All rights reserved 2013.
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously and any resemblance to actual persons, living or death, business establishments, events, or locates is entirely conincidental.
PROLOGUE
Masakit ang maikasal sa taong ayaw mo pero alam níyo kung ano yung pinakamasakit? Yun ay yung wala kang magawa kundi ang pumayag. Wala kang magawa kasi yun ang kailangan at yun ang sinisigaw ng konsensya mo.
Akala ko nung una yung kasal namin isang malaking joke lang, isang malaking kalokohan na dala lang ng isang kasunduan pero ang bilis magbago ng lahat, ang bilis magbago ng makikitungo niya sa akin at ang pinaka di kapanipaniwala napakabilis ko siyang mahalin. Yun ba talaga ang sumpa ng palaging paglapit ko sa kaniya. Akala ko minsan ko na siyang nakalimutan pero hindi pa din pala dahil hanggang ngayon yung lalaking kinamuhian ko ng mahabang panahon ay ang lalaki rin palang matagal ko ng minahal.
Pero hindi dito natatapos ang lahat akala niyo ba may happy ending ang marriage namin? Hindi, dahil kung gaano kasarap ang pakiramdam nung sabihin niyang mahal niya ko ganoon din kasakit malaman kung bakit ang bilis niyang pumayag na lang sa kasalan na iyon.
Kung kayo ba ang tatanungin kaya niyo pa bang magtiwala ulit sa isang taong ilang beses na kayong sinaktan? Kakayanin niyo pa rin bang tanggapin siya ng buong-buo kung hindi na buo ang tiwala niyo sa kaniya? At kakayanin niyo pa rin bang ipaglaban siya kung siya mismo ang nagbigay ng dahilan para sumuko ka na?
Ako si Rein Abigail Salvador minsan nang nasaktan ng isang tao pero heto muling sumubok makipaglapit at makipagmabutihan sa kaniya nang dahil na din sa pakiusap niya pero in the end ganoon lang din pala. Hanggang kailan nga ba ako aasa at magtitiwala sa isang Alden John De Leon?
___________________________________________________
A/N: Ayan po nilagyan ko na ng PROLOGUE para po sa mga nag-rerequest dyan, sorry kung maikli lang at kung ngayon lang ako nakagawa. Sana magustuha nyo kahit paano. Marami pong salamat sa pagbabasa at sa lahat ng tumangkilik ng aklat na to.
BINABASA MO ANG
[MTD 1] Married To Death [COMPLETED UNDER DREAME ✅]
RomanceSIGNED STORY UNDER DREAME Dreame Account: Miss Rayi ==== Napilitang magpakasal si Gail kay Alden dahil sa kagustuhan at kahilingan ng Mama niyang may sakit. Pero bago pa man maganap ang kasalan ay nagkaroon na sila ng kasunduan nito, 'Na kasal lang...