Chapter 1

17 0 0
                                    

Mia's POV

Bigla akong nagising. Nakapagtataka. Wala akong galos o kahit anong sugat. Nakahiga ako sa isang malaking kama. Not knowing  where I am. May isang lalaking pumasok sa silid na hinihigaan ko. Ngumiti ang lalaki at umupo sa tabi ng kama. I uncomfortably looked at him.

"Maayos na ba ang iyong kalagayan iha?" Ani ng mamang istranghero na sa palagay koy nasa mid 50's ang edad

"Sino ho kayo? Asan ako?" Inilibot ko ang mga mata ko. Sa palagay koy salat sa pamumuhay ang nakatira dito. Ang bahay na aking tinutuluyan ngayon ay isang munting kubo.

Bago pa man makasagot ang matandang lalaki ay may pumasok pang isang ginang. Lumapit ito sa akin at ngumiti

"Nasa kabilang dimensyon ka ng mundo iha" malumanay nyang tugon

Kumunot ang noo ko sa narining kong sagot niya. What the hell! Nagpapatawa ba sya?

"Look I was lost. Ang huli ko kong naaalala ay bumangga ang bus na sinasakyan ko. Can you please tell me where I am? Hindi ho ako nakikipagbiruan" mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanila

"Ngunit hindi ka namin binibiro iha. Nasa kabilang dimensyon ka ng mundo. Kagaya mo ay isa rin kaming tao ngunit dito na kami lumaki at nanirahan" nakangiti at napakahinahong pagpapaliwanag ng matandang babae sa akin

Pinaglololoko ba ako ng dalawang ito? Tsk! Nasan ba talaga ako? Bakit naman nila ako lolokohin? Akala ba nila isa akong batang madali mauto? Kabilang dimensyon? What the f*ck was that? Impyerno na ba to? Sa tingin ko ay hindi. Mukhang mababait ang mga taong ito sa paraan pa lamang ng kanilang pananalita

Hindi na lamang ako sumagot sa kanila at sa halip ay nagtanong ng ibang bagay

"Kung ganon bakit kayo napadpad dito?"

"Sapagkat ito ang nasa propesiya" seryosong ani ng ginang

"Sa palagay koy kulang pa ang iyong pahinga iha. Maaari ka ng bumalik sa iyong pagtulog. Kailangan mo pa ng maraming lakas" sabi naman ng matandang lalaki

"Mag usap muna tayo Imelda" baling naman niya sa mayandang babae

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Bumuntong hininga muna ako bago at mariing pumikit. Masyadong  maraming gumugulo sa isipan ko. Paniniwalaan ko ba ang mga ito?

LOST AND FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon