Beyond 2

2 1 0
                                    

(Jeremy's P.O.V)

"AHHHH HINDIIII GUSTOOO KOOOO NANG UMUWIIII. HUHUHUHU! MANONG BABAAAA NA TAYOOOO, MAMAMATAY AKO NG MAAGA HUHUHUHU"

Lahat na ata ng santo ay natawag ko na samantalang si Manong ay tawa ng tawa dahil sa reaksyon ko kahit di nya ko nakikita.

"JUSMEYO MANONG MAAWA KA SAKIN. GUSTO KO PANG UMUWI NG BUO"

"HAHAHAHAHA"

"Maganda ang tanawin Iha,wag mong palagpasin"sabi nito sakin nanginginig na umusog ako malapit sa bintana.

Napanganga ako dahil sa nakikita ko ngayon O to the M to the G. Tanaw na tanaw ko ang magandang palasyo? Palasyo ba ang tawag dahil parang isang syudad ito na sa pinakatuktok ang palasyo. Ang gandaaaaaa,ilang minuto pa ay lumapag na ang karwahe sa lupa at mabilis na pinatakbo ito.

Katulad ng kanina ay napapatingin ang mga tao sa karwaheng sinasakyan ko kaya naman umayos ako ng upo para kahit papano di nila ako makita.

Mga ilang minuto ay huminto na naman kami kaya sumilip ako sa labas at nakita kong unti-unting umaangat pataas ang mataas na bakal na gate para makapasok kami. Napatingin sakin yung kawal na nagbabantay,yumuko sya sakin kayo yumuko rin ako.

"Magandang hapon Binibini"

"Magandang hapon rin po"bati ko pabalik napa-angat sya ng ulo nya at gulat na tumingin sakin. Uh bakit kaya?

Umandar na ulit ang karwahe kaya sumandal na lang ako sa upuan. Masakit na yung pwet ko kakaupo huhu. Ilang saglit pa ay huminto rin ulit,nagulat ako ng bumukas yung pintuan ng karwahe kaya napausog ako ng kaunti.

Kita kong nakalinya ang mga kawal sa magkabilang gilid,tuwid na tuwid ang mga tayo nila may hawak rin silang.... ano ba tawag sa bagay na hawak nila?

"Bumaba na po kayo Binibini"sabi nang kawal na nasa pintuan. Bumaba ako ng karwahe gaya ng sabi nya,pagkababa ko ay pinagmasdan ko ang paligid.

"Wow"hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng paligid may malaking fountain sa pinakagitna at maraming bulaklak. Basta hindi ko sya maexplain sa sobrang ganda.

"Pasok na po tayo. Inaasahan na po kayo ng Hari at Reyna"sabi ng bagong dating. Naka-full black syang suot simula pang-itaas hanggang pang-ibaba,may lamay ba?

Hindi na lang ako umimik at sumunod sa kanya,pagkapasok namin sa loob ng palasyo ay mas lalo akong napanganga sheeyyyt totoo ba itey? Grabee!!!

*0*

Napapahinto ako minsan sa mga nadadaanan namin,gusto ko pa nga sanang hawakan kaso baka mabasag muka pa namang mas mahal pa toh kesa sa buhay ko. Maya-maya ay lumiko kami at napansin  ko agad na puro malalaking litrato ang nakasabit sa mga dingding. Tahimik naming nilalakad ang daan lalagpasan ko na sana ang isa pang larawan ng hindi tinitignan ng kusang huminto ang mga paa ko at napatingin sa larawan.

Tatlo silang nakangiti sa larawan halatang-halata ang saya sa mga muka nila habang pareho nilang hawak ang batang na sa edad tatlo o apat. Biglang kumabog ang dibdib ko ng pagmasdan ko ng matagal ang batang babae hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

Napailing ako at sunod kong tinignan ang babaeng nasa kanan nya na may buhok na ash-purple,napahawak naman ako sa buhok ko waaaah nakakainggit! >_< Gusto ko rin ng ganyang kagandang buhok. Medyo hawig sila ng batang babae parehong maputi at may maliit na matangos na ilong na bumagay sa kanila. Ang panghuli kong tinignan ay ang lalaki,ang pogeeeeee *0* sya na ata yung pinaka-poging nakita ko ngayon dito. Actually wala namang pangit akong nakita dito simula kanina pero mas pogeeeee itooo mga bes ipupusta ko ang mga mata ko kung di kayo magwa-gwapuhan.

BeyondWhere stories live. Discover now