Beyond 3

0 1 0
                                    

Maraming mga estudyante ang naka-kalat sa may garden at lahat sila ay nakatingin samin? O sakin?

Sinusundan nila kami ng tingin kahit na ang layo na namin ang iba sinusundan na kami.

"Ganito ba talaga dito?"tanong ko kay Ma'am Nina sya yung babaeng sumundo samin,liningon nya ko at nginitian.

"Ikaw kasi ang pinaka-unang nagtransfer dito makalipas ang limang taon"

"Seryoso? Tsaka kanina pa tayo naglalakad,pagod na ko"reklamo ko kay Tanda

"Medyo malayo talaga ang Headmaster's Office dito"

Napabuntong hininga na lang ako dahil walang magagawa ang pagre-reklamo ko.

Lumiko kami at sumalubong samin ang hallway na maraming estudyanteng nakaka-kalat at nakatingin na naman sila sakin. Tinitignan nila ko mula ulo hanggang paa. Kaya napayuko ako hindi ako sanay na napupunta ang atensyon sakin. Nung nagtransfer naman ako sa dati kong school wala namang nakapansin sakin. Yeah totally loner ang peg ko pero mas gusto ko yung ganun.

Ilang saglit pa ay huminto kami sa isang malaking pintuan. Na unang pumasok  ay si Ma'am Nina sumunod naman kami ni Tanda.

"Madame"tawag ni Ma'am Nina sa babaeng tingin ko ay ka-edad lang ni Tanda. Iningat nya ang ulo nya at tumingin sya sakin bago kay Tanda. Lumawak ang ngite nya ng makita si Tanda. Oh? I smell something fishy!

"Dad ang itawag mo sakin Remy"bulong nya sakin

"K."

"Finn kamusta ka na?"tanong nito kay Dad

"Okay lang"napatingin agad ako sa kanya ng magbago ang tono ng boses nya. Napailing-iling naman yung babae.

"Hindi ka pa rin nagbabago, sya na ba yung e-enroll mo?"tanong nya saka ibinaling ang tingin sakin.

Tumango si Dad. "Magpakilala ka sweety"sabi nya sakin at inabante nya ko ng kaunti sa harapan. Muntik na rin akong mapa-irap dahil ginamit nya na naman ang malambing nyang boses.

Yumuko ako ng kaunti bilang pag-galang saka inangat ang ulo ko at nginitian sya.

"I'm Jeremy Gaius,nice meeting you po"malumanay kong pakilala

Halatang nagulat sya ng banggitin ko ang apelyedo na ginagamit ko ngayon.

"G-Gaius? P-pamangkin mo Finn?"

"Anak ko."

"ANO MAY ANAK KAAAA?"gulat nyang tanong kahit ako ay nagulat sa biglaang pagsigaw nya kaya napa-atras ako.

"Pa....paano? B-bakit? Ka-kailan?"nauutal-utal nitong tanong. Teka bakit parang affected sya?

"Dad you know her?"

"Yeah"napatango na lang ako ng yun lang ang sinagot nya sa tanong ko.

"Pe-pero bakit ngayon mo lang sya ipinasok dito?"

"Kilala mo ko Aquila kaya paniguradong alam mo ang sagot"sabi ni DAD sa bagot na tono

Tinignan ko silang dalawa. "Uhm excuse me lang po pero matagal pa ba kayong mag-uusap na dalawa? Napapagod na ko kung hindi mo lang alam Dad"tumawa naman ng mahina si Dad at ginulo ang buhok ko.

"Ikaw talaga. Pwede na bang makuha ni Remy yung card key para sa dorm nya?"tanong nya kay Madame para namang natauhan si Madame at kinuha ang card key na nakapatong sa lamesa nya at ibinigay kay Dad yung susi.

"Sa Class R sya para na rin mabantayan sya ng maayos dun"sabi ni Madame kay Dad. Napakunot ang noo ko. Bantay?

"Bakit kailangan may magbabantay sakin?"takang tanong ko. Hinawakan ni Dad ang pisnge ko.

BeyondWhere stories live. Discover now