Una sa lahat ang Pangalan ko ay Harley Faye Fortez at ang malambing ko na kaibigan na Si James Calvin Young ang palagi kong nakakasama sa bawat araw na nalilipas. Pero sa tingin ko hindi bagay sa kanya yung pangalan niya so tinatawag ko siyang "Blue" favorite color ko kasi yan.
Kinder palang ako at Prep na si Blue nung naging best friends kami, pero hindi "Best Friends" ang tawag namin sa isa't isa. Ang tawag namin sa isa't isa ay "Bes Plen" hindi kasi kami maka pronounce ng maayos kaya yun, nasanay nalang kami.
Pero may hindi inaasahang pangyayari ang naganap noong elementary pa lang kami.
*flashback*
"Mama, punta muna ako kila Bes Plen ha?" sigaw ko kay Mama.
"Oh sige!, mag ingat ka nak!"
"opo ma!"
Masayang masaya ako kasi magkikita ulit kami, kahit na buong araw kaming naglaro sa bahay ni Blue kahapon hindi pa din ako nagsasawa.
Nang malapit na ako sa bahay ni Blue, nakita ko na wala yung sasakyan ng magulang niya,
May pinuntahan siguro sila.
Pumunta ako sa harap ng gate nila at binuksan ang pintuan.
"Bes!" sigaw ko.
"Bes Plen!" sigaw ko ulit, ang mokong na yon!.
"Hoy! James Calvin Young! Lumabas ka!"
Hindi niya pa rin sinasagot.
"Asan na kaya si Singkit" bulong ko sa sarili ko.
Pumunta ako sa may tree house sa likod ng bahay ni Blue.
Umakyat ako at nagikot-ikot at may na notice ako.
Wala yung sinulat ko, yung sinulat ko na letter para sakanya, nilapitan ko yung portion na walang nakadikit na papel, puno kasi ng drawing namin sa loob ng tree house nato.
Ng malapit na ako may naapakan ako na isang ballpen na katabi ang isang papel na nakafold, Kinuha ko at binuksan.
"Faye,
Sorry na hindi ako nagpaalam sayo.
Pupunta na ako sa America, natanggap kasi si Papa sa isang Company doon.
Gusto kong pumunta sa bahay mo pero sabi ni Mama wag nalang kasi baka kung inaabala lang kita.
Sorry na kinuha ko yung Letter mo para saakin, gusto ko kasi na kahit wala ka man sa tabi ko..."
Hindi ko na pinatapos ang pagbasa i folded the letter and put it in my right pocket, at nag madali akong bumaba sa hagdan.
Kinuha ko yung cellphone ko at sinubukan ko na tawagan siya,
"The subscriber cannot be reached please try again later"...
*toot* *toot* *toot*
Bakit niya ako iiwan ng ganun-ganun lang?, Sinulatan niya lang ako! Yun lang?!.
Nagmadali akong lumabas sa bahay nila at nag punta sa bahay ko.
"Oh Nak!, Bat ang aga mo pa bumalik?" Tanong ni Mama.
I faced my Mother and Smiled.
"Wala dun si Blue Ma, May pinuntahan ata"
Tapos nun Dirediretso lang akong pumunta sa sa itaas papunta sa kwarto ko, ng umabot na ako sa itaas pumasok na kaagad ako sa kwarto ko.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, napahagulgol ako sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung bakit ako nag-gaganito pero ang sakit.
Ang sakit na ang taong akala mo hindi ka iiwan, Ay bigla nalang umalis.
*End Of Flashback*