OMBR 2.

14 0 0
                                    

"....sinunod ng mga katulong ang iniutos ng butihing Hari't Reyna. Sila ay nagtungo sa isang maliit na bahay sa kagubatan, na hindi malayo-layo mula sa kastilyo, sapagkat kailangan rin nilang magtrabaho. Ngunit mayroon laging isang matitira upang bantayan ang walang kamuwang-muwang na bata, dahil sa takot nilang may makaalam mula sa taumbayan at ipapatay ang bata habang wala ito. Pagkalipas ng sampung taon, ay lumaki si Rose, siya ay may kayumangging balat, mata na sobrang nakakahypnotize ng kung sino mang titigan nito, hindi gaanong katangos at maliit ang ilong subalit kagandahan parin, at labi na ka'y pula." Tumigil ako upang makahinga. Ang haba-haba kaya nung sinabi ko. :p

Tumingin ako sa mga kasama kong natahimik habang ako'y nagkwekwento. Aba't ang mga hinayupak ay naghihihilik na pala! Mga gagong 'to.

Nanahimik nalang ako at nagfocus sa pagmamaneho ng mapukaw ng atensyon ko ang kanta sa radyo. Ang kantang iyon ay Diwata by Abra at Chito Miranda, nilakasan ko ito at ginawang panjamming habang papunta sa aming destinasyon. (A/N: Srsly guys ang ganda talaga ng kantang 'yun, pakinggan niyo grabe!)

Wala pang tatlumpung minuto ay nakarating na ako malapit sa malaking palasyo, grabe ang ganda. Hindi mo aakalaing may masamang pangyayari rito noon.

Lumingon ako sa mga kasama kong mahimbing pa rin ang tulog. Haha, may naiisip ako. Nagconnect ako ng wire sa stereo ng sasakyan ko at ikinabit ito sa cellphone ko. Hinanap ko ang pinakamalakas na kanta ko at ipinihit ko ang stereo hanggang sa pinakamalakas nito.

Napatalon sila at si Seth at Liro ay nauntog pa sa bubong ng saskyan. Natawa ako at hinablot ang susi ng kotse at cellphone ko, tumakbo ako papalabas. Hindi pa ako napapalayo at narinig ko na ang mga pagsigaw nila ng pangalan ko.

"DANIEL PHILIP NYETA KA HALIKA DITO!!!!"

Natawa nalang ako at tumakbo papalayo sa kanila at papalapit sa palasyong napakaganda. Gustong-gusto ko itong pasukin ngunit hindi maaari dahil napapalibutan 'to ng makakapal na punong may patusok.

"Hoy pare gago ka talag-- wow." Sabi ni Kris.

"Ang ganda no?" sabi ko.

"Kuya naman kasi bakit hindi mo ko inaya dito dati! Edi sana medyo na-explore natin!" si Jake.

"Hoy hinayupak kang ugok ka, ilang beses na kitang niyayaya dito tinatanggihan mo naman ako, nyeta ka."

•~•

Maikli lang siya, pero okay naman diba? Haha, sorry po! *bows*

Signing out, coming back another day. 👋

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Modern Briar RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon