Skwela

6 1 0
                                    

Minsan lugar ng pag aaralan, kung saan matututo ka ng iba't ibang bagay, mga bagay na hindi mo pa nararanasan, na minsan magagawa mong ma stress, ma depressed, ma lungkot, at ma dissapoint lalo na pag tanggapan ng grado na halos manginginig pa ang kamay mong tumanggap sa kung anong resulta bawat markahan,

Minsan lugar na takasan, pupunta sa eskwelahan upang makaligtas sa utos, makatakas sa gawaing bahay, makatakas sa mga bagay na pinapagawa..


Minsan lugar ng gulo, may napapasama sa grupo, may napagtitripan na maaaring magsimula ng gulo at napapaaway



Minsan lugar na palaruan, sa paaralan ka lang makakapaglaro kapag strikto si nanay, pagkatapos ng klase di uuwi agad dahil maglalaro muna, habulan, patintero na kahit di na bata naglalaro pa rin minsan😂


At lugar ng Tampuhan,Kaligayahan,Pagpapaalam,Pagpapasalamat,Pagtanggap, at Paglimot, sa mga taong naging parte ng mga taong nasa eskwela na kahit minsan naiisipan mong sumuko pero magsusumikap ka pa ring makatapos para sa kinabukasan mong naghihintay na maging matagumpay ka

Sayings Of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon