CHAPTER 3

73.9K 1.5K 554
                                    

CCHAPTER 3

MASAYANG-MASAYA si Katrin dahil hinatid siya ni Kai sa bahay nila. Parang kinikiliti ang puso niya sa isiping nag-alala ito sa kanya. Hay! Kinikilig siya!

“Ang saya-saya mo yata, Anak?” Anang boses ng ina niya.

Nakangiting binalingan niya ang mommy niya. “Yes, mommy. I’m so happy!” Aniya na itinaas pa ang dalawang kamay sa hangin at iwinagayway. “Ihinatid ako ni Kai.”

Napailing-iling nalang ang mommy niya. “Remember Katrin, malapit na tayong umalis.”

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. “Alam ko naman ‘yon mommy.”

“Mabuti.” Niyakap siya nito at pinakawalan. “Mag meryenda ka na.”

Tumango siya at naglakad patungo sa kumedor na mabigat ag kalooban. Bakit ba niya nakalimutan na aalis din siya. Walang kwenta ang pagpapa-cute niya kay Kai kung aalis din naman siya. Nakakainis naman!

NAGUGULUHAN pa rin sa sarili si Kai nang dumating siya sa bahay nila. Puno pa rin nang katanungan ang utak niya. Mga katanungan na wala siyang maisagot.  

“Anong gumugulo riyan sa isip mo, Kai?”

Napaigtad siya ng marinig ang boses ng ama mula sa likuran niya. Mabilis niyang hinarap ito. “Dad, ang gaga niyo yatang lumabas sa office.” Pag-iiba niya ng usapan.

His father shrugged. “Wala akong ganang magtrabaho e. Kaya umuwi nalang ako.”

Napatango-tango siya na para bang naiintindihan niya ang dilemma nito pero ang totoo ay hindi. “Ganoon po ba?”

“Yeah.” Tiningnan siya nito na para bang binabasa nito ang laman ng isip niya. “Anong gumugulo sa isip mo?”

Umiling siya. “Wala, Dad.”

His father gave him an arched look. “Kai, you can’t hide that expression on your face. You seem bothered about something.”

He shook his head again. “Wala ito, Dad. I’m sure masasagot ko rin ang katanungan na ito. Matalino ako diba?”

“Okay. Kung iyan ang sabi mo.” Anito at iniwan siya sa sala.

Siya naman ay naglakad patungo sa silid niya at doon inisip ang katanungan na patuloy na gumugulo sa isip niya. Hindi siya mapakali hanggat hindi niya nasasagot ang katanungang iyon.

Why did I panic when I saw her pale face? Paulit-ulit na itinanung niya iyon sa sarili habang nakatitig sa kisame. Mariin siyang napapikit ng pumasok sa isip niya ang nakangiting mukha ni Katrin. Agad din siya napamulagat ng may pumasok na ideya sa isip nita. Tama! Iyon ang gagawin ko!

ABALA sa pagbabasa si Katrin ng isang fashion magazine sa library ng ACU ng biglang may tumabi sa kanya. Ang mas ikinagulat niya ay nang makita kung sino iyon.

“Kai?” Malalaki ang matang paninigurado niya kung ito nga ang nakikita niya at hindi lang siya binibiro ng mga mata.

He nodded then looked at the book she’s reading. “Ano ‘yan? It’s not an educational book.” Anito na kunot ang nuo.

She rolled her eyes. “Hindi naman all the time ay educational book ang dapat basahin. Minsan kailangan mo ring magbasa ng ibang libro para additional knowledge na rin.”

Mas kumunot pang lalo ang nuo nito. “Ah, okay.” Tiningnan siya nito. “Anyway, kumusta ka na? Okay ka na ba?”

Now, it’s her time to frown. “What?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ACE CENTREX UNIVERSITY 3: Beat Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon