuha ko yung bag ko at binuhat ang cellophane na puro snacks ang laman. Tumakbo ako papunta sa van at umupo sa may bintana.
My name is Azea Eunice Tuazon. 19 years old. My life is boring, very boring. I'm the only daughter of Crisene Tuazon and Kienth Tuazon the owner of Tuazon Corporation here in Manila.
Anniversary ngayon ng lolo at lola ko sa father side at pupunta kami ngayon sa probinsya to celebrate.
Naging tahimik ang byahe namin at syempre napaka boring. Ayoko sanang sumama kasi ang layo but mom convinced me. Kumuha ako ng chips sa bag at kinuha ang headset ko. I played my favorite song DNA by BTS. Nakaubos na ako ng dalawang chips hanggang sa nakatulog ako.
Paggising ko agad kong tinignan ang oras sa cellphone ko at fuck 4:06 na 8 hours na pala kaming nadito sa van.
Binaba ko yung bintana at may nakita akong bundok at mga kalabaw. So it means nasa probinsya na kami thanks god. Maya maya ay bumagal ang takbo ng van at huminto kami sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy at may mga christmas lights pa. Duh its still summer. Bumaba kaming tatlo at may sumalubong saming dalawang matanda.
"Ma" niyakap ni dad yung matandang babae at nagmano. "Pa" sabi naman ni dad sa matandang lalaki at nag fist bump pa sila. Lumapit rin si mom at nagmano at hinalikan sila sa pisnge habang ako ay naiwang nakatayo. Tumingin ang matandang babae sa gawi ko at nginitian ako.
"Aba'y ito naba si Azea ha ka gwapang bataa nagmana sa lola" lumapit ang matandang babae sa sakin at hinalikan ako sa ulo.
"Tara na Kienth, Crisene, Apo hali na kayo" tawag ng matandang lalaki samin at nauna na silang dalawang pumasok.
"Azea bat hindi ka nagmano sa lolo't lola mo" galit na tanong sakin ni mommy ngunit inirapan ko lang sya at pumasok sa loob.
Naamaze ako pagpasok ko sa loob kasi may mga paintings ito na gawa ni lolo. Pumunta ako sa dining area. May lechon, afritada, adobo, brownies, cake and ice cream na nakalapag sa mesa.
Umupo ako sa ikatlong upuan. Umupo si mommy sa tapat ko katabi ni daddy. Nasa magkabilang dulo naman si lolo at lola.
"Kainan na!" buong galak na sigaw ni lola at kumuha ng kanin. Wala akong gana kaya kumuha nalang ako ng brownies.
"Oh apo di ka ba kakain ng kanin?" tanong sakin ni lolo habang kumukuha ng adobo sa harap ko.
"No thanks wala akong gana" bored na sagot ko saka sumubo ng brownies.
"Azea chips lang ang kinain mo kanina hindi pa tayo naglu-lunch" sabat ni dad.
"Dad promise I'm full"
"Baby---"
"Kienth hayaan mo muna yang anak mo eh baka naman talaga busog sya baka maimpatso yan" pagpuputol ni lola kay dad. Hays salamat may pakinabang rin naman pala tung si lola.

YOU ARE READING
Don't Wake Me Up
أدب المراهقينMy name is Xierylle. Apparently nasa ospital ako at ilang buwan ng natutulog. Wanna know why?. Duh because I'm in a coma. Pero di ko inaasahang sa pagtulog kong yun ay makakakilala ako ng isang makulit, annoying, nerd at corny na lalaki. Will I fall...