Beyond 1

0 1 0
                                    

"JEREMYYYYYY~"

Napatalukbong ako ng kumot ng marinig ang boses ni Mama. Gusto ko pang matulog.

"JEREMYYYYY"

"MA NAMAN! WALANG PASOK NGAYON"ganting sigaw ko

"ALAM KO! BUMANGON KA DYAN MAMALENGKE AKO"

Inis akong bumangon sa kama at inis na sinabunutan ang buhok ko.

"JEREMYYY"sigaw nya ulit.

Kaya bumaba na ko nang kama kahit na gusto ko pang humiga ng matagal,weekend ngayon eih maipapahinga ko nga utak ko pero yung katawan ko naman ang mapapagod ngayon pati bukas. Haaaay!

Palabas na sana ako ng mapatingin ako sa salamin,napangiwi ako ng makita ko kung anong itsura ko. Para akong sumabak sa catfight.

"JEREMYYY"

Napabuntong hininga muna ako bago lumabas ng kwarto at bumungad kaagad sakin si Mama na nakaupo sa sala.

"Mag-almusal ka na pagkatapos maglaba ka na ng mga damit mo pagkatapos mo dun linisin mo tong sala pati yung kwarto mo at kwarto ko"mahabang litanya nya at tango lang ang naisagot ko.

"O'sya aalis na ko. I-lock mo tong bahay pati yung gate"

"Opo"

Sinamahan ko sya hanggang gate nang makalabas sya ay ni-lock ko yung gate.

"Wag mong kalimutang maghilamos Jeremy"

"Opo Ma" ngumite sya at hinalikan ang pisnge ko saka umalis na,habang ako ay pumasok na rin sa loob ng bahay ay ni-lock ang pinto.

Hindi kami mayaman pero di rin kami mahirap,sakto lang nakaka-kain kami ng apat na beses sa isang araw. Hindi rin second floor yung bahay pero medyo may kalakihan may space pa nga sa likod ng bahay,dun ako naglalaba tuwing sabado minsan mano-mano pero pag inabot ako ng katamaran si washing machine ang pinapatrabaho ko.

Kakain muna ako pumasok ako sa kusina slash dining magkasama na sila since kami lang naman ni Mama yung nakatira dito well dati tatlo kasama pa namin si Papa pero wala na sya ngayon.

Ako nga pala si Jeremy Montecillo 18 years nang nabubuhay sa earth,graduating this year (Grade 12). Gusto kong matulog,kumain,humiga,magbasa tapos kain ulit in short hayahay na buhay ang gusto ko pero syempre hindi ko nagagawa yun dito. Dahil ang number 1 rule dito ay bawal ang tamad.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko kaagad ang mga ginamit ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang basket na may mga laman na maruruming damit. Lumabas na ko ng kwarto at dumeritso sa likod ng bahay,ibinaba ko yung basket at tinignan muna yung washing machine kung may laman.

Napangite ako ng meron mukang alam ni Mama na magwa-washing machine ako ngayon hehe. Isa-isa kong nilagay yung mga damit ko,hindi naman sya marami kaya keri lang.

****
Matapos ang kalahating oras ay tapos ko na ring isampay yung mga damit na nilabhan ko. Nakaligo na rin ako kanina kaya nakaupo na lang ako sa sala at nagbabasa ng libro.

Sa totoo lang nagtataka talaga ako kay Mama tuwing namamalengke sya kadalasan kasi inaabot sya ng dalawa o tatlong oras sa palengke eih pag-umuuwi naman unti lang yung binili nya,pero nasanay na rin ako since nung maliit pa ko ganyan na sya tiwalang-tiwala na walang mangyayaring masama sakin tuwing naiiwan ako -__-.

Ilang oras pa ang dumaan pero hindi pa rin dumadating si Mama kaya medyo nag-aalala na ko.

Nilagay ko sa gilid yung libro na kanina ay binabasa ko pa,tumayo ako sa pagkaka-upo at pumasok sa kwarto. Pagkapasok ko ay agad kong kinuha yung cellphone ko na nakalagay lang sa bedside table.

BeyondWhere stories live. Discover now